"TOK" akdang Tula na Kumakatok ni John Dexter Asedillo
Tok!Tok! sa pintua'y kumakatok,
Hihingi ng tulong hindi pag-aamok- - -
Biktima ng maruming kapalaluan;
Ang simbulo ng baluktot na lipunan...
Daming kinatok ay wala pang magbukas,
Baka sapitin pa sa pag-gamit ng dahas- - -
Tao po! Tao Po! sanay pakinggan mo;
Pananambitang dulot ng pagsusumamo. . .
Ilang pinto pa ba ang dapat katukin???
Upang mithiin ko sa wakas ay dinggin- - -
Wari'y mga bingi at walang duminig;
Sa pagsaklolong abot langit ang tinig. . .
Tok!Tok! sa pintua'y kumakatok,
Silakbong nagbaga ng mga himutok- - -
Tamaan sana ang gobyernong bulok;
Hinaing na sa ami'y nagsilbing dagok...
Sa huli'y magbubukas din ang pintuan,
Paraisong langit ang kahahantungan- - -
"TOK" akdang Tula na Kumakatok ni John Dexter Asedillo
hilagyongpagkasi.blogspot.com