Lunes, Enero 20, 2014

GUHIT NG BAHAGHARI Kabanata 5 "Binhi ng Pangarap" akda ni John Dexter Asedillo


Kabanata 5 "Binhi ng Pangarap" akda ni John Dexter Asedillo


                                     

Bumubukal sa dibdib ng lupa,
Masaganang uusbong- - -
Saglitang diligan mo ng luha;
Bagong binhi ay sasalubong..
Gagapang panandali,
Mamumukadkad sandali- - -
Tutubo sa dilim ng karimlan;
Pumapawi sa bawat pighati...
Tigang man ang lupa,
Lukuban ng salaghati- - -
Masdan mo bawat bakas;
At tayo'y sasalubong. . .
Kaya't sa pagdating ng bukas,
Sa binhi ay aani- - -



                 Kapwa nasa ikatlong antas na sina Emmanuel at Eloisa at dahil dito'y kapwa na sila abala sa pagtutok sa kanilang pag-aaral dahilan upang maging madalang na ang kanilang pagkikita gayunpamay nagagawa pa rin nilang magkamustahan sa e-mail o di kaya'y magkachat gamit ang kani-kanilang facebook account.Sadyang wala paring kupas ang kahusayan ni Emmanuel sa pag-aaral na kumukuha ng kursong Master of Arts in Creative Writing sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman kung saan nakakuha siya ng pinakamataas na marka sa UPCAT at naging Iskolar ng Bayan habang si Eloisa ay ipinagpatuloy ang nais niyang kurso  na Bachelor of Arts in Communication Major in  Broadcasting sa  De La Salle University sa Taft avenue Manila .
                    Samantalang ang ina ni Emmanuel ay may nabili ng sariling puwesto sa pamilihan ng Marikina at kumikita na ng malaki ang kanyang tsinelasan at may malaking karatulang SOLEDAD's Footwear at kung dati ay tindera lamang siya, ngayon ay may sarili na siyang pagawaan at siya ang namamahala nito.Habang ang kanyang mga kapatid na sina Daryll,Laura at Kristina ay patuloy ng nakakapag-aral ng maayos at lubusan ng nakalimot sa pait ng nakaraan bukod dito'y may maayos na silang tahanan kung saan sila ay nakapamumuhay ng tahimik at masaya.
                        Sadyang kaybilis ng inog ng mundo at takbo ng oras .. kalahating buwan na lamang ay magtatapos na sina Emmanuel at Eloisa sa kolehiyo naging malalim pang dahilan iyon upang maging madalang ang kanilang pagtatagpo hanggang sa para bang nakalimutan na nilang magkamustahan kahit pa sa "social networking sites"...

                                              GRADUATION DAY...

Magsimula ka, batiin ang kay gandang umaga
Ng may ngiti sa iyong mga mata
Sa pagkakaidli gumising na
Ang buhay ay masaya
Palalagpasin mo ba

Magsimula ka, tuparin ang pangarap mong tunay
Habang ang lakas iyo pang taglay
Sa paghihintay baka masanay
Sayang naman ang buhay mawawala ng saysay


Iisa lang ang buhay mo
Kumilos ka, gamitin mo
Kung may nais ang puso mo
Mangarap ka, abutin mo
Upang ito'y makamit mo
Magsikap ka, simulan mo



  Matapos ang awiting pinangunahan ni Emmanuel ay sinimulan na niya ang kanyang talumpati ...

                          "Magandang araw sa ating lahat sa kapwa ko magsisipagtapos, sa aking mga propesor at sa lahat ng mga magulang na naririto lalong lalo na sa aking ina ito ang araw na hindi lamang para sa akin kung hindi para sa ating lahat at para sa mga tulad kong kabataan na patuloy na naglalakbay para sa pangarap . Hindi pa dito nagtatapos ang lahat sapagkat ito pa lamang ang pinakaaasam-asam nating simula patungo sa ating makulay na kinabukasan.Unang-una nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pang-araw-araw na buhay at biyaya na ipinagkaloob niya sa akin at gayundin ang pagbibigay niya sa akin ng isang Ina na luvos ang pagmamahal at sakripisyo para sa pamilya na naging puhunan ko para sa aking mga pangarap..."
                            bungad niyang bati na kasalukuyang nagtatapos bilang Cum Laude ng U.P Diliman . Napakarami pa niyang binanggit at pinasalamatan sa kanyang talumpati at umikot iyon sa walang patid niyang pasasalamat sa kanyang ina at kahit sandali'y hindi sumagi sa kanyang gunita ang katipan na si Eloisa na kasalukuyan ding nagtatapos sa De La Salle...marahil ay takot lamang siyang masaktan sa 'di pagpaparamdam ng kasintahan.Natapos ang madamdaming talumpati sa kanyang pagsasalaysay ng mga hirap at pagdurusang pinagdaanan at kung paano niya iyon nilampasan at gawing kasangkapan upang mapatatag ang sarili , magsumikap sa kanyang pag-aaral at maging puhunan iyon sa kanyang tagumpay sa kinabukasan...

                                     


                                 Madilim pa ang paligid ng naalimpungatan si Alejandro at wari'y   ginising siya ng kanyang mapaglarong  isipan upang sa muli'y ilapat ang tintang itim sa puting papel  at  nagpatuloy  sa kanyang  nobela na sadyang nalalapit na ang kaabang-abang na katapusan...

________________________________________________________________

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento