Miyerkules, Enero 15, 2014

GUHIT NG BAHAGHARI Kabanata 7 "Bunga ng Kahapon" akda ni John Dexter Asedillo

 Kabanata 7 "Bunga ng Kahapon"




      "GUHIT NG BAHAGHARI" 
                              KABANATA 7   "Bunga ng Kahapon"
                                                                          akda ni John Dexter Asedillo




                                                  









           
      "Ang bawat patak ng dugo ko at pawis,
      matinding pagtiis sinapit kong hapis---
      s'yang naging puhunan upang aking kamtan,
      tinatamasa ko ngayong kayamanan..."

      At sa bawat pagtanim ng munting binhi
      Pagdaka'y bungkalin masaganang ani---



            Kotse ... malaking bahay ...
                  litson, fried chicken at iba pang katakam-katam
                              at masarap na pagkain,
                  relo, sapatos, mga magagarang damit at kung anu-ano pa.




                       Iyan ang mga bagay na dati'y hanggang pangarap at panaginip lamang. Kayang hawakan, makita, magamit, matikman at maranasan ng binatang si Emmanuel. Ngunit ngayon ay higit pa sa inaasam ang kaniyang tinatamasa.
                      May sarili na siyang bahay sa GoodRich Village sa Marikina, isang one bedroom unit sa Avida Towers Centera sa Mandaluyong. Bukod dito'y naipagpatayo na rin niya ng sariling bahay ang kaniyang ina kasama ang iba pa niyang mga kapatid, balak pa nga niyang kumuha ng isang yunit sa Alveo. Kung dati rati'y kariton ang kaniyang itinuturing na sasakyan na itinutulak niya lulan ang kaniyang mga paninda kasama ang bote't dyaryo . Ngayon ay mamamangha ka at mapupukaw ang iyong paningin sa dalawang magagara niyang sasakyan, ang Chevrolet limousine car at Mercedez=Benz. Kumpletong gamit sa bahay, masasarap at saganang pagkain sa hapag, mga magagara at mamamahaling kasuotan na ang ilan ay likha pa ng mga sikat na fashion designer, kumpletong muwebles at gamit pantahanan. Ang lahat ng iya'y unti-unti niyang naipundar sa walang patid niyang pagpupursigi sa buhay.
                     Dugo, pawis, pagbabanat ng buto at pangarap ang kaniyang naging puhunan upang ang lahat ng iyon ay kaniyang makamit. Bagamat naging matagumpay at maliwanag, ang kaniyang buhay ay unti-unti nmang nagbago at nagdilim ang kaniyang buhay pag-ibig.
                     Kung dati sa Luneta lamang siya nakakapunta hindi para lang mamasyal kundi para din magtinda. Subalit ngayon ay halos nalibot na niya ang Pilipinas at kung minsan pa nga ay lumalabas pa siya ng bansa. Nkatungo na siya sa Europa, Inglatera, Amerika at sa ilang bahagi ng Africa upang dumalo ng pagtitipon, seminar o kung minsa'y magbakasyon at maglaan ng oras para sa sarili.
                  Ang lahat ng iyon ay katas ng kaniyang  tagumpay bilang isang mahusat na manunulat, mga nobelang pumatok, mga librong naging best seller, mga sikat na awiting siya ang kompositor at mga inabangang teleserye at pelikulang siya ang sumulat ng kuwento.. Ang dating simpleng pangarap ay hindi lamang niya naabot kundi lumampas pa at narating ang rurok ng tagumpay.
                  Nakalimutan na rin ng binata ang pait ng nakaraan subalit hindi ang mga ala-alang nagpatibay sa kaniya para patuloy lumaban gayundin ang mga masasayang ala-ala sa Luneta kasama ang nag-iisang tinatangi ng kaniyang puso. Subalit ngayo'y inilaan na niya ang kaniyang puso sa iba na tulad ni Eloisa na inalay na ang pag-ibig kay James. Pilit man niyang ilihim ang katotohanan ay alam niyang 'di matatangging labis pa rin siyang nasasaktan at umaasa na magbabalik pa ang kaniyang sinisinta at tutuparin ang pangako sa bawat isa. Hindi man niya batid kung kailan at kung saan datapwat nasasaktan at nagugulumihanan ay may ngiti pa ring nagkukubli sa kaniyang puso at isipan.









      May kung anung ala-ala ang nanariwa at gumagambala sa isipan ni Alejandro habang siya ay nagsusulat ng kaniyang nobela. Mga ala-ala ni Anita mula noong sila ay mga bata pa lamang. Subalit sa kaniyang imahinasyon ay hindi lamang sila ni Anita ang naroroon sa may dalampasigan.  Natanawan niya ang isang babaeng nagkukunli lamng sa isang malaking bato, nagtama ang kanilang mga mata at nagulantang siya ng napagtantong kamukhang-kamukha ito ni Anita. Inisip na lamang niya na marahil dala lamang ito ng matinding gutom kaya't kung ano-ano na lamang ang pumapasok sa kaniyang isipan. Nag atubili siyang kumain ng malutong na tinapay at sinabayan ng paghigop ng mainit kape upang gisingin ang kaniyang tila natutulog na diwa.            
            Makalipas ang ilang sandali ay muli niyang itinuon ang sarili sa pagpapatuloy nng kaniyang akda....










--------------------------------------------------------------------











Walang komento:

Mag-post ng isang Komento