"Huling Akda"
Bago sa mundong ito ay magpaalam,
Aking ilalabas itong dinaramdam- - -
Ginigiyagis ng masamang isip;
Ang bawat nais ko ay hindi malirip....
Pagmumuni-muni sa bawat sandali,
Himutok ng puso ay nais mapawi- - -
Sa bawat letra ng aking mga katha;
Ang diwa ko ang s'yang nagsasalita...
Pagka't habang ito'y aking sinusulat,
Aniya'y naglalakbay aking ulirat- - -
Hanggang ang pakay ay tumimo sa gunita;
Sa bawat taong sa akda'y makabasa...
At sa'king paglisan tula ko'y basahin,
Nawa ay ingatan at wag dustain- - -
Sa huling akda na aking iiwanan;
Sana ay tumimo sa puso ninuman...
.by: John Dexter Q Asedillo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento