Huwebes, Enero 16, 2014

GUHIT NG BAHAGHARI Kabanata 3 "Dagok...Hadlang...Panaghoy" akda ni John Dexter Asedillo

Kabanata 3   “Dagok.. Hadlang.. Panaghoy”


                                           





Nakatingala ka sa silong ng langit,
Nag-aabang kung sayo'y may lalapit- - -
Walang makarinig;sigaw ng damdamin;
Binalot ng dilim sa dakong karimlan.

Kumakatok ang kaba,takot at sindak,
Sa pusong tigatig at wari'y nawarak- - -
Kung nalupig na ang sulo ng liwanag;
Saan kakapit kung ika'y nabagabag.

Buhay masalimuot tila bangungot,
Tigang sa paghintay;tanong walang sagot- - -
Kumakapa sa akap ng sigalot;
Gumapang paluhod sa lupang malumot.

Kapag nilukob ng dilim ang liwanag,
May araw pa kayang sa ati'y sisikat?
Sumulyap kang muli sa mundong sirkulo;
Bago humarap sa panibagong siglo.












                      "Ano Alejandro… hindi kita makitaan ng kahit katiting na ngiti sayong mga mukha..
Sumusuko kana ba sa trabaho mo?Limang araw na lamang ang natitira sayo subalit wala ka pa ding naipapakitang simula sa iyong nobela.Baka na man kailangan ko ng kumuha ng iba .. ??!"
              Pag-uusig ni Mr.Fransico de Chavez isa sa mga head ng kumpanya ng pinagtra-trabahuhan  nito.
                     "May limang araw pa ako  alam kong kaya ko tong tapusin. Uuwi ako ng probinsya sa Batangas para magkaroon ako ng katahimikan …Hayaan niyo akong tapusin ito sa nakatakdang araw …  pangako mabibigay ko ito at magagawa ng maayos.."
                               Sabay talikod ni  Alejandro dali-daling sumakay ng taxi pauwi at nag gayak na ng kanyang bagahe..Tatlong oras lamang ay narating na niya ang kanyang probinsya sa Batangas.
Hindi pa lubusang nakakapahinga ay muli niyang ipinagpatuloy ang pagsusulat gamit ang tila mag susuka ng itim na tinta ng luma niyang Parker pen.


                 "Sumama ka samin Ginang …
             Alam mo na ngang bawal magtinda dito eh..  Ang kulit ninyo hala sige tumayo kayo diyan .."
                            pagsisita ni P02. Gregorio Zamora  angas ng isang pulis na humuli kay aling  Soledad.
          "A … pppa .. pasensya na po ngunit hindi ko po alam na bawal magtinda dito ..
        Ito ang pangatlong beses ko nang pagtitinda ngunit kayo pa po lamang ang sumita sa akin…"
                                               Malumanay at  takot  na takot na tugon ng ginang.
                  "Anong hindi ninyo alam ! Eh ang laki-laki ng  karatulang yaan…!  "
Sabay turo ng pulis sa isang malaking karatula mga isang hakbang at kalahati lamang ang  layo  mula  sa  puwesto ng ginang ..

                           NO VENDORS ALLOWED  
                 ( BAWAL MAGTINDA  DITO )

                                     Tila galit ng paliwanag ng armadong pulis.
                    "Pppero..  hindi po ako  marunong  magbasa ginoo…"

                    "Hala naku sa presinto ka na magpaliwanag , himpilin na ang mga panindang iyan, at dalhin sa presinto kuhanan muna ng litrato bilang ebidensya...Madali…!!"

                   "Parang awa niyo na ako lamang ang bumubuhay sa aking mga anak..  Parang awa ninyo na wag ninyo akong ikulong .."
                  Halos pasigaw at mangiyak – ngiyak na pagmamakaawa ng Ginang .

Ng malaman agad ito ni Emmanuel mula sa mga chismosang kapit bahay na sina Aling Rita, Aling Fely , Aling Petra at kung sino-sino pang mga ‘di magkamayaw sa pagpipiyesta ng chismis ay daglian ng nagtungo si Emmanuel sa presinto upang alamin ang nangyari .
  Wala na siyang maisip na iba pang maaari pang lapitan halos isang buwan na rin silang magkakilala ni Eloisa batid na niyang mayaman ito at lahat sa may kapangyarihan at kilalang pamilya…
Hindi naman siya binigo at apat na oras pa lamang ang nakakaraan ng ipasok ang kanyang ina ay nagawan na agad ito ng paraan ni Eloisa . para mapawalang sala .

                      "O salamat iha .. mangiyak – ngiyak na wika ni Aling Soledad .

                           “Maraming salamat sa tulong mo Eloisa .. maasahan ka talaga hayaan mo kapag ikaw ang nangailangan andito lang din ako na palagi mong malalapitan….
                                                        Wika ng binatang si Emmanuel .
                            “Walang anuman iyon basta sa susunod mag-ingat na po kayo kasi baka hindi na tayo makalusot pag naulit pa ito…
                                   tugon ni Eloisa .
                                "At  saka ako na po ang bahala sa puwesto ninyo may ekstrang puwesto sa palengke ang dati naming katiwala na umuwi na ng  probinsiya. Sigurado namang papaya siya kung sabihin kong gagamitin ko ako na ang bahalang magpaliwanag ..Ok.? Dagdag pa nito.

Bago magpaalam pauwi si Eloisa ay nangako si Emmanuel na makikipag kita ito bukas ng alas singko ng hapon sa Luneta.


Tok!Tok! Ilang katok na ang ginawa ng mag-ina subalit walang tumutugon
Sinubukan na itong puwersahing buksan ni Emmanuel .
Laking gulat ng mag-ina sa kanilang nasaksihan..
Ang kanyang dalawang anak na babae na sinaKristina at Laura ay kapwa hubad , nakaharap sa isang Laptop na may camera  ganoon din ang kanyang asawa na hinahawakan ang maseselang bahagi ng walang kamuwang-muwang na bata at hindi lang iyon anduon din ang kanilang tiyuhin na si Mang Rodrigo na siyang nagdadala ng laptop kapag bumibisita doon. At madalas pa ngang ikuwento ni Kristina na binibigyan sila ng tiyuhin ng bente singko pesos.

Noong mga sandaling yaon ay muling nanariwa sa isipan ni Emmanuel ang bawat salitang binitawan noon ni   Laura na para bang takot sa kanilang ama ngunit hindi nito matapos ang nais ipahiwatig  na para bang nilalamon siya ng matinding kaba .
Binasag ni Aling Soledad ang sandaling katahimikan sa kanyang pagbato ng lumang thermos at kaserola sa kanyang asawa at bayaw.
                                       “Mga hayop kayo! Paano ninyo nagawa yang sa mga anak ko mga walang hiya’’
Garalgal niyang boses habang walang tigil sa pagpukpok ng kaserola sa ulunan ng kanyang asawa at bayaw..

Tumakbong palayo noon si Emmanuel matapos bihisan ang dalawang kapatid at isinama ito sa tanggapan ng DSWD at dumulog upang humingi ng tulong para sa mga kapatid.
Kasama ang ilang mga pulis ay sumakay na silang mobil kasama and head ng DSWD na si Ginang Perlita Royo.
"Pakibilisan ng pagpapatakbo at baka makatakas pa ang mga salarin…"
Aniya ng ginang na nais ng mahuli ang gumawa ng karahasan sa mga kaawa-awang bata.

Makalipas ang sampung minuto ay narating na nila ang bahay at nadatnang  duguan na si Aling Soledad agad namang dinampot ng mga pulis ang kanilang ama at tiyahin…

Patuloy pa ring umaagos ang mga luha mula sa mga mata ng mag-ina habang binabagtas ang lugar patungo sa ospital..
     ‘Wag kang bibitaw…
         Wag kang bibitaw Ina……"
                    Patuloy na panaghoy ng binata.



Kinabukasan ay maagang nagising si  Alejandro dahil sa patuloy na pagkatok ni
                                                                              Aling Helen ang kanyang ina.

“Tok!Tok ..  “Anak,.. gising na iho nagsisimula ng sumikat ang araw. Akala ko ba’y may lakad ka …
               Siya nga pala iho dumating na sa kabilang nayon si Anita mula sa pagtatrabaho sa ibang bansa .
                                    Madalas niya akong dalawin dahil kina kamusta ka niya ..
      Kung minsan ngay nag-aabala pa siyang magdala ng matamis na mangga na labis ko namang naiibigan…"

                    “Sige Ma,..  aalis na muna ako .. baka dumaan din ako sa kanila para makapag-usap kami ."
                                                           Tugon ng binata..

                               “Kaylan ka pa dumating ?
bungad ng dalaga habang naglalakad sila sa gitna ng palayan at lumalanghap ng sariwang hangin.
                       “Kahapon lang …
                                       Tipid na tugon ng binata .
                    “Kamusta  ka na …?  ang tagal kong walang balita sa iyo …  madalas akong dumalaw sa bahay ng inyong ina."Ala! Eh ,  wala naman akong natanggap na sagot sa aking mga liham na pina padala sa iyo . Anu ga’t mula noong nagtungo sa ibang bansa ay di ako tumigil sa pagpapadala ng sulat sa iyo".
                                                         Nagtatampong winika ng dalaga..
                                 “Nabanggit nga sa akin ni Ma..
                                                       Busy lang ako sa trabaho "
                Matabang na tugon ng binata..
                                       “Mahal mo pa rin ba ako?
                                                                   Tanong ng dalaga.
                                           “Mukhang hindi ko na kilala ang aking sarili
                                                                            Sagot ng binata.
“Hindi kita lubos na maunawaan ..
Ismid ng dalaga.
                           “Gusto kong balikan ang mga masasaya nating mga ala-ala.
Nais kong magbalik ang dati nating pagtitingan na tila ba natabunan na ng nakaraan ."
                                                                                          Madamdaming sagot ng binata.

                                     "Mahal pa din kita at handa akong ibalik kung ano man ang nawala sa atin at handa akong punan ang lahat ng mga pagkukulang ko …"        Sabi ng dalaga…

Magtatakip silim ng hinatid na ni  Alejandro si Anita . bago yaon ay muling nag dampi ang kanilang mga nag aalab  at nagnanasang mga labi:

“Good night Anita … ‘’
“Good night Alejandro .. ‘’
Patay na ang gasera at nilukob na ng dilim ang kabuuan ng kanilang tahanan subalit patuloy paring nag-iisip at buhay ang diwa ng binata…
Muli niyang binuksan ang gasera upang magbigay liwanag at muling ipinagpatuloy ang kanyang akda…


_____________________________________________________

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento