Wangis mo’y magarbong bulaklak sa hardin
Kaakit – akit at kay sarap sanguine
At kahit saan pa man kita ihambing
Sayo nakalaan aking paglalambing
Sa pabugso – bugso nitong aking puso
Walang kahulilip alay kong pagsuyo
Maging kahit ano ay aking gagawin
At kahit saan pa man ay lulusungin .
Mapatunayan lang na pagsinta’y tapat
Handa akong ibigay lahat ng sapat.
Ang mapagkandiling liwanag ng araw
Saksi sa pangakong ‘di ako bibitaw.
Hawakan mo lamang itong aking kamay.
Magpapatuloy sa ating paglalakbay .
Kinikilig na may halong kabang ibinasa ni Eloisa ang tulang iniakda ni Emmanuel para sa kanya.
Mahal din niya ang binata subalit may kung anong takot sa kanyang mga puso…
“Ang korny mo”.. Nakangiti sabi ng dalaga.
Sandaling katahimikan muna ang bumalot sa kanila at binasag ito ng binata ng simulang kalabitin ang kuwerdas sa hiniram na gitara sa kababatang si Nathan at nagsimula siyang umawit …
“basted na naman ang puso ko .
basted na naman ako sa iyo …
kung hindi kita mahal . mapipikon na ako ..
Ngunit ang puso'y seryoso sa'yo
at kahit basted na naman ako sa'yo
hindi magbabago ang pag-ibig ko
dahil mahal kita handa akong maghintay
maghintay ,pang habambuhay.."
"Hindi ko naman sinabing basted ka na mahal din kita Eman subalit hindi ko alam kung matatanggap ka ng aking pamilya... alam mo na naman 'di ba sana maintindihan mo"
malungkot na pagtatapat ng dalaga .
“Subalit kung papayag kang manatili muna itong lihim ay maari tayong maging magkasintahan alam mo namang mahal din kita .."
sabay haplos niya sa mukha ng binata habangnakasilong sila sa isang puno doon sa Quirino Grandstand .
“Sige … papayag ako dahil ayokong mawalay ka pa sa akin at dahil mahal na mahal kita ….
nakangiting tugon ng binata .
Lumakad sila patungo sa luneta upang muling masulyapan ang atraksyon doon na Musical Fountain
at doo’y nagkaroon ng sumpaan ang dalawang mag-irog.
“Ikaw at ako habambuhay …
Ang lahat sayo ay iaalay ..
Pagkat sa puso ko ngalan mo’ng
Eloisa…
Emmanuel ...
ang nakaukit
na kahit kailan hindi ko ipagpapalit
ang pag-ibig kong hanggang langit …"
Walang paglagyan ang umaapaw na kaligayahan sa kanilang mga pusong tumitibok at umiibig sa isa’t-isa…
Ilang sandaling tititigan na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata… Bago tuluyan ng naglapat ang kanilang mga labi… Halik na may halong sangkap ng tunay nap ag-ibig… Painit ng painit ang kanilang mga labi sa bawat dampi sa isa’t-isa na wari ba’y sabik na mahagkan ang minamahal… tamis ng kanilang unang halik. Kay lamig ng hangin sa kanilang paligid subalit ‘di nila ito alintana na kahit pa nga dumarami na ang mga tao sa Luneta at marami ng mata ang nakatingin sa kanila ay tila wan a silang pakialam sapagkat naghahari ang nagaalimpuyong bugso ng kanilang damdamin…
“Anita…. Anita… Nasaan ka na ba?...
Anita, andito na ako….” Paulit ulit na tawag ng binata.
"Bakit hindi ka nagtungo doon sa dalampasigan hindi ‘gat may usapan tayo… anu ga?
Nakalimutan mo ga?"….dugtong pa nito.
Dalawang araw na lamang kasi ang ipamamalagi niya sa lugar na iyon at dalawang araw na lamang din ang nalalabi upang tapusin niya ang nobela.
Buhat kasi ng magsimula siyang magtrabaho sa Heart to Heart Romances, isang kumpanya na naglalabas ng mga nobela ay hindi na tumaas pa ang kanyang posisyon biruin mo’y mahigit ng dalawang taon siyang contributor at umaasang magkakaroon ng sariling pangalan sa industruya ng pagsusulat.
Nagtungo siya sa palikuran ng tahanan ni Anita, ilang hakbang pa ang layo ay narinig na niya ang lagslas ng tubig mula sa poso. Nakita niya ang kahubdan ng kanyang iniirog maputi, kaakit-akit na alindog ang siyang pumukaw sa mga makasalanang mata ng binata na kung tatantuin ay siguradong puno ng pagnanasa.
“Hoy Alejandro… ang bastos mo ha….!
Hindi pa tayo kasal ok! ‘Wag mo akong silipan. Nakakainis ka!!!
Sigaw ng dalaga habang tinatakpan ng asul na tuwalya ang kaninang labas na nakatuwaan na animo’y masarap na pagkaing nakahain sa hapag at pwede ng lantakan.
"Bakit ka kasi diyan naligo eh. May banyo naman kayo sa loob?
tanong ng binata habang kunwaring nagtatakip ng mata gamit ang isang kamay ngunit palihim paring nakasilip sa dalaga.
“Mahina kasi ang buhos ng tubig sa gripo kaya naisipan kong dito na maligo….”
sagot ng dalaga habang nag-uumpisa ng humakbang patungo sa kanyang kuwarto.
Bago pa tuluyang maisarado ng dalaga ang pintuan ng kuwarto ay makapasok na ang binata dito at sinalubong siya ng mapangahas at may pananabik ng nag-aalab ng mga halik. Lalo pa itong nagging mainit at mapusok ng magsimula ng gumanti ng halik ang dalaga dahilan din upang matanggal ang saplot sa kanyang katawan….
"Mahal kita…."
" Mahal din kita… Mahal na mahal."
Nagsimula ng magtanggal ng saplot ang binata hanggang lumabas na ang kanyang maputi at makisig na pangangatawan… napako ang mata ng dalaga sa malagong buhok sa dibdib ng binata na nagpapatuloy hanggang sa itinatago nitong kaangkinan sa ibaba.
Pawang sabik na sabik na tinanggal ng dalaga ang natitira nitong saplot at kapwa sila tumungo sa mundo ng maalab na paniniig.
At sumasabay sa bawat indayog ang kapwa nila nag-iinit at pawisang mga katawan.
palakas ng malakas ang mga halinghing na wari'y isang musika na sila lamang ang nakakaalam ng liriko...
Pabilis ng pabilis ang bawat ritmo ng nagbabagang mga laman…
Ilang sandali pa ng narating na nila ang rurok ng kaligayahan.
At kapwa sila nahimbing na magkayakap…..
------------------------------------------------------------------
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento