Biyernes, Hulyo 26, 2013

"KANDILI" AKDA NI: JOHN DEXTER ASEDILLO 07/26/13

"SAPUL"

SA BAWAT PAGKILOS MAGING SA PAGTINDIG,
MADALAS AY MAY PAGKUTYANG NARIRINIG- - -
ANIYA ANG SARILI NILA'Y WALANG BAHID;
LOOB NAMA'Y BULOK AT NAGLILIMAHID. . .
BATO SA LANGIT TAMAAN 'WAG MAGALIT,
KUNG MAPIKON KA LALO KANG PAPANGIT- - -
BAKIT 'DI SARILI ANG INTINDIHIN MO???
ANG HANGARIN MO'Y DI KO MAPAGTANTO. . .


KUNG WALANG MAGAWA'Y BAKIT NAGYAYABANG,
SA GRADONG NAKUHA NA PRELIM PA LAMANG???
BAKIT 'DI PAG-AARAL ANG PAGTUUNAN ;
BAKA SAKALI PANG AKO'Y MALAMANGAN. . .

KUNA MAGHAHAMBOG KA PATUNAYAN MO 'YAN,
FILIPINO SUBJECT BAKIT INIYAKAN???
BAKA ANG "BESPREN" MO'Y 'DI MO MALAPITAN;
DAHIL ANG PAKAY MO'Y LIMANG PISO LAMANG. . .

DAIG PA ANG PULUBI NA NAGHIHINGI,
KAY "BESPREN" N'YANG TAWAG NA 'DI MAKATANGGI- - -
BAGO PA MAHULI TINGNAN ANG SARILI;
BAKA PUTULIN ANG MATABIL MONG LABI. . .

SIPSIP! "DI KO MAN MASABI NG HARAPAN,
BATID KO ANG 'YONG WAGAS NA KAPLASTIKAN- - -
SIPSIP!HIGOP! AT BAKA MABILAUKAN;
DAHAN...DAHAN...MAAGA ANG KARMA D'YAN. . .

GANID! 'ANDYAN LANG SILA SA TABI-TABI,
NA WARI'Y 'DI MAPAKALING KITI-KITI- - -
SA PAG-GAWA NG TSISMIS AY KATING-KATI;
UMPUKAN SA SULOK MAPANIRANG PURI. . .

TSIMIS DO'N,TSISMIS DITO,BULUNG-BULUNGAN,
AT DAIG PA ANG WALANG PINAG-ARALAN- - -
HETO NA ANG BOMBANG SIMBUYO NA LILIPOL;
UMILAG-ILAG NA NG 'DI KA MASAPUL. . .


BATO SA LANGIT;TAMAAN 'WAG MAGALIT,
MAMATAY KANG PILIPIT SA PAGKA-INGGIT- - -





#TAMAANSAPUL


AKDA NI :  JOHN DEXTER ASEDILLO

Miyerkules, Hulyo 24, 2013

"SILONG' (AKDA NI: JOHN DEXTER ASEDILLO) [07/24/13]

"SILONG'   (AKDA NI: JOHN DEXTER ASEDILLO) [07/24/13]






HABANG SUMASAYAW ANG ISDA SA DAGAT,
ANG PUSO KO'Y UMIINDAK SA PAGKAMULAT---
TINIG NG UMAAWIT NA MGA IBON;
SUMASALIW SA MUSIKA NG DAPIT-HAPON. . .



SA DAMPI NG PAG ALI-ALIYUNG HANGIN,
RAMDAM KO ANG HIGPIT SA AKIN- - -
ANG ARAW AY NAKANGITING NAGMAMASID;
PANIBAGONG YUGTO SA ATIN AY HATID. . .


WANGIS NG MAGARBONG BULAKLAK SA HARDIN,
KAAKIT-AKIT AT KA'Y SARAP SAMYUIN- - -
AT KAHIT SAAN PA MAN KITA IHAMBING;
SA'YO NAKALAAN AKING PAGLALAMBING. . .


