Kabanata 9 "Pangako ng Walang Hanggan" akda ni John Dexter Asedillo
Ako ay nagbalik, sa init ng iyong yakap
Parang ibong sabik sa isang pugad
Nadanas kong lungkot, nang kita'y aking iwan
Na di pa dinanas ng sinuman
Ako ay nagbalik at muli kang nasilayan,
hindi na 'ko muli pang lilisan- - -
dahil kung ikaw ang yakap ko;
parang yakap ko ang langit,
at yakap ko pati ang 'yong ngiti..."
madamamdaming tinig ng dalaga habang unti-unting yinakapap mula sa likuran ang binata.
Matapos ang tagpong iyon ay ipinagtapat na niya sa binata ang katotohanan ng kanyang naging sitwasyon sa piling ni James at inaming siya pa rin ang tinitibok ng kanyang puso. Nagdesisyon na nga siyang tuluyang tumakas sa pagkakabihag niya sa isang lalaking mapusok at mapaglaro sa damdamin 'di pa man ito batid ng kanyang mga magulang ay handa na siyang ipaglaban ang nararamdaman para sa binata.Ipinaalam naman ni Emmanel kay Eloisa ang nangyari sa kanila ni Tiffany kaya't malaya na silang dalawa upang muling ipagpatuloy ang naudlot nilang pag-iibigan.
Sa mga sandaling yaon ay parang nagbalik sila sa masasaya nilang lumipas sa Luneta at ngayon nga ay nagsisimula sila ng panibagong yugto.Minsan pa nilang nasilayan ang kapwa nila kinagigiliwang Musical Fountain at ang makukulay na fireworks sa kalangitan.Napuno ng pag-iibigan ang gabing iyon saksi ang malamig na simoy na bugso ng hangin na dumadampi sa kanilang mga katawan nagkahiwalay man sila noo'y 'di talaga mapipigilan kapag puso na ang nagdikta ng patutunguhan ng pag-ibig nilang dating natuldukan subalit magpapatuloy tungo sa Pangko ng Walang Hanggan....
Kinabukasan ay muli silang nagkita at pumaroon sila sa Tagaytay upang muling magsimula at bumuo ng bagong kabanata sa kanilang buhay.Kain dito,kain doon,nagtungo sa kung saan-saang magagandang lugar gaya ng pamamasyal sa Tagaytay Highlands nagrapelling,nangabayo,zipline at kung anu-ano pang mga recreational activities na lubha nilang kinawilihang gawin.Walang kahulilip ang ligayang nadarama ng kanilang mga pusong umaapaw at nagliliyab dala ng nag-iibayong pagsuyo ng damdamin.
Mag-a-alas siyete ng gabi ng tumungo naman sila sa Terazza ng Laeuna de Taal sa Talisay,Batangas kung saan natatanaw nila ang kabuuan ng Taal Lake and Volcano ng may isang malaking surpresa ang bumulaga sa dalaga.Habang kapwa tumitingin sa mga bituin gamit ang isang binocular microscope ay nagsimulang maglitawan ang magaganda at makukulay na synchronized fireworks display ilang sandali pa nga ng lumitaw na ang pinaka finale' na lubhang ikinamangha ng dalaga...
ang may mga disenyong puso na may iba't-ibang laki at kulay
Pumukaw 'din ng pansin ang isang advertisement billboard na may mga katagang...
"W I L L Y O U M A R R Y ME ? "
mga lobong hugis puso na ang ila'y nagliparan na patungo sa kung saan man
gayundin ang pagbuhos ng mga rose petals ...
Sa likod nila'y nagsimulang dumating ang mga musikero na nagsimulang tumugtog ng biyolin , accordion at gitara,ilang mga panauhin kabilang ang kanilang mga ka'trabaho at higit na gumulat sa dalaga ay naroon din ang kanyang mga magulang.
Ang higit niyang ikinabigla ay ang tuluyang pagluhod ng binata habang sumisigaw ng pagkalakas-lakas
" Will you Marry Me............?!!!!"
habang isinusuot ang isang 24k Diamond ring sa kanyang daliri.
"Yes...yes...I do.."
pautal-utal at mangiyak-ngiyak na sagot ng dalaga.
Tila lumulutang sila sa alapaap ng mga sandaling iyon isang tagpo na kahit sinuman ay pinapangarap na maganap. Sino bang hindi magnanais ng isang makulay na buhay sa piling ng sinisinta? Marahil lahat tayo'y nangangarap na balang araw ay haharap sa dambana kasama ang tunay nating sinisinta at doon ay manunumpa na magsasama sa hirap at ginhawa.Totoo ngang kapag tumibok ang ating mga puso'y hahamakin natin ang lahat at kapag ito na ang nagdikta nakakasigurong magiging kapana-panabik ang bawat tagpo ng yugto ng ating kapalaran na sadya ngang nakaguhit na sa ating mga palad.Ang lahat ng iyon pala'y di lihim sa mga magulang ng dalaga sapagkat bago pa sila pumaroon ay nakausap na ng binata ang mga ito at nangakong mamahalin ang kanilang anak ng buong tapat at 'di ito paluluhain kaylanman.
Isang linggo lamang ang naging preparasyon ng kasal subalit ito'y naging napakagarbo at dinaos sa Basilica de San Martin de Tours sa Taal,Batangas na napapalamutian ng pink,puti at pulang mga rosas samantalang ang kanyang boquet ay mula sa tulips at everlasting flowers.
Napaka kisig at garang lalaki ni Emmanuel sa kanyang suot na itim na may halong white at red linings ng tuxedo habang napakaganda at kabigha-bighani naman ni Eloisa sa kanyang pinkish white na traje de boda na dinisenyo at nilikha ni Tiffany na naging maid of honor sa kasal nila.Habang naglalakad ang ikakasal patungo sa altar ay maririnig ang kanilang napagkasunduang wedding song ... sina Sarah Guerero at Christian Baltazar ang live na umaawit,mga sikat silang singer na ipinagkokomposisyon o ipinagsusulat ng mga kanta ni Emmanuel...
" ...oh I wonder what God was thinking
when he created you
I wonder if He kne everything I would need
Because he made all my dreams come true
when god made you He must've been thinking about me..."
Napakaraming sikat na personalidad ang nakasaksi sa kanilang kasal mga taga showbiz,ilang mga taga press,media,mga kasamahang dj ni Eloisa at ilan pang mga maiimpluwensiyang tao.
Bakas sa kanilang mga mata ang ligaya gayundin ang kanilang mga magulang at malalapit na kaibigan na labis ang galak sa nga oras na iyon.Pinakainabangang tagpo ang pagpapalitan nila ng 'I do" na umani ng walang humpay na palakpakan at hiyawan lalo na noong binigay na ng pari ang hudyat na "you may kiss the bride.."
Sa paglalapat ng kanilang mga labi ay nagtama ang kanilang maningning at nangungusap na mga mata . . .
"Ikaw at ako habambuhay,
ang lahat sa'yo ay iaalay- - -
pagkat sa puso ko ngalan mong...
Eloisa...
Emmanuel...
ang nakaukit
na kahit kailan hindi ko ipagpapalit
ang pagkasi kong hanggang langit..."
sabay na binitiwan ng dalawa ang mga salitang pangako sa bawat isa.
Matapos ang seremonya ng kasal ay nagtungo sila sa reception ng kanilang kasal sa napaka pabolosong venue sa Splendido Taal Golf and Country Club.Maririnig doon ang mga nagkakalansingang kubyertos,baso at pinggan tanda na nakahanda na ang hapag kainan.Kasing tamis ng mga panghimagas ang kanilang pagtitinginan at pagmamahalan na ibinubuhos sa isa't-isa ang mga sandaling iyon ay tila mahika marahil sadyang ganoon kapag tunay ang iyong pagsinta sa iniirog o pinipintakasi ng iyong puso.
Nang gabing iyon ay minsan pang naglapat ang kanilang mga labi, mas mapusok , mainit at lalong naalab ang mga eksena. Ang bawat halik na animo'y nakakapaso, halik na likha ng sumisiklab na damdamin ng pag-big hanggang sa nagsimula ng tanggalin ang gumagambalang mga saplot sa lanilang matinding pagnanasa....Pagnanasang dulot ng matinding pag-iibigan at sa unang pagkakataon ay sumayaw sila sa ritmo ng pagtatalik na tila sabik na sabik at ang bawat indayog ay smasabay sa tibok ng kanilang mga puso , pabilis ng pabilis ... hanggang maramdaman nilang papalapit na ang rurok ng kaligayahang magsisilbing hudyat ng kanilang pagiging isa..palakas ng palakas ang tila musikang sila lamang ang nakakaalam ng awit hanggang sa ilang ulos pa nga ng tuluyan ng madiligan ang kanilang mga wari'y tigang na lupa.
"Mahal kita Eloisa ...
Sa piling mo ang buhay ko'y
tila mga kulay sa Guhit ng Bahaghari- - -
na nagbubura sa aking lungkot at pighati
nagbibigay ng pag-asa at mga ngiti;
na kahit kaylanpaman ay 'di mapapawi..."
Sa wakas ay natapos na nga ni Alejandro ang kanyang nobela babalik na siya ng Maynila upang isumite ang kanyang akda kaya't nagtungo muna siya sa balay ni Anita,subalit nalibot na niya ang kabuuan noon ay bigo siyang makita ito.Nagdesisyon na lamang siyang babalik na lamang ng Batanggas matapos ang tatlong araw.Pagkarating niya sa Maynila ay iniabot agad niya ang kanyang akda at matapos itong basahin ay umani siya ng mga papuri t nangako ang kumpanya na i-ppublish ito.
"Congratulations! napakahusay ng ginawa mong ito ... gustong-gusto ng mga board members ang ginawa mong atake sa daloy ng kuwento at nagdesisyon silang lapag naging maganda ang benta nito ay hindi ka lang ipro-promote kung hindi magkakaroon la rin ng sarili mong mga novel book series ..Goodluck!Mr.Alejandro Benitez"
pagpapapuri ni Mr.Fransisco de Chavez.
"Maraming salamat sa pagtitiwala makakaasa kayong pagbubutihin ko pang lalo sa mga susunod kong isusulat.."
tugon ni Alejandro bago lumabas ng opisina .
Matapos ang tatlong araw ay muli siyang bumalik sa Batanggas at agad na nagtungo sa bahay ni Anita upang ibahagi ang magandang balita at kamustahin na rin ang katipan...
"Anita,...Anita.. andito na ako ... nasaan ka ba..? may maganda akong balita sa'yo..."
patuloy pa ring pagtawag ng binata.
Subalit wala pa rin tugon kaya't naglibot-libot na lamang ang binata sa kabuuan ng bahay hanggang sa
mapagod ito'y tumungo siyang muli sa loob at dumiretso sa kwarto ng dalaga.Napako ang kanyang tingin sa isang lumang aparador na basag ang salamin sinubukan niya itong buksan at nakita niya ang mga lumang litrato na nakapaskil roon.. dalawang babaeng magkamukhang-magkamukha...
Ikinagulat pa niya na ang isang mukha ay mayroong bakas na tila sinaksak ng matulis na bagay , noon din niya napansing nagkalat ang bubog ng salamin sa loob ng lumang aparador.Nagsimula siyang pulutin ang mga bubog ng biglang bumukas ang pinto at nagulat siya habang nananatiling tulala sa pagkakatingin sa duguang babae na may tangang balaraw dahilan upang masugatan siya sa bubog.
"...Aaaa...Anita...??? Aaa..nong nangyari sa'yo? Saan ka galing at bakit ka duguan?
pautal-utal na tanong ng binata.
Subalit wala siyang nakuhang sagot mula sa dalagang nanlilisik ang mga mata na animo'y galit na tigre akmang kukunin ng binata ang tangan nitong matilos at duguan balaraw ngunit nagpumiglas ito at lumayo sa lanya.
Napansin ng binatag wala itong nunal sa noo at iyon ang kanyang ikinagimbal kung hindi iyon si Anita ay sino nga ba ang babaeng ito at nasaan ang kanyang katipan? akmang lalabas na sana siya ng kuwartong iyon ng iuyan sa kanya ng babae ang tangan nitong balaraw.
"Sino ka?!!! hindi ikaw si Anita! hindi maaari! nasaan si Anita! sumagot ka ! anong ginawa mo sa kanya ?!!! nanggagalaiting tanong ni Alejandro.
"Oo kakambal ko siya at ako si Amalia bagamat lumaki kaming magkahiwalay ay ramdam kong higit siyang minahal ng aming mga magulang ang lahat ng nais ko'y siya lamang ang lahat ng nagtatamasa... inagaw ka lang rin niya sa akin... noong mga bata pa tayo'y una tayong nagkita subalit minsan kong natunghayan na kayo ay masayang nagtatampisaw roon sa lumalagasgas na tubig ng batis.Kayat ipinaubaya ko na ang lahat sa kanya sa utos na rin ng aming mga magulang,sinubukan kong kalimutan ka ngunit habang namumulat ako sa mundo ng pag-ibig ay nananariwa ka sa aking diwa... doon sa malayo lamang kita natatanaw hanggang sa nabuo ang aking pasya na muling magbalik upang makapiling ka at ng malaman kong ikakasal na kayo ay napagtanto kong kailangan niyang mawala upang mapasaakin ka.Ngayon tagumpay ako! wala ng hadlang sa ating pagmamahal at tuluyan na tayong makakapagsama ng maligaya"
"Siguro nga'y hindi si Anita ang una ko'ng nakasama subalit 'di ko maitatatwang sa kanya ko naramdaman ang tunay na kahulugan ng pagsinta at
pumipintig ang aking puso para sa kanya... siya ang naging pinakamagandang dahilan ko upang magsumikap at labanan ang mga balakid sa aking buhay at kahit na kailanpaman ay 'di mo iyong mapapantayan o mapapalitan"
Nagtagal pa ng halos kalahating oras ang kanilang pagpapalitan ng mga tumatagos at madamdaming salita.Ilang sandaling katahimikan lamang ang lumipas ng magbuntung hininga ang binata inihakbang niya papalabas ang nanginginig niyang binti ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas ng pintuan ng silid na iyon ay narinig niya ang tinig ni Amelia na wari'y nagpapahiwatig ng pamamaalam.
"Kung hindi mo rin lamang ako kayang mahalin mabuti pang kitilin ko na ang aking buhay sapagkat wala na itong silbi kung hindi rin lamang kita makakapiling..."
Nilingon lamang niya ang dalaga subalit isinantabi lamang niya ang mga namutawi sa bibig nito at patuloy pang humakbang palabas ng silid.Nagulantang lamang siya at muling sumulyap sa dalaga ng marinig niya ang kalabit at malakas na putok ng baril.Tinuldukan na nga ng dalaga ang sariling buhay.Nagkibit-balikat lamang si Alejandro bago dinampot ang baril at tinungo ang lugar kung saan una silang bumuo ng ala-ala ni Anita... Doon sa dalampasigan ay naglakad-lakad habang pilit na binabalikan ang mga bakas ng kahapon.Naging mababaw ang kaniyang mga luha na nagsimula ng pumatak,nangangatal niyang iniangat ang tangang baril at itinutok iyon sa kanyang sentido.
Minsan pang naglakbay ang malikhain niyang isipan pabalik sa mga nakaraan at sa kanyang gunita ay muli silang pinagtagpo ni Anita.Muling dinama ang inip ng kanilang pagsinta sa mga labing tila sabik sa isa't-isa na wari ba'y kapwa hinahagilap ang alab ng masidhing damdamin na muling nasumpungan sa kanilang pinag-isang nagliliyab na katawan.
Saksi ang mga ibong nagliliparan, ang matarik na sikat ng araw ---
ang pag ali-aliyung hangin; at pabugso-bugsong tubig sa dalampasigan
ng kalabitin nito ang tangan niyang baril at tuluyang nahimlay sa mundo kung saan nananatiling nagbabanyuhay ang kanyang gunita sa piling ng minamahal.. doon sa dako pa roon- - -
--------------------------------------------------------------------