Kabanata 6 "TILA" akda ni John Dexter Asedillo
KAALINSABAY NG ULAN AKING KALUNGKUTAN,
HILING KO LANG SANA AKO AY DAMAYAN- - -
NAIS KO'Y MAYAKAP KAHIT MINSAN MAN LANG;
AT MAHAGKAN KA NG WALANG ALINLANGAN...
SA BAWAT PAGPATAK NG ULAN SA LUPA,
'DI KO MAPIGILAN NA AKO'Y LUMUHA- - -
INIISIP KO LANG NA 'SANG GUNI-GUNI;
ANG NARARAMDAMAN NA IYONG BINAWI...
ANIYA'Y BUMUBUHOS ANG PAGDURUSA,
'PAG NAAALALA NA IKA'Y WALA NA- - -
AT KAHIT ILANG TAON PA ANG LUMIPAS;
IKAW LANG ANG IIBIGIN KO NG WAGAS...
AT SANA SA MULING PAGBUHOS NG ULAN,
ANG KALUNGKUTAN KO'Y LUNURING TULUYAN - --
MATAPOS ANG UNOS AY MASISILAYAN;
BAHAGHARING MAKULAY SA KALANGITAN...
TITILA ANG ULAN O HINDI TITILA;
PAGSINTA KO SAYO'Y HINDI MAWAWALA- - -
Katatapos lamang basahin ni Eloisa ang madamdaming tula na kalakip ng isang liham na natanggap niya mula sa opisina bagamat walang nakasulat kung kanino nagmula ay batid na niyang si Emmanuel at nagpadala nito sa tagpong iyon ay sandali siyang naging alipin ng nakaraan dahilan upang siya'y matulala na para bang may napakalalim na iniisip.Napawi lamang ang pagkakapako ng kanyang diwa ng may mga palad na tumakip sa kanyang nanlulumong mga mata...
"Surprise!...Honey..." sabay abot ng isanag boquet ng tulips flower.
"Starving? Come on Lets eat some Japanese dishes at Senju... I'll treat you "
"Thank you James but I'm still full almost half hour na lang din at sasalang na ako muli sa aking radio program..."
tipid at tila nanlalamig na sagot ng dalaga
"Honey,any problem??? hello ,we owned this company and I am your Boss don't forget it come on..."
muling pagyaya ng binata subalit 'di parin nagpatinag ang dalaga kaya't nagdesisyon na lamang siyang kumain mag-isa ayaw na niyang makipagtalo pa sa kanyang katipan dahil baka paglumaki pa ito ay mauwi pa sa kanilang bangayan.
Si James Williams ay ang anak ng may-ari ng pinagtratrabahuhang istasyon sa radyo ni Eloisa bagamat napakaraming magandang offer sa kanya sa labas ng bansa gayundin sa kumpanya ng kanyang magulang ay pinili niyang sundin pa rin kung ano ang mga simpleng bagay na nagpapasaya sa kanya.
Si James ang kasalukuyang kasintahan ng dalaga na ipinagkasundo lamang ng kanilang magulang dahil sa kapwa nasa mataas na antas ang kanilang buhay bagamat batid ng lahat na napakababaero nito ay pumayag parin sa kasunduan ang mga magulang ng dalaga sa kadahilanang malaki ang impluwensiya ng pamilya Williams sa industriya at isa sila sa mga investors ng kanilang kumpanya higit lalo na sa real estate na halos kalahating bilyon ang share ng mga magulang ng binata.
Red Letter... Red Letter... Red Letter..... dito sa Radioholic
ang radyong nakakaadik kasama ang nag-iisang anghel ng pag-ibig..."Lovely Heart"....
"Magandang hapon sa mga tagasubaybay ng numero unong programa sa radyo ang Red Letter ...May problema ka ba sa pag-ibig o gusto mo lang ibahagi ang makulay mong love story..? Tumawag lamang sa 563-2713 o sa 563-2002 o 'di kaya'y magtext lamang gamit ang inyong mga cellphone sa kahit anong network i-type lamang ang RED (space) your message at ipadala lamang ang inyong mga mensahe,kuwento o katanungang tungkol sa pag-ibig at i-send sa 2801..
Tawag na o magtext malay mo kuwentong pag-ibig mo na ang mabasa ko.. makakakuha ka pa ng libreng payo mula sa anghel ng pag-ibig
ako po si Lovely Heart ,ang babaeng anghel na nagmula sa langit;
may gandang kaakit-akit ... at eto ang RED Letter... RED Letter...."
"Nagbabalik na ang ating programa at ang first texter natin galing kay Mr.Yozo ng Marikina...
Dear Lovely Heart;
Itago ninyo na lamang ako sa alyas na Mr.Yozo mayroon po akong kasintahan subalit matagal na po akong hindi nakatatangap ng mensahe mula sa kanya...
Sinubukan ko siyang tawagan subalit mukhang nagpalit na siya ng numero at halos dalawang taon na kaming walang kmunikasyon sapagkat kahit sa mga social netwoking sites at e-mail ay hindi na siya sumasagot kung kaya't sumagi sa aking isipan na wala na akong kasiguraduhan kung mahal niya pa rin ako...
Ano pa ba ang dapat kong gawin..?
Lubos na gumagalang;
Mr.Yozo ng Marikina
"Hay Naku! Kuya nakakaloka ka ha ang swerte naman ng GF mo ang haba ng hair niya sobrang mahal na mahal mo.. pero ano two years na kuya 'di ba move on.. Hello! okay lang sana kung 2days, 2 weeks or 2 months na walang paramdam baka cool off lang ang peg niya o need some time or space??? Gumising ka na kuya kakaloka 2 years need space ??? sabihin mo sa girlfriend mo ha punta siya ng outer space dun sa may solar system ewan ko na lang kung magkulang pa at magreklamo siya sa space hahahaha charot lang . Pero eto 'yun eh hindi na ito tungkol sa kanya o tungkol sa inyong dalawa .. tungkol na ito sayo kailangan mo ring isipin ang sarili mo, bago ka magmahal ng ibang tao sana matutunan mo munang mahalin ang sarili mo tama???! kasi naman ang labo na ng relasyon ninyo kung meron pa nga ba dahil mukhang nakalimutan ka na niya. Sa relasyon kasi minsan nangyayari na isa lang ang nagmamahal at yung isa nagpapa-asa lang baka masaya silang nakakasakit sila ng tao o 'di kaya'y ginagamit ka lang aminin natin ang katotohanan na minsan may mga taong nagmamahal kuno pero ang totoo gusto lang nilang magbigay ng kabiguan sa iba..gumising ka na .. move on.. May mga taong nasa isang relasyon subalit dalawa lamang ang rason maaaring nagmamahal siya dahil kailangan ka niya o kailangan ka kaya ka minahal sa madaling salita may mga "USER" lang . Sorry for the word pero gusto ko lang sabihin na tama na ang pagpapakaTANGA mo sa kakaasa na babalikan ka pa niya ang tagal na nun kaya sigurado akong nakalimutan ka na niya. tanungin kita bakit ka nga ba nagmamahal? dahil kailangan ka niya o kailangan mo siya? o baka naman gusto mo lamang maranasan ang may karelasyon o dahil gusto mo lamang lumandi dahil natatakot kang maubusan??? ... Minsan hindi sapat ang basta magmahal ka lang lalo na kung hindi mo naman pala kayang patunayankung totoo at tapat ang nararamdaman mo. Kaylan nga ba masasabing totoong nagmamahal ka? Kapag ibinigay mo na ang lahat o kapag sa kabila na lahat na sinasaktan ka lang at niloloko ka ay patuloy ka pa ring naniniwalang may "True Love" . At kahit pilitin mong pigilan ang nararamdaman mo sa bandang huli ikaw pa rin ang higit na masasaktanpero sa kaso mo mas mabuti ng kalimutan at ibaon na ang mga ala-ala niya kailangan mo ng gumising sa katotohanan pero h'wag kang malulungkot kuyanapakaraming babae sa mundo mamili ka na lang haha! chos!..."
Yun lang ang maipapayo ko para sa ating unang texter ngayong hapon na si Mr.Yozo ng Marikina maraming salamat keep in touch .. Minsan masakit talagang umasa sa pagmamahal ng taong matagal ng nawalay sa'yo lalo na kung hindi mo alam kung kailan ba siya babalik o kung babalik pa ba siya...ito ang kantang para sa'yo..."
sabay salang ng isang madamdaming awitin na tagos sa puso ng mga tagapakinig
" Anong daling sabihin na
malilimutan din kita
Ngunit pano nga ba
mga ala-ala
ngayong wala ka na
magagawa mo ba kaya
muli sa aki'y magbalik
nang madama muli ang yakap mo't halik..."
Halos mabasag ang radyo ng padabog itong ibato ng binata matapos marinig ang mga sinambit ng dalaga 'di niya lubos akalain na mamumutawi ang mga salitang iyon sa mga labi ng sinisinta ang masakit pa'y payo ito ng dalaga para sa kanilang lumabong pagsasama na tila nalalapit na ngang matuldukan.Hindi man siya nagpakilala ay lubos na nagdurugo ang kanyang puso dahil sa tinuran ng dj sa radyo na walang iba kundi ang iniirog na si Eloisa.
Sa tindi ng nararamdamang himutok ng kanyang puso ay nilunod niya ito ng alak bagamat hindi sanay ay sinubukan niyang uminom ng alak sa pag aakalang mapapawi ito ang sakit na nararamdaman sa at sa unang pagkakataon ay nadampian ang kanyang mga labi ng nakalalasing na inumin hanggang tuluyan siyang anurin nito tungo sa mundo ng kawalan....
Pauwi na ang dalaga mula sa opisina ng may natanggap siyang mensahe
"Salamat sa payo mo Eloisa,sige kakalimutan na kita ... Salamat na lang sa mapanlinlang mong pagmamahal
at makasarili mong puso!..." nanginginig pa habang binabasa ng dalaga ang mensaheng natanggap
nagugulumihanan siyang tumakbo patungo sa kung saan man siya malayang makapagiisip .
Hanggang sa dinala siya ng sariling paa sa kahabaan ng sea side sa Roxas Boulevard nakatingin sa dagat na wari'y hinahanap ang pinakadulo ng daluyan ng tubig subalit ang totoo ay gumugulo sa kanyang kaisipan ang binatang minamahal si Emmanuel... Bago tuluyang lamunin ng dilim ang liwanag ay lumulan na siya sa isang taxi at nagpahatid sa kanilang tahanan agad niyang inapuhap ang kanyang laptop upang i-check ang kanyang e-mail kung may natanggap ba siyang m,ga mensahe mula sa binata subalit napag-alamanan niyang naka blocked user ito sa kanya.Hindi na niya inisip ang dahilan at kung sino ang nakialam sa kanyang e-mail at nagblock sa binata agad siyang gumawa ng panibagong account at nagpadala ng mga mensahe sa katipan.
Mag aalas-dyes na ng gabi ng nagdesisyon siyang makipagtagpo kay Nathan ang kababata nila ni Emmanuel sa SkyLounge Bar sa Bonifacio Global City (BGC) upang humingi ng payo at makausap ito ng personal.
Si Nathan noong kabataan nila ay kilalang kilala bilang matinik na babaero hanggang sa natuto itong magmahal ng totoo at mainlove kay Nerissa. Subalit naging mapaglaro ang kanilang tadhana oo nga't nagsasama sila sa katunayan sa dami na ng kanilang pagtatalik ay nagbunga ito at nagsilang si Nerissa ng isang malusog na lalaki at pinangalang Mark Nathaniel. Hanggang sa nagkaroon ng tsimis at bulng-bulungan na may kinakalantaryo pang ibang mga lalaki si Nerissa palibhasay napaka ganda nga nito , makinis at animoy diyosa kaya't sinumay sadyang maakit sa kanyang kahali-halinang alindog . Dumating ang isang tagpong hindi inaasahan ni Nathan ng siya mismo ang nakasaksi sa ginagawang pagtataksil sa kanya ng katipan ng makita niya itong walang saplot habang nakikipagromansa sa dyipney ng kanilang kapitbahay na drayber. Makailang beses niya itong tinanggap dala ng labis niyang pagmamahal subalit paulit-uit siyang pinagtaksilan at sa lahat ng sakit at pait ng kanyang pinagdaanan ay si Leandro lamang ang naging kaniyang tanging sandalan.Si Leandro tulad niya isang batang ama hiwalay sa asawa at nagtratrabaho bilang isang hosto sa isang gay bar sa Cubao upang mapunan ang pangagailangan ng kaniyang anak. Naging malapit ang dalawa dahilan upang mahulog ang loob nila sa isa't-isa sa madaling salita ay nagkaroon sila ng relasyon at hanggang ngayon ay nagsasama pa rin sila at kapwa nila mahal ang isa't isa.Bagamat alam nilang sa mata ng Diyos gayundin sa mga taong nakapaligid sa kanila na mali ang kanilang relasyon ay hindi sila natinag at wala siyang pinagsisisihan na naging isa siyang binabae sapagkat doon siya naging masaya na nagmamahal at minamahal. Siguro nga'y pagdating sa Pag-ibig hindi importante ang kasarian , kung tama ba o mali hanggat kapwa ninyo mahal ang isa't isa at wala kayong nasasaktan marahil iyon ang higit na mahalaga.
"Nathan, tulungan mo naman ako o, alam mo naman na ikaw lang ang lubos na nakakakilala at nakakaalam ng ugali ni Eman pakiusap mahal na mahal ko siya subalit alam mo naman ang dahilan kung bakit ko siya iniiwasan 'di ba???"
tila nagmamakaawa na panimula ng dalaga
"Tse! ikaw naman kasi nakakalurkey ka naman kasi neng ginusto mo yan 'di ba teh??? ikaw mismo ang naglagay ng sarili mo sa ganyang sitwasyon at saka pwede ba darling call me Nancy! oki???..."
"Okay sori, hindi lang talaga ako masanay na tawagin ka sa ganoong pangalan sige na Nancy o, nagmamakaawa ako sayo tulungan mo naman akong ayusin to please"...
"kalurkey ka naman teh 'di ba trabaho mo yan ang magbigay ng payo pagdating sa usaping pag-ibig hay naku ang galing mong magpayo sa ibang tao pero sarili mong lovelife 'di mo maayos ang ganda mo sana kung hindi ka lang naging shunga eh ,waley! kung hindi lang kita friend nakuh teh sinampal ko na ng bongang bonga yang peslak mo para magising ka na.."
"eto naman o, tutulungan mo ba ako o susumbatan hmmft...
please do me a favor baka sakaling makinig siya sa'yo kung ikaw ang magkukuwento sa kanya ng mga katotohanang nalalaman mo ikaw na sana ang magpaliwanag sa kanya ng sitwasyon ko .."
"Hay naku teh! malulurkey talaga ako sa'yo magkakawrinkle ang peslak ko sa kakaisip kung pa'nu kita matutulungan .Bakit ba naman kasi patuloy kang nagpapatali sa kagustuhan ng mga magulang mo , may sarili kang isip para gamitin at may sarili ka ring puso para sundin ito , hindi ka naman "comatose" o baldado at lalong hindi ka robot para maging sunud-sunuran na lang ... simple lang naman ang dapat mong gawin para matuldukan na yang miserable mong buhay aminin mo na sa mga magulang mo at kay James na si Eman ang totoong minamahal mo napaka arogante at makasarili naman nila kung hindi ka nila maintindihan .Tandaan mo ang mundo ay isang malaking Quiapo maraming snatcher maagawan ka! lumaban ka! chos! habang tumatagal ay parang itinataboy mo siyang palayo sa'yo at unti-unti na ring mawawala ang posibilidad na muli kayong magsama .Anong gusto mo kalimutan ka na niya at kumembular na lang siya sa iba? kalerkey ka ! shunga!..
tila nanunubat pang payo ni Nathan aka Nancy habang walang patid sa paghithit buga ng tangan niyang yosing pula.
"Nahihirapan na kasi ako ni hindi ako mapalagay sa kaiisip ng paraan kung paano ko ba lulutasan 'tong problema ko pakiramdam ko nga kaunting kaunti na lang eh sasabog na ako..."
malumbay na tugon ng dalaga matapos tanggapin ang tig-isang shot ng tequilla at margarita.
"Bakla ka kasi kainis ka alam mo yun? duwag kang harapin ang katotohanan na kailangan mo ng lumaya sa kulungan mo you need to be out of your box! at panu nga ba kita tutulungan aber! kung ayaw mo naman makinig sa mga payo ko? anung tingin mo naman sa akin si kupido eh wala naman problema sa relasyon ninyo parehas ninyong mahal ang isa't isa ang problema na sa'yo hindi mo siya kayang ipaglaban hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo wala naman akong magic para ayusin ang gusot na yan agad-agad ano ako fairy god mother mo hmmmft.. charot lang.. "
"Oo na sige na susubukan kong kausapin sina Papa pero ipagpapaliban ko muna ang pakikipagusap kay James hindi pa ako handa sa kung ano pa man ang magiging reaksyon noon dahil sigurado na akong magagalit siya iniisip ko pa nga lang ay kinakabahan na ako . Salamat friend at least kahit paano nagkaroon na ako ng lakas ng loob bukas na bukas ay magsisimula na akong ayusin toh..
"Good girl, yan ang gusto ko sa'yo eh yang fighting spirit mo ,go girl! itaas ang bandila hahaha o, tama na ang tungga ng alak para bukas pag nakaharap na kayo ni Eman kasing ganda pa rin kita oki?
"oki friend salamat ulit..."
muling nasilayan ang mga ngiti na matagal na nagkubli sa mga labi ng dalaga bago umuwi ay kinuha niya ang mikropono at nag iwan doon ng isang madamdaming awitin na tumatak sa ilan pang mga naroroon...
"Nasaan ka na
tunay bang mahal mo s'yang katulad ko..
na lagi ng nasasaktan
ang mabuti pa kaya
upang malunasan ang pagdurusa
ay limutin na kita
sakali ay humanap ng iba..."
Tirik na ang araw ng katanghalian iyon ay nakatulala pa rin si Eloisa nakatingin lamang siya sa isang sulok ng pamosong HEAT Restaurant sa Edsa Shangrila habang naglalakbang ang kanyang isipan at hinihintay ang kanyang inorder na pagkain.Natigilan siya sa pagiisip ng mapako ang kanyang paningin sa kanyang natanaw na pamilyar na mukha ng isang lalaki na akmang papasok sa loob ng resto at may kahawak kamay na maganda at seksing dalaga . Hindi siya maaaring magkamali kahit may ilang taon na silang hindi nagkikita ng binata ay tandang tanda pa rin niya ang napaka gwapo at maamong mukha ng minamahal gayundin ang mala-adonis at makisig nitong pangangatawan . Nasisiguro niyang iyon ay si Emmanuel at ang kasamang dalaga ay kilalang kilala niya dahil isang sikat na fashion designer at modelo si Tiffany Monreal .
"Shit! wrong timing naman at bakit kaya niya kasama ang modelong iyon? kailangan ko ng makaalis dito hindi kami pwedeng magkita sa ganitong sitwasyon .."
wika niya sa kanyang sarili at agad na nag atubiling lumabas doon subalit huli na ang lahat dahil nagkasalubungan pa sila sa pintuan.
"Hi !Eloisa , long time no see; how are you?..."
nakangiting bati ng binata.
"I'm fine, thank you but to be honest you catch me on a bad time
I really need to go I'm sorry..."
tugon ng dalaga habang nagmamadaling umalis at iniiwasang tumagal sa lugar na yaon na wari ba'y may iniiwasang mangyari.
"Babe, who is she??? do you know her???
tanong ni Tiffany sa binata
"Nothing , I mean a childhood friend???"
walang kasiguraduhang tugon ng binata
" I think she don't have an etiquette nor lack of good manners don't you think so?"
muling tanong ng dalaga na hindi nagustuhan ang ginawang pagiwas ni Eloisa
"please don't mind it maybe she was tired ok? lets eat and enjoy this day come on babe.."
Bagamat si Tiffany ang kaniyang kasama ay 'di parin mawala sa kanyang isipan ang muli nilang pagtatagpo nila ni Eloisa sa hindi inaasahang pagkakataon patuloy pa rin pa ulit-ulit iyong bumabalik sa kanyang isipan gaya ng katotohanang patuloy pa rin siyang bihag ng pag-ibig nito...
___________________________________________________________
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento