"Babang Luksa"
Sa pagsibol ng umalimpuyang galit,
Bunga ng pagkamunhing bumabalakid- - -
Upang takasan ang mundo kong kaypait;
Hiningang pigil sa poot nitong dibdib.
Anya'y hikahos na gumapang sa putik ,
Bago pang laman-tyan ay aking makamit- - -
Makaylang beses kong natikman ang bagsik;
Latay sa katawang sakbibi ng sakit.
Kung marinig mo panambitan kong ito,
Gisingin ang natulog mong batong puso- - -
Sa bugbog kong katawan ika'y mahabag;
Konsensya mo ba'y di ka binabagabag?
Lulan ng nakaraan ang binhing isip,
Sa'king alaalay nagbanyuhay parin- - -
Dagliang pagyao'y sadyang umiihip;
'Sang taong lumipas ay balik tanawin...
John Dexter Asedillo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento