Huwebes, Enero 16, 2014

GUHIT NG BAHAGHARI Kabanata 2 "Tagpuan" akda ni John Dexter Asedillo












Kabanata  2    “Ang Tagpuan”

“Ito ang 90.9 Ang Radyo Mo…. Radioholics… I-check mo yan….At ito ang paborito ng bayan.
Welcome sa programa ng nag-iisang  diwata sa Radyo…. Ako po si Lady Nympha
Ang mahiwagang dilag na sa inyo’y bibihag….
Aniya ng isang DJ sa radio.

Buhat sa malawak na bulwagan ng pamilya de Vera ay matatanaw ang dalagang si Eloisa na nakikinig sa paborito niyang programa sa radyo habang nag-iisip sa kung ano ang kukunin niyang kurso sa kolehiyo.  Nagtatalo kasi ang kanyang isip sapagkat ang nais ng kanyang mama ay kumuha siya ng Business Management upang siya na ang nagpapatakbo ng isa sa kanilang kumpanya.  Ngunit nais niyang tuparin ang pangarap niyang maging Radio Broadcaster or DJ sa Radyo kagaya ng idolo niyang si Lady Nympha.

"Iha napag-isipan mo na ba ang inaalok namin sayo ng Papa mo na mag-aaral ka ng Business Management sa New York para maasikaso na natin ang mga papeles mo?"
Wika ni Mrs. De Vera sa kanyang anak na si Eloisa.
"Ma…. Alam mo naman kung ano ang pangarap ko di ba?  At sa tingin ko hindi na magbabago ang desisyon ko… Wala naman sigurong masama kung susundin ko ang desisyon ko ang talagang ninanais ko ang dinidikta ng puso ko…?Sana maintindihan mo ma… na iyon ang makakapagpasiya sa akin at naniniwala akong makakamtam koi yon…"
                                                                                   malumanay niyang tugon.

               "Mukhang alam ko na ang pinagtatalunan ninyo Honey, hayaan mo munang makapag isip-isip  ang anak natin ayoko rin naman siyang piloting gawin ang mga bagay na ayaw niya at lalong wala akong balak na ikulong siya sa isang sitwasyon na  alam kong hindi siya magiging masaya…."
                                             Panimulang sabi ni Mr. Alfredo de Vera ang daddy ni Eloisa.
                                  "Pero… Pero siya lang ang anak natin di ba? Siya lang ang may kakayahan at karapatan magpatakbo ng iba pa nating negosyo sigurado akong masasanay din siya…."
Wala pa ring tigil sa pagtatalo ang mag-asawa habang si Eloisa ay unti-unti nang humahakbang palayo sa kanilang bulwagang pabilis ng pabilis ang bawat paghakbang at ‘di niya alintana kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa.  Hanggang sa ang mga mumunting luha’y tuluyang pumatak mula sa dulo ng kanyang mga mata.
Pabilis pa siya ng pabilis sa pagtakbo hanggang sa…..
"Miss sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo…."
panimula ng binata habang sinisimot ang mga natapon niyang paninda ng ‘di sinasadyang mabunggo ito ng dalaga na kanina lang ay walang tigil sa mabilis na pagtakbo.
"PPPasensiya ka na… hin di di di…. ‘di ko sinasadya."
                                                                                Utal-utal at garalgal na tugon ng dalaga.
"Hay, naku!  Miss buti na lang at walang nasira sa mga paninda ko… kung hindi ay…."
Hindi na niya naituloy ang nais pa niyang sabihin ng mga sandaling iyon kasi’y nagkasalubong ang kanilang mga mata sa unang pagkakataon na wari ba’y nangungusap.

Matapos ang mahaba habang minuto nilang pagtitinginan ay nagkaroon sila ng lakas ng loob para magkakilanlan.  Doon nakita ng binata ang namumugtong mga mata ng dalaga.
Ilang sandali pa ay tila nagkapalagayan na sila ng loob at wari’y walang pakialam pa bilis ng takbo ng oras  at tuluyan ng nilamon ng dilim ang kabuuan ng Luneta at biglang nagliwanag dahil sa pagbubukas ng mga makukulay na pailaw na nakapalibot sa lugar.  Unti-unti na ring dumaragsa ang mga taong nais na doo’y magpalipas oras o ‘di kaya’y tumambay ang iba nama’y gaya nilang nais lang ng isang lugar kung saan sila malayang makapag-isip.  Karamihan naman ay mga mag sing-irog na sinasamantala ang magandang lugar upang  makatipid sa kanilang pagliligawan o pagdadate.
Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi parin sila matinag sa pagkukuwentuhan.
Pasado ala sais ng buksan na ang pinaka atraksyon sa kabuuan ng Luneta ang makulay at kaakit-akit at nakakawiling Musical Fountain at susundan pa ng Fireworks.
Aliw na aliw ang dalawa sa panonood ng kahit noon pa lamang unang nagkita at ‘di pa lubos na magkakilala’y  tila nakapagpalagayan na ng loob.
Lalong nagkasundo ang dalawa ng kapwa sila sumabay sa awitin na pinatutugtog na maririnig sa bawat sulok ng Luneta….
“’Di ba ikaw nga yung prinsesa at ako ang iyong hari…..
Ako yung prinsesang sagip mong palagi….
Ngunit ngayo’y marami ng nagbago’t nangyari…..
Ngunit ang pagtingin ay gaya pa rin ng
da-ra-ra-rat-da dati..."
…..Bukas ulit ha…. Dito na ang ating tagpuan alas singko ng hapon aasahan kita…..



beep… beep… beep…
Sunod sunod ang malakas na busina ang gumimbala sa isipan ni Alejandro  habang naglalakad sa gitna ng kahabaan ng Taft Avenue.
Paano ba naman eh nagsusulat  ba sa gitna ng kalsada .
  “ Ano ba magpapakamatay ka ba ? Tumabi ka nga! wika ng isang motorista .
Noon niyang napagtanto ng  nasa gitna na nga siya ng daanan ng sasakyan sa Taft Avenue sa may Buendia .
Ilang araw na lamang kasi ay tapos na ang palugid sa kanya para tapusin ang nobelang sinusulat niya.




                               At ako … patuloy pa ring nagsusulat na para bang may sariling buhay at kaisipan ang aking bolpen katulong ang mga nimpas at pantas sa mundo ng imahinasyon….




______________________________________________________

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento