Lunes, Pebrero 3, 2014

"GUHIT NG BAHAGHARI" KABANATA 10 "PAHIMAKAS" akda ni John Dexter Asedillo

   KABANATA 10   "PAHIMAKAS"  akda ni John Dexter Asedillo



Diligan mo ng pawis ang lupang pasakit,
Gapangin mo ang buhay na lubhang kay pait- - -
Saluhin ang mga dagok ng pagsubok;
Hanggang matunton mo ang pinakarurok. . .

Sisirin ang kailaliman ng dagat,
At lakbayin ang mapanganib na gubat- - -
Subukang akyatin matarik na bundok;
At h'wag kang susuko kahit pa malugmok. . .

Dugo ang iaalay kapalit ng buhay,
Upang ang liwanag ay muling masilay- - -
Hikahos man ay akap ng pagkandili;
Walang kahulilip na pagpupunyagi. . .

Ang anumang kulang ay dapat mong punan;
NGAYON ang PUHUNAN ng KINABUKASAN- - -



                           










                                Nagising akong muli sa katotohanan ng mundo habang ang aking isipan ay patuloy pa ring bihag ng paglalakbay doon sa mundo ng imahinasyon kung saan walang limitasyon at ang bawat pangarap ay walang hangganan.

                               Heto na naman akong umaasa na balang araw ay masisilayan ko rin ang liwanag na magsisilbing gabay patungo sa aking minimithi ang maging "manunulat". Subalit ngayon alam kong bubot pa ang pahat kong isipan ngunit naniniwala akong balang araw ay mahuhulma, mahihinog at mahuhubog rin ito sa tamang panahon at pagkakataon.
      
                   Habang ako'y nakatingin sa mga bituin gamit ang papel ay patuloy akong aakda ng iba't-ibang mga likha na isinusuka ng aking tintang itim; mga katotohanan, ekspresyon, pantasya at iba pang mga likhang isip na kakatok at bubuhay sa inyong mga puso't isipan. 

           Katulad ng mga ibon sa langit ,
                  ang pag-agos ng tubig mula sa batis- - -
                 gaya ng magandang tinig o himig na kaysarap sa pandinig. 
          Hangga't ang lahat ng aking mga pangarap ay maging abot kamay,
                ang tintang itim at puting papel ang magsisilbing tulay- - -
          Katulad ng patuloy na pagdaloy ng aking dugo ,
                     ang walang patid na pagliliyab ng apoy sa aking puso...

               

Susulat ako at patuloy pang lilikha ng iba't-ibang akda... 


             Hanggang nananatiling malalim ang tubig sa ilog, 
                         at hindi ko pa nararating ang dulo ng mundong bilog....
            Hangga't di ko pa nasisisid ang kailaliman ng karagatan
                        at nananatiling luntian ang kagubatan.
            Katulad ng pagkasing hinahanap
                         hangga't bughaw ang alapaap...
            At pula ang simbolo ng nag-aapoy kong damdamin,
                  sa panitikan kong pinipinatakasi---
            Kahel na nagpahinog sa bubot kong binhi
                   Habang lila't indigo para sa walang kamatayan ko'ng pagsuyo - - -  
                  at  dilaw na nagbibigay liwanag sa'king mundo.
            At kahit pa sa sandaling  ako'y lumisan;
                          ito ang akdang 'di kaylanman malilimutan.

      Lahat ng ito'y nagbibigay buhay at 'di mapapawi 
                                sa sandaling ang ulap man ay mahawi---
                                              Katulad ng makulay na GUHIT NG BAHAGHARI....


   






                            "mga pinagtagpi-tagping kaisipan;
                                             na magbibigkis ng nakaraan..."
                                                           John Dexter Asedillo
---------------------------------------------------------




Written,Encode and Edit by : John Dexter Asedillo


co-Encoder : Valerie Lejarde
                  Angelica Alexis Perez


GUHIT NG BAHAGHARI Kabanata 9 "Pangako ng Walang Hanggan" akda ni John Dexter Asedillo

Kabanata 9 "Pangako ng Walang Hanggan" akda ni John Dexter Asedillo


                                                   






Ako ay nagbalik, sa init ng iyong yakap
Parang ibong sabik sa isang pugad

Nadanas kong lungkot, nang kita'y aking iwan
Na di pa dinanas ng sinuman

                       Ako ay nagbalik at muli kang nasilayan,
                                             hindi na 'ko muli pang lilisan- - -
                                                      dahil kung ikaw ang yakap ko;
                                    parang yakap ko ang langit,
                                                                at yakap ko pati ang 'yong ngiti..."




                   madamamdaming tinig ng dalaga habang unti-unting yinakapap mula sa likuran ang binata.

                       Matapos ang tagpong iyon ay ipinagtapat na niya sa binata ang katotohanan ng kanyang naging sitwasyon sa piling ni James at inaming siya pa rin ang tinitibok ng kanyang puso. Nagdesisyon na nga siyang tuluyang tumakas sa pagkakabihag niya sa isang lalaking mapusok at mapaglaro sa damdamin 'di pa man ito batid ng kanyang mga magulang ay handa na siyang ipaglaban ang nararamdaman para sa binata.Ipinaalam naman ni Emmanel kay Eloisa ang nangyari sa kanila ni Tiffany kaya't malaya na silang dalawa upang muling ipagpatuloy ang naudlot nilang pag-iibigan.

                                        Sa mga sandaling yaon ay parang nagbalik sila sa masasaya nilang lumipas sa Luneta at ngayon nga ay nagsisimula sila ng panibagong yugto.Minsan pa nilang nasilayan ang kapwa nila kinagigiliwang Musical Fountain at ang makukulay na fireworks sa kalangitan.Napuno ng pag-iibigan ang gabing iyon saksi ang malamig na simoy na bugso ng  hangin na dumadampi sa kanilang mga katawan nagkahiwalay man sila noo'y 'di talaga mapipigilan kapag puso na ang nagdikta ng patutunguhan ng pag-ibig nilang dating natuldukan subalit magpapatuloy tungo sa Pangko ng Walang Hanggan....

                                        Kinabukasan ay muli silang nagkita at pumaroon sila sa Tagaytay upang muling magsimula  at bumuo ng bagong kabanata sa kanilang buhay.Kain dito,kain doon,nagtungo sa kung saan-saang magagandang lugar gaya ng pamamasyal sa Tagaytay Highlands nagrapelling,nangabayo,zipline at kung anu-ano pang mga recreational activities na lubha nilang kinawilihang gawin.Walang kahulilip ang ligayang nadarama ng kanilang mga pusong umaapaw at nagliliyab dala ng nag-iibayong pagsuyo ng damdamin.
Mag-a-alas siyete ng gabi ng tumungo naman sila sa Terazza ng Laeuna de Taal sa Talisay,Batangas kung saan natatanaw nila ang kabuuan ng Taal Lake and Volcano ng may isang malaking surpresa ang bumulaga sa dalaga.Habang kapwa tumitingin sa mga bituin gamit ang isang binocular microscope ay nagsimulang maglitawan ang magaganda at makukulay na synchronized  fireworks display ilang sandali pa nga ng lumitaw na ang pinaka finale'  na lubhang ikinamangha ng dalaga...
ang may mga disenyong puso na may iba't-ibang laki at kulay
Pumukaw 'din ng pansin ang isang advertisement billboard na may mga katagang...
"W I L L       Y O U    M A R R Y     ME    ?   "
mga lobong hugis puso na ang ila'y nagliparan na patungo sa kung saan man
gayundin ang pagbuhos ng mga rose petals ...
Sa likod nila'y nagsimulang dumating ang mga musikero na nagsimulang tumugtog ng biyolin , accordion at gitara,ilang mga panauhin kabilang ang kanilang mga ka'trabaho at higit na gumulat sa dalaga ay naroon din ang kanyang mga magulang.
Ang higit niyang ikinabigla ay ang tuluyang pagluhod ng binata habang  sumisigaw ng pagkalakas-lakas

                              " Will you Marry Me............?!!!!"
                                            habang isinusuot ang isang 24k Diamond ring sa kanyang daliri.

                               "Yes...yes...I do.."
                                              pautal-utal at mangiyak-ngiyak na sagot ng dalaga.


                    Tila lumulutang sila sa alapaap ng mga sandaling iyon isang tagpo na kahit sinuman ay pinapangarap na maganap. Sino bang hindi magnanais ng isang makulay na buhay sa piling ng sinisinta? Marahil lahat tayo'y nangangarap na balang araw ay haharap sa dambana kasama ang tunay nating sinisinta at doon ay manunumpa na magsasama sa hirap at ginhawa.Totoo ngang kapag tumibok ang ating mga puso'y hahamakin natin ang lahat at kapag ito na ang nagdikta nakakasigurong magiging kapana-panabik ang bawat tagpo ng yugto ng ating kapalaran na sadya ngang nakaguhit na sa ating mga palad.Ang lahat ng iyon pala'y di lihim sa mga magulang ng dalaga sapagkat bago pa sila pumaroon ay nakausap na ng binata ang mga ito at nangakong mamahalin ang kanilang anak ng buong tapat  at 'di ito paluluhain kaylanman.


                                          Isang linggo lamang ang naging preparasyon ng kasal subalit ito'y naging napakagarbo at dinaos sa   Basilica de San Martin de Tours sa Taal,Batangas na napapalamutian ng pink,puti at pulang mga rosas samantalang ang kanyang boquet ay mula sa tulips at everlasting flowers.
Napaka kisig at garang lalaki ni Emmanuel sa kanyang suot na itim na may halong white at red linings ng tuxedo habang napakaganda at kabigha-bighani naman ni Eloisa sa kanyang pinkish white na traje de boda na dinisenyo at nilikha ni Tiffany na naging maid of honor sa kasal nila.Habang naglalakad ang ikakasal patungo sa altar ay maririnig ang kanilang napagkasunduang wedding song ... sina Sarah Guerero at Christian Baltazar ang live na umaawit,mga sikat silang singer na ipinagkokomposisyon o ipinagsusulat ng mga kanta ni Emmanuel...


    " ...oh I wonder what God was thinking
                         when he created you
             I wonder if He kne everything I would need
                                 Because he made all my dreams come true
                                       when god made you He must've been thinking about me..."


                                          Napakaraming sikat na personalidad ang nakasaksi sa kanilang kasal mga taga showbiz,ilang mga taga press,media,mga kasamahang dj ni Eloisa at ilan pang mga maiimpluwensiyang tao.
Bakas sa kanilang mga mata ang ligaya gayundin ang kanilang mga magulang at malalapit na kaibigan na labis ang galak sa nga oras na iyon.Pinakainabangang tagpo ang pagpapalitan nila ng 'I do"  na   umani ng walang humpay na palakpakan at hiyawan lalo na noong binigay na ng pari ang hudyat na  "you may kiss the bride.."
   Sa paglalapat ng kanilang mga labi ay nagtama ang kanilang maningning at nangungusap na mga mata . . .

                                       "Ikaw at ako habambuhay,
                                                          ang lahat sa'yo ay iaalay- - -
                                                                   pagkat sa puso ko ngalan mong...
                                                                                     Eloisa...
                                                                                                Emmanuel...
                                                                         ang nakaukit
                                                     na kahit kailan hindi ko ipagpapalit
                                                                           ang pagkasi kong hanggang langit..."
                 sabay na binitiwan ng dalawa ang mga salitang pangako sa bawat isa.

                                                       
                                    Matapos ang seremonya ng kasal ay nagtungo sila sa reception ng kanilang kasal sa napaka pabolosong venue sa Splendido Taal Golf and Country Club.Maririnig doon ang mga nagkakalansingang kubyertos,baso at pinggan tanda na nakahanda na ang hapag kainan.Kasing tamis ng mga panghimagas ang kanilang pagtitinginan at pagmamahalan na ibinubuhos sa isa't-isa ang mga sandaling iyon ay tila mahika marahil sadyang ganoon kapag tunay ang iyong pagsinta sa iniirog o pinipintakasi ng iyong puso.
                                     Nang gabing iyon ay minsan pang naglapat ang kanilang mga labi, mas mapusok , mainit at lalong naalab ang mga eksena. Ang bawat halik na animo'y nakakapaso, halik na likha ng sumisiklab na damdamin ng pag-big hanggang sa nagsimula ng tanggalin ang gumagambalang mga saplot sa lanilang matinding pagnanasa....Pagnanasang dulot ng matinding pag-iibigan at sa unang pagkakataon ay sumayaw sila sa  ritmo ng pagtatalik na tila sabik na sabik at ang bawat indayog ay smasabay sa tibok ng kanilang mga puso , pabilis ng pabilis ... hanggang maramdaman nilang papalapit na ang rurok ng kaligayahang magsisilbing hudyat ng kanilang pagiging isa..palakas ng palakas ang tila musikang sila lamang ang nakakaalam ng awit hanggang sa ilang ulos pa nga ng tuluyan ng madiligan ang kanilang mga wari'y tigang na lupa.
                                                                                                                                                   


                              "Mahal kita Eloisa ...
                                Sa piling mo ang buhay ko'y
tila mga kulay sa Guhit ng Bahaghari- - -
na nagbubura sa aking lungkot at pighati
nagbibigay ng pag-asa at mga ngiti;
na kahit kaylanpaman ay 'di mapapawi..."









                                                Sa wakas ay natapos na nga ni Alejandro ang kanyang nobela babalik na siya ng Maynila upang isumite ang kanyang akda kaya't nagtungo muna siya sa balay ni Anita,subalit nalibot na niya ang kabuuan noon ay bigo siyang makita ito.Nagdesisyon na lamang siyang babalik na lamang ng Batanggas matapos ang tatlong araw.Pagkarating niya sa Maynila ay iniabot agad niya ang kanyang akda at matapos itong basahin ay umani siya ng mga papuri t nangako ang kumpanya na i-ppublish ito.
                                    "Congratulations! napakahusay ng ginawa mong ito ... gustong-gusto ng mga board members ang ginawa mong atake sa daloy ng kuwento at nagdesisyon silang lapag naging maganda ang benta nito ay hindi ka lang ipro-promote kung hindi magkakaroon la rin ng sarili mong mga novel book series ..Goodluck!Mr.Alejandro Benitez"
                                              pagpapapuri ni Mr.Fransisco de Chavez.

                                    "Maraming salamat sa pagtitiwala makakaasa kayong pagbubutihin ko pang lalo sa mga susunod kong isusulat.."
                                                   tugon ni Alejandro bago lumabas ng opisina .


                                    Matapos ang tatlong araw ay muli siyang bumalik sa Batanggas at agad na nagtungo sa bahay ni Anita upang ibahagi ang magandang balita at kamustahin na rin ang katipan...

                               "Anita,...Anita.. andito na ako ... nasaan ka ba..? may maganda akong balita sa'yo..."
                                                           patuloy pa ring pagtawag ng binata.


       Subalit wala pa rin tugon kaya't naglibot-libot na lamang ang binata sa kabuuan ng bahay hanggang sa
mapagod ito'y tumungo siyang muli sa loob at dumiretso sa kwarto ng dalaga.Napako ang kanyang tingin sa isang lumang aparador na basag ang salamin sinubukan niya itong buksan at nakita niya ang mga lumang litrato na nakapaskil roon.. dalawang babaeng magkamukhang-magkamukha...
Ikinagulat pa niya na ang isang mukha ay mayroong bakas na tila sinaksak ng matulis na bagay , noon din niya napansing nagkalat ang bubog ng salamin sa loob ng lumang aparador.Nagsimula siyang pulutin ang mga bubog ng biglang bumukas ang pinto at nagulat siya habang nananatiling tulala sa pagkakatingin sa duguang babae na may tangang balaraw dahilan upang masugatan siya sa bubog.

                     "...Aaaa...Anita...??? Aaa..nong nangyari sa'yo? Saan ka galing at bakit ka duguan?
                                                           pautal-utal na tanong ng binata.

Subalit wala siyang nakuhang sagot mula sa dalagang nanlilisik ang mga mata na animo'y galit na tigre akmang kukunin ng binata ang tangan nitong matilos at duguan balaraw ngunit nagpumiglas ito at lumayo sa lanya.
Napansin ng binatag wala itong nunal sa noo at iyon ang kanyang ikinagimbal kung hindi iyon si Anita ay sino nga ba ang babaeng ito at nasaan ang kanyang katipan? akmang lalabas na sana siya ng kuwartong iyon ng iuyan sa kanya ng babae ang tangan nitong  balaraw.

                           "Sino ka?!!! hindi ikaw si Anita! hindi maaari! nasaan si Anita! sumagot ka ! anong ginawa mo sa kanya ?!!!   nanggagalaiting tanong ni Alejandro.
                              

                           "Oo kakambal ko siya at ako si Amalia bagamat lumaki kaming magkahiwalay ay ramdam kong higit siyang minahal ng aming mga magulang ang lahat ng nais ko'y siya lamang ang lahat ng nagtatamasa... inagaw ka lang rin niya sa akin... noong mga bata pa tayo'y una tayong nagkita subalit minsan kong natunghayan na kayo ay masayang nagtatampisaw roon sa lumalagasgas na tubig ng batis.Kayat ipinaubaya ko na ang lahat sa kanya sa utos na rin ng aming mga magulang,sinubukan kong kalimutan ka ngunit habang namumulat ako sa mundo ng pag-ibig ay nananariwa ka sa aking diwa... doon sa malayo lamang kita natatanaw hanggang sa nabuo ang aking pasya na muling magbalik upang makapiling ka at ng malaman kong ikakasal na kayo ay napagtanto kong kailangan niyang mawala upang mapasaakin ka.Ngayon tagumpay ako! wala ng hadlang sa ating pagmamahal at tuluyan na tayong makakapagsama ng maligaya" 

                 "Siguro nga'y hindi si Anita ang una ko'ng nakasama subalit 'di ko maitatatwang sa kanya ko naramdaman ang tunay na kahulugan ng pagsinta at

 pumipintig ang aking puso para sa kanya... siya ang naging pinakamagandang dahilan ko upang magsumikap at labanan ang mga balakid sa aking buhay at kahit na kailanpaman ay 'di mo iyong mapapantayan o mapapalitan"

Nagtagal pa ng halos kalahating oras ang kanilang pagpapalitan ng mga tumatagos at madamdaming salita.Ilang sandaling katahimikan lamang ang lumipas ng magbuntung hininga ang binata inihakbang niya papalabas ang nanginginig niyang binti ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas ng pintuan ng silid na iyon ay narinig niya ang tinig ni Amelia na wari'y nagpapahiwatig ng pamamaalam.

                      "Kung hindi mo rin lamang ako kayang mahalin mabuti pang kitilin ko na ang aking buhay sapagkat wala na itong silbi kung hindi rin lamang kita makakapiling..."

Nilingon lamang niya ang dalaga subalit isinantabi lamang niya ang mga namutawi sa bibig nito at patuloy pang humakbang palabas ng silid.Nagulantang lamang siya at muling sumulyap sa dalaga ng marinig niya ang kalabit at malakas na putok ng baril.
Tinuldukan na nga ng dalaga ang sariling buhay.Nagkibit-balikat lamang si Alejandro bago dinampot ang baril at tinungo ang lugar kung saan una silang bumuo ng ala-ala ni Anita... Doon sa dalampasigan ay naglakad-lakad habang pilit na binabalikan ang mga bakas ng kahapon.Naging mababaw ang kaniyang mga luha na nagsimula ng pumatak,nangangatal niyang iniangat ang tangang baril at itinutok iyon sa kanyang sentido.

Minsan pang naglakbay ang malikhain niyang isipan pabalik sa mga nakaraan at sa kanyang gunita ay muli silang pinagtagpo ni Anita.Muling dinama ang inip ng kanilang pagsinta sa mga labing tila sabik sa isa't-isa na wari ba'y kapwa hinahagilap ang alab ng masidhing damdamin na muling nasumpungan sa kanilang pinag-isang nagliliyab na katawan.


Saksi ang mga ibong nagliliparan, ang matarik na sikat ng araw --- 
ang pag ali-aliyung hangin; at pabugso-bugsong tubig sa dalampasigan 

ng kalabitin nito ang tangan niyang baril at tuluyang nahimlay sa mundo kung saan nananatiling nagbabanyuhay ang kanyang gunita sa piling ng minamahal.. doon sa dako pa roon- - - 




--------------------------------------------------------------------







Miyerkules, Enero 29, 2014

GUHIT NG BAHAGHARI Kabanata 8 "Sa Lilim ng mga Pugad" Akda ni John Dexter Asedillo

Kabanata 8 "Sa Lilim ng mga Pugad" Akda ni John Dexter Asedillo




                             "Sa muling pagtibok yaring mga puso,
                                        ay magsisimula panibagong yugto- - -
                              na magdurugtong sa ating mga buhay;
                                         at maghuhulma sa nagsisilbing tulay...


                                     wangis ng bulaklak na namumukadkad
                                                    minsan pa sa lilim ng mga pugad- - -"




     Magkasama ng mga sandaling yaon sina Emmanuel at Tiffany habang namamasyal at masayang naguusap sa kahabaan ng Eastwood City ng biglang nag ring ang telepono ng dalaga hindi nakarehistro ang numero kaya't hindi niya ito binigyang pansin at ng nakailang ulit na ay si Emmanel na mismo ang nagsabing sagutin na ito ng dalaga...

                                                        "pick your phone and answer it Babe maybe it's an emergency call so                                                                                don't hesitate come on.."

                                       "ahmmm are you sure that its ok...?"

                                                       " of course Babe , no problem with that oh come on , take your call
                                    I'll be walking around  and back after a few minutes, I need to buy something ,ok?"

                                      "ok Babe, thank you see you later.."
                                                                       at sinagot na nga ng dalaga ang kanyang telepono.

                                     "Yes hello! This is Tiffany Monreal how can I help you..?"

                                               "oh, Sweetie pie ..., thanks at last you answer my call ..."
                                                                 tinig mula sa kabilang linya.
                             
                          "am sorry ,who are you?do I know you?and you call me sweetie pie? how come?
                                                        sunod-sunod niyang tanong na may halong pagtataka

                                "oh my God .. Sweetie you don't remember me and recognize my voice?
                                                            This is me your fiancee' and future husband Jeremy McCartney...
                                                                                   pagpapakilala ng nasa kabilang linya.

                                               "Je...Je... Jeremy...?
                                                                   pautal-utal na  tugon ng dalaga habang                                                                                        binabanggit ng may alinlangan ang pangalan ng nasa kabilang linya.
                         
                                   "Yes, sweetie I'm already here in the Philippines to marry you as soon as possible...
                                        don't tell me that you've forgot that we're already engaged..?"

                                                 "Yes..I...I mean no... of course not..."
                                                                       kinakabahan niyang sagot.
  
           Lingid sa kaalaman ng dalaga ay naroon lamang ang kanyang katipan na si Emmanuel na nananatiling tulala at naguguluhan sa mga sandaling iyon .. huli na ng napansin ng binatang nabitawan niya ang tangang bulaklak gayundin ang  lobo na tuluyan ng lumipad patungo sa kung saan pa man...
                       
                                           "Sweetie pie where are you now? can you come here in my condo unit at 
                                                      BGC Towers .. I want to talk to you and to give you something special "
                                                                        
                                            "Ok Sweetie I'll be there for a few hour, ok? goodbye.."

                          Halos kalahating oras ng naghahanap ang dalaga sa katipan na si Emmanel kung saan-saan na siya nagtungo at naghagilap sa kahabaan ng Eastwood subalit ni anino ng binata'y hindi na niya natagpuan sinubukan niya itong tawagan subalit patay ang telepono.Nagdesisyon na lamang siyang magtungo sa BGC Towers upang tagpuin ang dating kasintahan na inakala niyang hindi na niya muli pang makikita.
Nasa kolehiyo pa lamang siya noon sa Academy of Art University sa San Francisco,California  at kumukuha ng kursong Fashion Styling & Journalism   ng makilala at maging kasintahan niya noon si Jeremy McCartney.
Tatlong taon at apat na buwan silang nagsama at nagdesisyong magpakasal subalit noong nagtungo na sila sa Pilipinas ay lumipad naman pabalik sa Amerika ang binata isang linggo sana bago ang kanilang kasal upang asikasuhin ang naiwang negosyo ng mga magulan nito.Nangako itong babalik makaraan lamang ang tatlong linggo subalit lumipas na ang halos apat na buwan ay hindi pa rin ito nagparamdam at naputol na nga ang kanilang komunikasyon.At heto matapos ang isang taon ng iniwan siya ay muling nagbabalik upang ipagpatuloy raw ang kanilang naudlot na pagsasama.Sinagot niya si Emmanuel sa pag aakalang tuluyan na siyang nakalimutan ng dating katipan mahal naman niya ito subalit higit ang kanyang nararamdaman para kay Jeremy at sigurado siyang sa kabila ng lahat ay hindi pa rin iyon kumukupas.

                                                         Lumipas na ang ilang linggo ay wala pa rin siyang balita kung saan nagtungo si Emmanuel kahit sa opisina nito ay hindi raw ito napapadpad hanggang isang araw nakatanggap siya ng tawag mula rito...

                               "alam ko na anhg lahat narinig ko kayo... pa..papaano mo nagawa sa akin ito naging tapat ako sa iyo sa kabila ng lahat subalit kinalimutan ko iyon para sa ikaliligaya ng pagsasama natin .. akala ko ikaw na hindi pala... dinagdagan mo lang ang sakit na nararamdaman ng puso ko..."
                                                                            may pagdaramdam sa tinig ng binata sa kabilang linya.

                                "pppasensya na ... mahal naman kita subalit 'di ko inaasahan na muli siyang magbabalik mag-usap tayo nasaan ka ba? pupuntahan kita para bigyang linaw ang lahat..."
                                                                      kinakabahang tugon ng dalaga.


                       Pasado ala-una ng hapon noon ng magkita ang dalawa sa Lemuria Restaurant sikat na kainan sa Horseshoe Village , Quezon City.Habang kumakain ang dalawa ay ikinuwento na ni Tiffany ang buong katotohanan binanggit rin nito na minsang nagtapo ang landas nila ni Eloisa at batid na nitong mahal pa rin nito      
ang binata.Nagkaroon ng mga ngiti sa labi ang binata ng marinig ang mga namutawing salita kay Tiffany ngunit 'di rin niya maitago ang labis na pag-aalala sa nalamang sitwasyon ng minamahal. Makalipas ang ilang sandaling pananahimik ay ibinigay na ng binata ang hudyat sa dalaga na pakasalan na ang katipan nito at nais niyang maramdaman ng dalaga ang tunay na kaligayahan sa piling ng sinisinta .Inilahad niya ang kanyang kamay sa dalaga ang hinawakan ang malalambot nitong mga palad at sinabing...
                                                      "ayoko ng itali ka pa sa ating relasyon, I'll set you free.. 
                                                                        come on, get back to him...  I wish you all the best ..."
                                                                                            nakangiting wika ng binata.
                                         
                                                     "thanks,you too.. get back to her and fight for your love she still loves you  and I know that deep inside your heart still beats and longs for her.. it's never too late.. Eloisa is the one who can give fulfillment in your life and no one can replace her.. I know that right? I do believe that you and Eloisa is the one who created by God  to live together.. forever ..."


                       Nagpaalam na nga ang binata at sinunod na ang dating kabiyak lulan ang kanyang Mercedes-Benz ay nagtungo siya sa Luneta upang balikan ang lugar kung saan sila unang pinagtagpo ni Eloisa.
Naupo siya sa isang sulok na nalililiman ng mayabong puno ...
                kung saan sila unang nag-usap ,
                           kung saan sila naging magkasintahan- - -

         Mag-aalas singko ng hapon subalit 'di niya pansin ang mabilis na pagtakbo ng oras sapagkat nakapukaw ang kanyang diwa sa pagbabalik tanaw ng mga nakaraan.Minsan pang lumapat ang kanyang mga daliri at kalabitin ang gitarang  mula sa kanyang kababata na si Nathan ...at nagsimulang umawit...

                         
"Kay layo mo sa akin
Tila isang bituin
Kay layo mo sakin
Kay hirap mong ibigin

lagi nalang ako
nangangarap ng gising
nakatulala’t malayo ang tingin

kinakausap ang mga bituin

            Aking hiling sa mga bituin 
                                       sana ika'y makapiling
                                              sa paghimbing at sa pag-gising 
                                   sana ako'y mahal na rin
                                               ang aking hiling sa mga bituin 
                                                               pakiusap ko ay dinggin 
                                                                   sana'y haplusin at tanggapin 
                                                                                 ng puso mong ka'y hirap abutin.."

                           Hindi pa niya natatapos ang awitin ng may biglang tumapik sa kanyang mga balikat at tinakpan ang kanyang mga mata .Hinawakan niya ang malambot na  mga kamay na nagtatakip sa kanyang paningin at unti - unti niya iyong inalis habang naririnig ang isang malambing na tinig...




---------------------------------------------------------------------









Lunes, Enero 20, 2014

GUHIT NG BAHAGHARI Kabanata 6 "TILA" akda ni John Dexter Asedillo

Kabanata 6 "TILA" akda ni John Dexter Asedillo







KAALINSABAY NG ULAN AKING KALUNGKUTAN,
HILING KO LANG SANA AKO AY DAMAYAN- - -
NAIS KO'Y MAYAKAP KAHIT MINSAN MAN LANG;
AT MAHAGKAN KA NG WALANG ALINLANGAN...

SA BAWAT PAGPATAK NG ULAN SA LUPA,
'DI KO MAPIGILAN NA AKO'Y LUMUHA- - -
INIISIP KO LANG NA 'SANG GUNI-GUNI;
ANG NARARAMDAMAN NA IYONG BINAWI...

ANIYA'Y BUMUBUHOS ANG PAGDURUSA,
'PAG NAAALALA NA IKA'Y WALA NA- - -
AT KAHIT ILANG TAON PA ANG LUMIPAS;
IKAW LANG ANG IIBIGIN KO NG WAGAS...


AT SANA SA MULING PAGBUHOS NG ULAN,
ANG KALUNGKUTAN KO'Y LUNURING TULUYAN - --
MATAPOS ANG UNOS AY MASISILAYAN;
BAHAGHARING MAKULAY SA KALANGITAN...


TITILA ANG ULAN O HINDI TITILA;
PAGSINTA KO SAYO'Y HINDI MAWAWALA- - -


                                                            Katatapos lamang basahin ni Eloisa ang madamdaming tula na kalakip ng isang liham na natanggap niya mula sa opisina  bagamat walang nakasulat kung kanino nagmula ay batid na niyang si Emmanuel at nagpadala nito sa tagpong iyon ay sandali siyang naging alipin ng nakaraan dahilan upang siya'y matulala na para bang may napakalalim na iniisip.Napawi lamang ang pagkakapako ng kanyang diwa ng may mga palad na tumakip sa kanyang nanlulumong mga mata...
                                                       "Surprise!...Honey..."  sabay abot ng isanag boquet ng tulips flower.
                      "Starving? Come on Lets eat some Japanese dishes at Senju... I'll treat you "

                                                          "Thank you James but I'm still full almost half hour na lang din at sasalang na ako muli sa aking radio program..."
                                                             tipid at tila nanlalamig na sagot ng dalaga
      "Honey,any problem??? hello ,we owned this company and  I am your Boss don't forget it come on..."
                                                            muling pagyaya ng binata subalit 'di parin nagpatinag ang dalaga kaya't nagdesisyon na lamang siyang kumain mag-isa ayaw na niyang makipagtalo pa sa kanyang katipan dahil baka paglumaki pa ito ay mauwi pa sa kanilang bangayan.

                          Si James Williams ay ang anak ng may-ari ng pinagtratrabahuhang istasyon sa radyo ni Eloisa bagamat napakaraming magandang offer sa kanya sa labas ng bansa gayundin sa kumpanya ng kanyang magulang ay pinili niyang sundin pa rin kung ano ang mga simpleng bagay na nagpapasaya sa kanya.
Si James ang kasalukuyang kasintahan ng dalaga na ipinagkasundo lamang ng kanilang magulang dahil sa kapwa nasa mataas na antas ang kanilang buhay bagamat batid ng lahat na napakababaero nito ay pumayag parin sa kasunduan ang mga magulang ng dalaga sa kadahilanang malaki ang impluwensiya ng pamilya Williams sa industriya at isa sila sa mga investors ng kanilang kumpanya higit  lalo na sa real estate na halos kalahating bilyon ang share ng mga magulang ng binata.
       

                           
                                                     Red Letter... Red Letter... Red Letter..... dito sa Radioholic
ang radyong nakakaadik kasama ang nag-iisang anghel ng pag-ibig..."Lovely Heart"....

                                                    "Magandang hapon sa mga tagasubaybay ng numero unong programa sa radyo ang Red Letter ...May problema ka ba sa pag-ibig o gusto mo lang ibahagi ang makulay mong love story..? Tumawag lamang sa 563-2713 o sa 563-2002 o 'di kaya'y magtext lamang gamit ang inyong mga cellphone sa kahit anong network i-type lamang ang RED (space) your message at ipadala lamang ang inyong mga mensahe,kuwento o katanungang tungkol sa pag-ibig at i-send sa 2801..
Tawag na o magtext malay mo kuwentong pag-ibig mo na ang mabasa ko.. makakakuha ka pa ng libreng payo mula sa anghel ng pag-ibig
ako po si Lovely Heart ,ang babaeng anghel na nagmula sa langit;
may gandang kaakit-akit ...   at eto ang RED Letter... RED Letter...."


                                               "Nagbabalik na ang ating programa at ang first texter natin galing kay Mr.Yozo ng Marikina...


                                                   Dear Lovely Heart;
           
                                                                 Itago ninyo na lamang ako sa alyas na Mr.Yozo mayroon po akong kasintahan subalit matagal na po akong hindi nakatatangap ng mensahe mula sa kanya...
Sinubukan ko siyang tawagan subalit mukhang nagpalit na siya ng numero at halos dalawang taon na kaming walang kmunikasyon sapagkat kahit sa mga social netwoking sites at e-mail ay hindi na siya sumasagot kung kaya't sumagi sa aking isipan na wala na akong kasiguraduhan kung mahal niya pa rin ako...
Ano pa ba ang dapat kong gawin..?



                                                                                                   Lubos na gumagalang;

                                                                                                     Mr.Yozo ng Marikina



                                          "Hay Naku! Kuya nakakaloka ka ha ang swerte naman ng GF mo ang haba ng hair niya sobrang mahal na mahal mo.. pero ano two years na kuya 'di ba move on.. Hello! okay lang sana kung 2days, 2 weeks or 2 months na walang paramdam baka cool off lang ang peg niya o need some time or space??? Gumising ka na kuya kakaloka 2 years need space ??? sabihin mo sa girlfriend mo ha punta siya ng outer space dun sa may solar system ewan ko na lang kung magkulang pa at magreklamo siya sa space hahahaha charot lang . Pero eto 'yun eh hindi na ito tungkol sa kanya o tungkol sa inyong dalawa .. tungkol na ito sayo kailangan mo ring isipin ang sarili mo, bago ka magmahal ng ibang tao sana matutunan mo munang mahalin ang sarili mo tama???! kasi naman ang labo na ng relasyon ninyo kung meron pa nga ba dahil mukhang nakalimutan ka na niya. Sa relasyon kasi minsan nangyayari na isa lang ang nagmamahal at yung isa nagpapa-asa lang baka masaya silang nakakasakit sila ng tao o 'di kaya'y ginagamit ka lang aminin natin ang katotohanan na minsan may mga taong nagmamahal kuno pero ang totoo gusto lang nilang magbigay ng kabiguan sa iba..gumising ka na .. move on.. May mga taong nasa isang relasyon subalit dalawa lamang ang rason maaaring nagmamahal siya dahil kailangan ka niya o kailangan ka kaya ka minahal sa madaling salita may mga "USER" lang . Sorry for the word pero gusto ko lang sabihin na tama na ang pagpapakaTANGA mo sa kakaasa na babalikan ka pa niya ang tagal na nun kaya sigurado akong nakalimutan ka na niya. tanungin kita bakit ka nga ba nagmamahal?  dahil kailangan ka niya o kailangan mo siya? o baka naman gusto mo lamang maranasan ang may karelasyon o dahil gusto mo lamang lumandi dahil natatakot kang maubusan??? ... Minsan hindi sapat ang basta magmahal ka lang lalo na kung hindi mo naman pala kayang patunayankung totoo at tapat ang nararamdaman mo. Kaylan nga ba masasabing totoong nagmamahal ka? Kapag ibinigay mo na ang lahat o kapag sa kabila na lahat na sinasaktan ka lang at niloloko ka ay patuloy ka pa  ring naniniwalang may "True Love" . At kahit pilitin mong pigilan ang nararamdaman mo sa bandang huli ikaw pa rin ang higit na masasaktanpero sa kaso mo mas mabuti ng kalimutan at ibaon na ang mga ala-ala niya kailangan mo ng gumising sa katotohanan  pero h'wag kang malulungkot kuyanapakaraming babae sa mundo mamili ka na lang haha! chos!..."
                                                                      
                                                Yun lang ang maipapayo ko para sa ating unang texter ngayong hapon na si Mr.Yozo ng Marikina maraming salamat keep in touch .. Minsan masakit talagang umasa sa pagmamahal ng taong matagal ng nawalay sa'yo lalo na kung hindi mo alam kung kailan ba siya babalik o kung babalik pa ba siya...ito ang kantang para sa'yo..."
                    sabay salang ng isang madamdaming awitin na tagos sa puso ng mga tagapakinig 

                     " Anong daling sabihin na
                                malilimutan din kita
                                         Ngunit pano nga ba
                                                         mga ala-ala
                                                           ngayong wala ka na
                     magagawa mo ba kaya 
                                   muli  sa aki'y magbalik 
                                                   nang  madama muli ang yakap mo't halik..."


                    Halos mabasag ang radyo ng padabog itong ibato ng binata matapos marinig ang mga sinambit ng dalaga 'di niya lubos akalain na mamumutawi ang mga salitang iyon sa mga labi ng sinisinta ang masakit pa'y payo ito ng dalaga para sa kanilang lumabong pagsasama na tila nalalapit na ngang matuldukan.Hindi man siya nagpakilala ay lubos na nagdurugo ang kanyang puso dahil sa tinuran ng dj sa radyo na walang iba kundi ang iniirog na si Eloisa.
Sa tindi ng nararamdamang himutok ng kanyang puso ay nilunod niya ito ng alak bagamat hindi sanay ay sinubukan niyang uminom ng alak sa pag aakalang mapapawi ito ang sakit na nararamdaman sa at sa unang pagkakataon ay nadampian ang kanyang mga labi ng nakalalasing na inumin hanggang tuluyan siyang anurin nito tungo sa mundo ng kawalan....

                         Pauwi na ang dalaga mula sa opisina ng may natanggap siyang mensahe
"Salamat sa payo mo Eloisa,sige kakalimutan na kita ... Salamat na lang sa mapanlinlang mong pagmamahal
at makasarili mong puso!..." nanginginig pa habang binabasa ng dalaga ang mensaheng natanggap
nagugulumihanan siyang tumakbo patungo sa kung saan man siya malayang makapagiisip .
Hanggang sa dinala siya ng sariling paa sa kahabaan ng sea side sa Roxas Boulevard nakatingin sa dagat na wari'y hinahanap ang pinakadulo ng daluyan ng tubig subalit ang totoo ay gumugulo sa kanyang kaisipan ang binatang minamahal si Emmanuel... Bago tuluyang lamunin ng dilim ang liwanag ay lumulan na siya sa isang taxi at nagpahatid sa kanilang tahanan agad niyang inapuhap ang kanyang laptop upang i-check ang kanyang e-mail kung may natanggap ba siyang m,ga mensahe mula sa binata  subalit napag-alamanan niyang naka blocked user ito sa kanya.Hindi na niya inisip ang dahilan at kung sino ang nakialam sa kanyang e-mail at nagblock sa binata agad siyang gumawa ng panibagong account at nagpadala ng mga mensahe sa katipan.
Mag aalas-dyes na ng gabi ng nagdesisyon siyang makipagtagpo kay Nathan ang kababata nila ni Emmanuel sa SkyLounge Bar sa Bonifacio Global City (BGC) upang humingi ng payo at makausap ito ng personal.
Si Nathan noong kabataan nila ay kilalang kilala bilang matinik na babaero hanggang sa natuto itong magmahal ng totoo at mainlove kay Nerissa. Subalit naging mapaglaro ang kanilang tadhana oo nga't nagsasama sila sa katunayan sa dami na ng kanilang pagtatalik ay nagbunga ito at nagsilang si Nerissa ng isang malusog na lalaki at pinangalang Mark Nathaniel. Hanggang sa nagkaroon ng tsimis at bulng-bulungan na may kinakalantaryo pang ibang mga lalaki si Nerissa palibhasay napaka ganda nga nito , makinis at animoy diyosa kaya't sinumay sadyang maakit sa kanyang kahali-halinang  alindog . Dumating ang isang tagpong hindi inaasahan ni Nathan ng siya mismo ang nakasaksi sa ginagawang pagtataksil sa kanya ng katipan ng makita niya itong walang saplot habang nakikipagromansa sa dyipney ng kanilang kapitbahay na drayber. Makailang beses niya itong tinanggap dala ng labis niyang pagmamahal subalit paulit-uit siyang pinagtaksilan at sa lahat ng sakit at pait ng kanyang pinagdaanan ay si Leandro lamang ang naging kaniyang tanging sandalan.Si Leandro tulad niya isang batang ama hiwalay sa asawa at nagtratrabaho bilang isang hosto sa isang gay bar sa Cubao upang mapunan ang pangagailangan ng kaniyang anak. Naging malapit ang dalawa dahilan upang  mahulog ang loob nila sa isa't-isa sa madaling salita ay nagkaroon sila ng relasyon at hanggang ngayon ay nagsasama pa rin sila at kapwa nila mahal ang isa't isa.Bagamat alam nilang sa mata ng Diyos gayundin sa mga taong nakapaligid sa kanila na mali ang kanilang relasyon ay hindi sila natinag  at wala siyang pinagsisisihan na naging isa siyang binabae sapagkat doon siya naging masaya na nagmamahal at minamahal. Siguro nga'y pagdating sa Pag-ibig hindi importante ang kasarian , kung tama ba o mali hanggat kapwa ninyo mahal ang isa't isa at wala kayong nasasaktan marahil iyon ang higit na mahalaga.


                                                    "Nathan, tulungan mo naman ako o, alam mo naman na ikaw lang ang lubos na nakakakilala at nakakaalam ng ugali ni Eman pakiusap mahal na mahal ko siya subalit alam mo naman ang dahilan kung bakit ko siya iniiwasan 'di ba???"
                                           tila nagmamakaawa na panimula ng dalaga
                                                   "Tse! ikaw naman kasi nakakalurkey ka naman kasi neng ginusto mo yan 'di ba teh??? ikaw mismo ang naglagay ng sarili mo sa ganyang sitwasyon at saka pwede ba darling call me Nancy! oki???..."

                                                  "Okay sori, hindi lang talaga ako masanay na tawagin ka sa ganoong pangalan sige na Nancy o, nagmamakaawa ako sayo tulungan mo naman akong ayusin to please"...

   
                                               "kalurkey ka naman teh 'di ba trabaho mo yan ang magbigay ng payo pagdating sa usaping pag-ibig hay naku ang galing mong magpayo sa ibang tao pero sarili mong lovelife 'di mo maayos ang ganda mo sana kung hindi ka lang naging shunga eh ,waley! kung hindi lang kita friend nakuh teh sinampal ko na ng bongang bonga yang peslak mo para magising ka na.."


                                               "eto naman o, tutulungan mo ba ako o susumbatan hmmft... 
please do me a favor baka sakaling makinig siya sa'yo kung ikaw ang magkukuwento sa kanya ng mga katotohanang nalalaman mo ikaw na sana ang magpaliwanag sa kanya ng sitwasyon ko .."


                                               "Hay naku teh! malulurkey talaga ako sa'yo magkakawrinkle ang peslak ko sa kakaisip kung pa'nu kita matutulungan .Bakit ba naman kasi patuloy kang nagpapatali sa kagustuhan ng mga magulang mo , may sarili kang isip para gamitin at may sarili ka ring puso para sundin ito , hindi ka naman "comatose" o baldado at lalong hindi ka robot para maging sunud-sunuran na lang ... simple lang naman ang dapat mong gawin para matuldukan na yang miserable mong buhay aminin mo na sa mga magulang mo at kay James na si Eman ang totoong minamahal mo napaka arogante at makasarili naman nila kung hindi ka nila maintindihan .Tandaan mo ang mundo ay isang malaking Quiapo maraming snatcher maagawan ka! lumaban ka! chos! habang tumatagal ay parang itinataboy mo siyang palayo sa'yo at unti-unti na ring mawawala ang posibilidad na muli kayong magsama .Anong gusto mo kalimutan ka na niya at kumembular na lang siya sa iba? kalerkey ka ! shunga!..
                                                tila nanunubat pang payo ni Nathan aka Nancy habang walang patid sa paghithit buga ng tangan niyang yosing pula.
                                                           
                                                  "Nahihirapan na kasi ako ni hindi ako mapalagay sa kaiisip ng paraan kung paano ko ba lulutasan 'tong problema ko pakiramdam ko nga kaunting kaunti na lang eh sasabog na ako..."
                malumbay na tugon ng dalaga matapos tanggapin ang tig-isang shot ng tequilla  at margarita.

                                               "Bakla ka kasi kainis ka alam mo yun? duwag kang harapin ang katotohanan na kailangan mo ng lumaya sa kulungan mo you need to be out of your box! at panu nga ba kita tutulungan aber! kung ayaw mo naman makinig sa mga payo ko? anung tingin mo naman sa akin si kupido eh wala naman problema sa relasyon ninyo parehas ninyong mahal ang isa't isa ang problema na sa'yo hindi mo siya kayang ipaglaban hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo wala naman akong magic para ayusin ang gusot na yan agad-agad ano ako fairy god mother mo hmmmft.. charot lang.. "

                                        "Oo na sige na susubukan kong kausapin sina Papa pero ipagpapaliban ko muna ang pakikipagusap kay James hindi pa ako handa sa kung ano pa man ang magiging reaksyon noon dahil sigurado na akong magagalit siya iniisip ko pa nga lang ay kinakabahan na ako . Salamat friend at least kahit paano nagkaroon na ako ng lakas ng loob bukas na bukas ay magsisimula na akong ayusin toh..

                                        "Good girl, yan ang gusto ko sa'yo eh yang fighting spirit mo ,go girl! itaas ang bandila hahaha o, tama na ang tungga ng alak para bukas pag nakaharap na kayo ni Eman  kasing ganda pa rin kita oki?

                                   "oki friend salamat ulit..."

    muling nasilayan ang mga ngiti na matagal na nagkubli sa mga labi ng dalaga bago umuwi ay kinuha niya ang mikropono at nag iwan doon ng isang madamdaming awitin na tumatak sa ilan pang mga naroroon...

                         "Nasaan ka na 
                                    tunay bang mahal mo s'yang katulad ko..
                                              na lagi ng nasasaktan
                   ang mabuti pa kaya
                               upang malunasan ang pagdurusa 
                                                               ay limutin na kita
                                                                      sakali ay humanap ng iba..." 




                                  Tirik na ang araw ng katanghalian iyon ay nakatulala pa rin si Eloisa nakatingin  lamang siya sa isang sulok ng pamosong HEAT Restaurant sa Edsa Shangrila habang naglalakbang ang kanyang isipan at hinihintay ang kanyang inorder na pagkain.Natigilan siya sa pagiisip ng mapako ang kanyang paningin sa kanyang natanaw na pamilyar na mukha ng isang lalaki na akmang papasok sa loob ng resto at may kahawak kamay na maganda at seksing dalaga . Hindi siya maaaring magkamali kahit may ilang taon na silang hindi nagkikita ng binata ay tandang tanda pa rin niya ang napaka gwapo at maamong mukha ng minamahal gayundin ang mala-adonis at makisig nitong pangangatawan . Nasisiguro niyang iyon ay si Emmanuel at ang kasamang dalaga ay kilalang kilala niya dahil isang sikat na fashion designer at modelo si Tiffany Monreal .

                                      "Shit! wrong timing naman at bakit kaya niya kasama ang modelong iyon? kailangan ko ng makaalis dito hindi kami pwedeng magkita sa ganitong sitwasyon .." 
wika niya sa kanyang sarili at agad na nag atubiling lumabas doon subalit huli na ang lahat  dahil nagkasalubungan pa sila sa pintuan.


                                                   "Hi !Eloisa , long time no see; how are you?..."
                                                                        nakangiting bati ng binata.

                    "I'm fine, thank you but to be honest  you catch me on a bad time
                                                                               I really need to go   I'm sorry..."
                         tugon ng dalaga habang nagmamadaling umalis at iniiwasang tumagal sa lugar na yaon na wari ba'y may iniiwasang mangyari.
                                                                   
                                                   "Babe, who is she??? do you know her???
                                                            tanong ni Tiffany sa binata
                                             
                             "Nothing , I mean a childhood friend???"
                                             walang kasiguraduhang tugon ng binata

                           " I think she don't have an etiquette nor  lack of good manners don't you think so?"
                                            muling tanong ng dalaga na hindi nagustuhan ang ginawang pagiwas ni Eloisa    
                 "please don't mind it maybe she was tired ok?  lets eat and enjoy this day come on babe.."


   
Bagamat si Tiffany ang kaniyang kasama ay 'di parin mawala sa kanyang isipan ang muli nilang pagtatagpo nila ni Eloisa sa hindi inaasahang pagkakataon patuloy pa rin pa ulit-ulit iyong bumabalik sa kanyang isipan gaya ng katotohanang patuloy pa rin siyang bihag ng pag-ibig nito...




___________________________________________________________
                                                                 





                                                                                

GUHIT NG BAHAGHARI Kabanata 5 "Binhi ng Pangarap" akda ni John Dexter Asedillo


Kabanata 5 "Binhi ng Pangarap" akda ni John Dexter Asedillo


                                     

Bumubukal sa dibdib ng lupa,
Masaganang uusbong- - -
Saglitang diligan mo ng luha;
Bagong binhi ay sasalubong..
Gagapang panandali,
Mamumukadkad sandali- - -
Tutubo sa dilim ng karimlan;
Pumapawi sa bawat pighati...
Tigang man ang lupa,
Lukuban ng salaghati- - -
Masdan mo bawat bakas;
At tayo'y sasalubong. . .
Kaya't sa pagdating ng bukas,
Sa binhi ay aani- - -



                 Kapwa nasa ikatlong antas na sina Emmanuel at Eloisa at dahil dito'y kapwa na sila abala sa pagtutok sa kanilang pag-aaral dahilan upang maging madalang na ang kanilang pagkikita gayunpamay nagagawa pa rin nilang magkamustahan sa e-mail o di kaya'y magkachat gamit ang kani-kanilang facebook account.Sadyang wala paring kupas ang kahusayan ni Emmanuel sa pag-aaral na kumukuha ng kursong Master of Arts in Creative Writing sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman kung saan nakakuha siya ng pinakamataas na marka sa UPCAT at naging Iskolar ng Bayan habang si Eloisa ay ipinagpatuloy ang nais niyang kurso  na Bachelor of Arts in Communication Major in  Broadcasting sa  De La Salle University sa Taft avenue Manila .
                    Samantalang ang ina ni Emmanuel ay may nabili ng sariling puwesto sa pamilihan ng Marikina at kumikita na ng malaki ang kanyang tsinelasan at may malaking karatulang SOLEDAD's Footwear at kung dati ay tindera lamang siya, ngayon ay may sarili na siyang pagawaan at siya ang namamahala nito.Habang ang kanyang mga kapatid na sina Daryll,Laura at Kristina ay patuloy ng nakakapag-aral ng maayos at lubusan ng nakalimot sa pait ng nakaraan bukod dito'y may maayos na silang tahanan kung saan sila ay nakapamumuhay ng tahimik at masaya.
                        Sadyang kaybilis ng inog ng mundo at takbo ng oras .. kalahating buwan na lamang ay magtatapos na sina Emmanuel at Eloisa sa kolehiyo naging malalim pang dahilan iyon upang maging madalang ang kanilang pagtatagpo hanggang sa para bang nakalimutan na nilang magkamustahan kahit pa sa "social networking sites"...

                                              GRADUATION DAY...

Magsimula ka, batiin ang kay gandang umaga
Ng may ngiti sa iyong mga mata
Sa pagkakaidli gumising na
Ang buhay ay masaya
Palalagpasin mo ba

Magsimula ka, tuparin ang pangarap mong tunay
Habang ang lakas iyo pang taglay
Sa paghihintay baka masanay
Sayang naman ang buhay mawawala ng saysay


Iisa lang ang buhay mo
Kumilos ka, gamitin mo
Kung may nais ang puso mo
Mangarap ka, abutin mo
Upang ito'y makamit mo
Magsikap ka, simulan mo



  Matapos ang awiting pinangunahan ni Emmanuel ay sinimulan na niya ang kanyang talumpati ...

                          "Magandang araw sa ating lahat sa kapwa ko magsisipagtapos, sa aking mga propesor at sa lahat ng mga magulang na naririto lalong lalo na sa aking ina ito ang araw na hindi lamang para sa akin kung hindi para sa ating lahat at para sa mga tulad kong kabataan na patuloy na naglalakbay para sa pangarap . Hindi pa dito nagtatapos ang lahat sapagkat ito pa lamang ang pinakaaasam-asam nating simula patungo sa ating makulay na kinabukasan.Unang-una nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pang-araw-araw na buhay at biyaya na ipinagkaloob niya sa akin at gayundin ang pagbibigay niya sa akin ng isang Ina na luvos ang pagmamahal at sakripisyo para sa pamilya na naging puhunan ko para sa aking mga pangarap..."
                            bungad niyang bati na kasalukuyang nagtatapos bilang Cum Laude ng U.P Diliman . Napakarami pa niyang binanggit at pinasalamatan sa kanyang talumpati at umikot iyon sa walang patid niyang pasasalamat sa kanyang ina at kahit sandali'y hindi sumagi sa kanyang gunita ang katipan na si Eloisa na kasalukuyan ding nagtatapos sa De La Salle...marahil ay takot lamang siyang masaktan sa 'di pagpaparamdam ng kasintahan.Natapos ang madamdaming talumpati sa kanyang pagsasalaysay ng mga hirap at pagdurusang pinagdaanan at kung paano niya iyon nilampasan at gawing kasangkapan upang mapatatag ang sarili , magsumikap sa kanyang pag-aaral at maging puhunan iyon sa kanyang tagumpay sa kinabukasan...

                                     


                                 Madilim pa ang paligid ng naalimpungatan si Alejandro at wari'y   ginising siya ng kanyang mapaglarong  isipan upang sa muli'y ilapat ang tintang itim sa puting papel  at  nagpatuloy  sa kanyang  nobela na sadyang nalalapit na ang kaabang-abang na katapusan...

________________________________________________________________