SA PABUGSO-BUGSO NITONG AKING PUSO,
WALANG KAHULILIP ALAY KONG PAGSUYO- - -
MAGING KAHIT ANO AY AKING GAGAWIN;
AT MAGING KAHIT SAAN AY LULUSUNGIN. . .


MAPATUNAYAN LANG NA PAGSINTAY TAPAT,
HANDA AKONG IBIGAY LAHAT NG SAPAT- - -
ANG MAPAGKANDILING LIWANAG NG ARAW;
SAKSI SA PANGAKONG 'DI AKO BIBITAW. . .

MAGING SA KALUNGKUTAN 'DI KITA IIWAN,
KADAMAY NATIN ANG PAGLUROK NG ULAN- - -
AT KAHIT ILANG BAGYO PA ANG DUMAAN;
ASAHAN SAYO'NG TABI AT PAPAYUNGAN. . .

KAPWA MASISILAYAN ANG BAHAGHARI,
NA MAGBUBURA NG INIWANG PIGHATI- - -
MAGBUBUKAS NG SILONG NG KALANGITAN;
MULING AAWIT IBONG NAGLILIPARAN. . .

HAWAKAN MO LAMANG ITONG AKING KAMAY;
MAGPAPATULOY SA ATING PAGLALAKBAY- - -





"SILONG'   (AKDA NI: JOHN DEXTER ASEDILLO) [07/24/13]




Martes, Hulyo 23, 2013

"PATAK" (Akda ni JOHN DEXTER ASEDILLO)

         



   


"PATAK"  (Akda ni JOHN DEXTER ASEDILLO)





KAALINSABAY NG ULAN AKING KALUNGKUTAN,
HILING KO LANG SANA AKO AY DAMAYAN- - -
NAIS KO'Y MAYAKAP KAHIT MINSAN MAN LANG;
AT MAHAGKAN KA NG WALANG ALINLANGAN...

SA BAWAT PAGPATAK NG ULAN SA LUPA,
'DI KO MAPIGILAN NA AKO'Y LUMUHA- - -
INIISIP KO LANG NA 'SANG GUNI-GUNI;
ANG NARARAMDAMAN NA IYONG BINAWI...

ANIYA'Y BUMUBUHOS ANG PAGDURUSA,
'PAG NAAALALA NA IKA'Y WALA NA- - -
AT KAHIT ILANG TAON PA ANG LUMIPAS;
IKAW LANG ANG IIBIGIN KO NG WAGAS...


AT SANA SA MULING PAGBUHOS NG ULAN,
ANG KALUNGKUTAN KO'Y LUNURING TULUYAN - --
MATAPOS ANG UNOS AY MASISILAYAN;
BAHAGHARING MAKULAY SA KALANGITAN...


TITILA ANG ULAN O HINDI TITILA;
PAGSINTA KO SAYO'Y HINDI MAWAWALA- - -



JOHN DEXTER ASEDILLO

Adjectives


Count and Noncount Nouns (with Articles and Adjectives)

Summary:
This handout discusses the differences between count nouns and noncount nouns. Count nouns can be pluralized; noncount nouns cannot.
Contributors:Paul Lynch, Allen Brizee
Last Edited: 2011-10-19 12:41:41

Countable Nouns

Countable nouns refer to things that we can count. Such nouns can take either singular or plural form.
Concrete nouns may be countable.
There are a dozen flowers in the vase.
He ate an apple for a snack.
Collective nouns are countable.
She attended three classes today.
London is home to several orchestras.
Some proper nouns are countable.
There are many Greeks living in New York.
The Vanderbilts would throw lavish parties at their Newport summer mansion.

Uncountable Nouns

Uncountable nouns refer to things that we cannot count. Such nouns take only singular form.
Abstract nouns are uncountable.
The price of freedom is constant vigilance.
Her writing shows maturity and intelligence.
Some concrete nouns are uncountable (when understood in their undivided sense).
The price of oil has stabilized recently.
May I borrow some rice?
While uncountable nouns do not generally take a plural form, sometimes they may be pluralized when used in a countable sense. The difference between the uncountable and countable meanings of nouns that are used in either sense can be seen in the following chart:
Uncountable SenseCountable Sense
Art is often called limitation of
life.
I read a book aout the folkartsof Sweden.
Life is precious.A cat has nine lives.
Religion has been a powerful force in history.Many religions are practiced in the United States.
She has beautiful skin.The hull of a kayak is made of animal skins.
Dr. Moulton is an expert in ancient Greek sculpture.We have several sculptures in our home.
We use only recycled paper in our office.Where are those importantpapers?

Using Articles with Countable and Uncountable Nouns

A countable noun always takes either the indefinite (a, an) or definite (the) article when it is singular. When plural, it takes the definite article if it refers to a definite, specific group and no article if it is used in a general sense.
The guest of honor arrived late.
You are welcome as a guest in our home.
The guests at your party yesterday made a lot of noise.
Guests are welcome here anytime.
Uncountable nouns never take the indefinite article (a or an), but they do take singular verbs. The is sometimes used with uncountable nouns in the same way it is used with plural countable nouns, that is, to refer to a specific object, group, or idea.
Information is a precious commodity in our computerized world.
The information in your files is correct.
Sugar has become more expensive recently.
Please pass me the sugar.

Categories of Uncountable Nouns

AbstractMaterialGenericNon-Plurals with -s
advice
help
information
knowledge
trouble
work
enjoyment
fun
recreation
relaxation
meat
rice
bread
cake
coffee
ice cream
water
oil
grass
hair
fruit
wildlife
equipment
machinery
furniture
mail
luggage
jewelry
clothing
money
mathematics
economics
physics
civics
ethics
mumps
measles
news
tennis
(other games)

Quantity Adjectives with Countable and Uncountable Nouns

Some, Any
Both words modify either countable or uncountable nouns.
There are some cookies in the jar. (countable)
There is some water on the floor. (uncountable)
Did you eat any food? (uncountable)
Do you serve any vegetarian dishes? (countable)
Much, Many
Much modifies only uncountable nouns.
How much money will we need?
They ate so much cake that they started to feel sick.
Much effort will be required to solve this problem.
Many modifies only countable nouns.
How many children do you have?
They had so many books that they had to stack them in the hall.
Many Americans travel to Europe each year.
A lot of, Lots of
These words are informal substitutes for much and many.
Lots of effort will be required to solve this problem. (uncountable)
A lot of Americans travel to Europe each year. (countable)
Little, Quite a little, Few, Quite a few
Little and quite a littlemodify only uncountable nouns.
We had a little ice cream after dinner.
They offered little help for my problem. (meaning "only a small amount")
They offered quite a little help for my problem. (meaning "a large amount") (See quite a bit of, below.)
Few and quite a few modify only countable nouns.
A few doctors from the hospital play on the softball team.
Few restaurants in this town offer vegetarian dishes. (meaning "only a small number")
Quite a few restaurants in this town offer vegetarian dishes. (meaning "a large number")
A little bit of, Quite a bit of
These informal phrases usually precede uncountable nouns. Quite a bit of has the same meaning as quite a little and is used more commonly.
There's a little bit of pepper in the soup. (meaning "a small amount")
There's quite a bit of pepper in the soup. (meaning "a large amount")
Enough
This word modifies both countable and uncountable nouns.
I don't have enough potatoes to make the soup.
We have enough money to buy a car.
Plenty of
This term modifies both countable and uncountable nouns.
There are plenty of mountains in Switzerland.
She has plenty of money in the bank.
No
This word modifies both countable and uncountable nouns.
There were no squirrels in the park today.
We have no time left to finish the project.

Biyernes, Hulyo 19, 2013

"SIMBUYO" Nagaalab na akda ni John Dexter Asedillo

     
                                 

                 

                               "SIMBUYO"    Nagaalab na akda ni John Dexter Asedillo




Diligan mo ng pawis ang lupang pasakit,
Gapangin mo ang buhay na lubhang kay pait- - -
Saluhin ang mga dagok ng pagsubok;
Hanggang matunton mo ang pinakarurok. . .

Sisirin ang kailaliman ng dagat,
At lakbayin ang mapanganib na gubat- - -
Subukang akyatin matarik na bundok;
At h'wag kang susuko kahit pa malugmok. . .

Dugo ang iaalay kapalit ng buhay,
Upang ang liwanag ay muling masilay- - -
Hikahos man ay akap ng pagkandili;
Walang kahulilip na pagpupunyagi. . .

Ang anumang kulang ay dapat mong punan;
NGAYON ang PUHUNAN ng KINABUKASAN- - -



 JOHN DEXTER ASEDILLO




Biyernes, Hulyo 5, 2013

"HILAGYO NG PAGKASI" [TULANG PAG-IBIG NI JOHN DEXTER ASEDILLO]




"HILAGYO NG PAGKASI"     [TULANG PAG-IBIG NI JOHN DEXTER ASEDILLO]




BAKIT BUHAT NG IKA'Y AKING NAKITA,
DI KA NA MAWALA SA AKING GUNITA???
PARA BANG TULOG KONG PUSO'Y NAGAMBALA;
IKAW NA NGA ANG HILING KO KAY BATHALA. . .

SAYONG MGA MATA AKO'Y NAAAKIT,
AT KAWANGIS NITO'Y BITUIN SA LANGIT- - -
'PAG KAUSAP KA DILA'Y NAPIPILIPIT;
NAHIHIYA KAPAG IKA'Y LUMALAPIT. . .

ANG TINIG MONG KA'Y LAMBING SA'KING PANDINIG,
NAMUMUTAWI'Y TILA MAGANDANG HIMIG- - -
WARI BA'Y ISANG IBON NA HUMUHUNI;
PIHIKAN KONG PUSO IYO NGANG NAHULI. . .

NAGULUMIHANAN YARING AKING PUSO,
HILING LANG AY PAGBIGYAN 'YARING PAGSUYO- - -
NGUNIT 'DI MASABING SAYO'Y MAY PAGTINGIN;
'PAGKAT KAY'BIGAN LANG ANG TURING MO SA'KIN..........

TIGIB NG PANGLAW YARING AKING DAMDAMIN

,NANGALILINLANG SIMBUYONG UMALIPIN- - -
BIHAG AKO NG IYONG MGA PALAD;
AT PAGKASING 'DI KO MAGAWANG ILAHAD. . .

HANGGANG SA MAMATAK ANG 'YONG MGA LUHA.
NG MATANTO MO ANG AKING NADARAMA- - -
NABATID MONG AKI'Y AKING SINISINTA;
DI MAAPUHAP ANG DALA NG PANGAMBA. . .

NAGTANGIS ANG DAMDAMING NANGUNGULILA,
WARI BA SA PUSO  KO'Y MAY UMIIWA- - -
DI KAYANG PIGILIN ANG IKA'Y MAHALIN;
PAGBIGYAN MO SANA ANG PAGKASI'Y DAMHIN. . .

BUMALIK KA SA'KIN AT MULING LINGAPIN,
HILING KO KAHIT MINSAN AKO AY DINGGIN- --
YAKAPIN MO AKO KAHIT ISANG SAGLIT;
SA PUSO KO'Y NGALAN MO ANG NAKAUKIT. . .

HIHINTAYIN KO ANG MULI MONG PAGDATING.- - -
UPANG LUHA SA PUSO KO AY PAWIIN...................    




HILAGYO NG PAGKASI
                                 [TULANG PAG-IBIG NI JOHN DEXTER ASEDILLO]