"Ang pagpintakasi't pagkasing 'di mapapawi;
katulad ng mga kulay sa GUHIT NG BAHAGHARI..."
Kabanata 1 "Munting Pangarap..."
Lumusong ako sa malalim na tubig,
Upang sisirin ang tunay na pag-ibig- - -
Umakyat ako sa matarik na bundok;
Talikdan ang takot at bawat himutok...
Saliw at indayog ng tubig sa batis,
Gabay sa pagsinta kong walang kaparis- - -
Upang sisirin ang tunay na pag-ibig- - -
Umakyat ako sa matarik na bundok;
Talikdan ang takot at bawat himutok...
Saliw at indayog ng tubig sa batis,
Gabay sa pagsinta kong walang kaparis- - -
"Batugan...kumilos ka na ! Lalamya lamya ka na naman... Aba eh mag a-alas singko na ng umaga. Inuuna mo pa 'yang pagsulat mo ng mga walang kuwenta mong tula na sarili mo lang naman ang tagahanga at ikaw lang ang nakakabasa. Bakit kasi hindi mo pa tigilan ang kaka-asa mo na magiging manunulat ka, hindi ka naman magaling! hindi mo iyan ikakayaman! Mabuti pa ay magtungo ka na kina Mang Rodolfo nang makakuha ka na ng diyaryo at ilako mo na ng makaubos ka ng paninda. Siyanga pala bago ka umalis ay iwanan mo ako ng sampung istik ng pulang marlboro samahan mo rin ng limang menthol kendi tapos ay mangutang ka kina Aling Rosing ng tatlong boteng Redhorse at sampung pisong mani yung may sili. Sige na humulong ka na at tanghali na. Bumangon ka na!" sigaw ni Mang Antonio sabay sipa kay Emmanuel panganay niyang anak .
"Opo. Sige na eto na nga o, babangon na nga po.." sagot ng anak saka naghihilamos, nagpalit na ng damit at sinunod ang utos ng ama at nagsimula ng magtinda. "O, diyaryo kayo diyan ! diyaryo, yosi,kendi. Bili na kayo..." sigaw ng binatilyo habang binabagtas ang kahabaan ng Taft Avenue na tila nakikipagpatintero at habulan sa mga dyipney, bus at kung ano-ano pang mga pampubliko at pribadong sasakyan. "Isang BOMBA,..Marlboro lights at saka Maxx yung red ha? pogi.." wika ng isang dyipney drayber. "Salamat po Manong Drayber disi-nuwebe po lahat. "
"Sige ,O!eto na ang bayad ko..."
"Sige ,O!eto na ang bayad ko..."
"Salamat po ulit..."
Bago mag alas sais trenta ng umaga ay naubos na ang kanyang paninda. Nagmadali siyang umuwi upang makapagbihis na ng uniporme at makapasok na sa eskuwelahan. Habang binabagtas niya ang maburak at masikip na daan patungo sa looban ay nakasalubong niya ang kanyang tatlong mga nakababatang kapatid na sina
Darryl,Kristina at Laura na puro nasa elementarya.
"Kuya Eman...Kuya Eman.... pahingi kami
ng baon ." sabay-sabay na sigaw ng tatlo.
"O,eto ang kinse 'di bale tig lilimang
piso kayo. Papasok na ba kayo? Eh, nag-almusal na ba kayo?" tanong ni Emmanuel.
"Hindi pa nga kuya eh.. wala daw kasing
pera si ama." sagot ni Kristina.
"Kuya...Kuya si tatay pinalo kami sa puwet. Naghihingi lang naman kami pera e. Huhu sakit pa nga ng pwet ko" mangiyak-ngiyak at uutal-utal na sumbong nina Darryl at Laura.
"Okay sige ...
pagpasensiyahan ninyo na lamang si tatay lasing lang naman iyon. Heto na ang
sais at bumili na kayo ng pandesal doon kina Aling Lolita. Tig-dadalawa
kayo para kahit paano eh may laman 'yang tiyan ninyo. Ingat kayo
pagpasok." paalam ni Emmanuel sa mga nakababatang kapatid.
Dali-dali na niyang tinungo ang kanilang barung-barong. Buhat pa
lamang sa labas ay alam na niyang lango na naman sa alak ang kanyang ama dahil sa lakas ng sigawan na mula sa loob at walang tigil nakalampagan at batuhan ng pinggan.
"Ano ka ba naman kasi Solidad, sinabi ko
na kasing pahintuin mo na lang sa pag-aaral "yang si Eman para
magdirediretso ng pagtratrabaho bilang carwashboy doon kina Mang
Igno. Aba eh s'yento singkwenta din ang sahod nun arawan at malaking tulong na rin
yun kaysa nag-aaral pa eh. Bukod sa gastos pa, wala namang kuwenta ang
ambisyon ng anak mo..." higaw ni Mang Antonio.
"Hayaan mo nang tapusin niya ang
sekundarya, tutal naman ay nasa ika-apat na siyang antas bukod doo'y ilang buwan
na lamang ay magtatapos na siya malaki din ang posibilidad na maging
balediktoryan si Eman at maging iskolar sa kolehiyo mataas ang pangarap
ng anak natin at naniniwala akong matutupad iyon 'wag mo sanang
hadlangan.." sagot ni Solidad sa kanyang asawa.
Subalit patuloy pa rin sila sa pagtatalo dahil sa walang tigit na
pagkontra ng kanyang ama nagbingi-bingihan na nga lamang siya at dire-diretsong
nagtungo sa silid upang makapagbihis 'di na niya namalayang tumutulo na pala
ang kaniyang maga luha na pinunasan na lamang niya ng hinubad na damit bago
tumakbo ng mabilis patungo sa may kalayuang eskuwelahan ...
umaasang maaayos pa rin ang lahat at masisilayan rin ang liwanag
na magsisilbing gabay tungo sa kanyang
mga mumunting pangarap..........
_____________________________________________________________
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento