"Sa muling pagtibok yaring mga puso,
ay magsisimula panibagong yugto- - -
na magdurugtong sa ating mga buhay;
at maghuhulma sa nagsisilbing tulay...
wangis ng bulaklak na namumukadkad
minsan pa sa lilim ng mga pugad- - -"
Magkasama ng mga sandaling yaon sina Emmanuel at Tiffany habang namamasyal at masayang naguusap sa kahabaan ng Eastwood City ng biglang nag ring ang telepono ng dalaga hindi nakarehistro ang numero kaya't hindi niya ito binigyang pansin at ng nakailang ulit na ay si Emmanel na mismo ang nagsabing sagutin na ito ng dalaga...
"pick your phone and answer it Babe maybe it's an emergency call so don't hesitate come on.."
"ahmmm are you sure that its ok...?"
" of course Babe , no problem with that oh come on , take your call
I'll be walking around and back after a few minutes, I need to buy something ,ok?"
"ok Babe, thank you see you later.."
at sinagot na nga ng dalaga ang kanyang telepono.
"Yes hello! This is Tiffany Monreal how can I help you..?"
"oh, Sweetie pie ..., thanks at last you answer my call ..."
tinig mula sa kabilang linya.
"am sorry ,who are you?do I know you?and you call me sweetie pie? how come?
sunod-sunod niyang tanong na may halong pagtataka
"oh my God .. Sweetie you don't remember me and recognize my voice?
This is me your fiancee' and future husband Jeremy McCartney...
pagpapakilala ng nasa kabilang linya.
"Je...Je... Jeremy...?
pautal-utal na tugon ng dalaga habang binabanggit ng may alinlangan ang pangalan ng nasa kabilang linya.
"Yes, sweetie I'm already here in the Philippines to marry you as soon as possible...
don't tell me that you've forgot that we're already engaged..?"
"Yes..I...I mean no... of course not..."
kinakabahan niyang sagot.
Lingid sa kaalaman ng dalaga ay naroon lamang ang kanyang katipan na si Emmanuel na nananatiling tulala at naguguluhan sa mga sandaling iyon .. huli na ng napansin ng binatang nabitawan niya ang tangang bulaklak gayundin ang lobo na tuluyan ng lumipad patungo sa kung saan pa man...
"Sweetie pie where are you now? can you come here in my condo unit at
BGC Towers .. I want to talk to you and to give you something special "
"Ok Sweetie I'll be there for a few hour, ok? goodbye.."
Halos kalahating oras ng naghahanap ang dalaga sa katipan na si Emmanel kung saan-saan na siya nagtungo at naghagilap sa kahabaan ng Eastwood subalit ni anino ng binata'y hindi na niya natagpuan sinubukan niya itong tawagan subalit patay ang telepono.Nagdesisyon na lamang siyang magtungo sa BGC Towers upang tagpuin ang dating kasintahan na inakala niyang hindi na niya muli pang makikita.
Nasa kolehiyo pa lamang siya noon sa Academy of Art University sa San Francisco,California at kumukuha ng kursong Fashion Styling & Journalism ng makilala at maging kasintahan niya noon si Jeremy McCartney.
Tatlong taon at apat na buwan silang nagsama at nagdesisyong magpakasal subalit noong nagtungo na sila sa Pilipinas ay lumipad naman pabalik sa Amerika ang binata isang linggo sana bago ang kanilang kasal upang asikasuhin ang naiwang negosyo ng mga magulan nito.Nangako itong babalik makaraan lamang ang tatlong linggo subalit lumipas na ang halos apat na buwan ay hindi pa rin ito nagparamdam at naputol na nga ang kanilang komunikasyon.At heto matapos ang isang taon ng iniwan siya ay muling nagbabalik upang ipagpatuloy raw ang kanilang naudlot na pagsasama.Sinagot niya si Emmanuel sa pag aakalang tuluyan na siyang nakalimutan ng dating katipan mahal naman niya ito subalit higit ang kanyang nararamdaman para kay Jeremy at sigurado siyang sa kabila ng lahat ay hindi pa rin iyon kumukupas.
Lumipas na ang ilang linggo ay wala pa rin siyang balita kung saan nagtungo si Emmanuel kahit sa opisina nito ay hindi raw ito napapadpad hanggang isang araw nakatanggap siya ng tawag mula rito...
"alam ko na anhg lahat narinig ko kayo... pa..papaano mo nagawa sa akin ito naging tapat ako sa iyo sa kabila ng lahat subalit kinalimutan ko iyon para sa ikaliligaya ng pagsasama natin .. akala ko ikaw na hindi pala... dinagdagan mo lang ang sakit na nararamdaman ng puso ko..."
may pagdaramdam sa tinig ng binata sa kabilang linya.
"pppasensya na ... mahal naman kita subalit 'di ko inaasahan na muli siyang magbabalik mag-usap tayo nasaan ka ba? pupuntahan kita para bigyang linaw ang lahat..."
kinakabahang tugon ng dalaga.
Pasado ala-una ng hapon noon ng magkita ang dalawa sa Lemuria Restaurant sikat na kainan sa Horseshoe Village , Quezon City.Habang kumakain ang dalawa ay ikinuwento na ni Tiffany ang buong katotohanan binanggit rin nito na minsang nagtapo ang landas nila ni Eloisa at batid na nitong mahal pa rin nito
ang binata.Nagkaroon ng mga ngiti sa labi ang binata ng marinig ang mga namutawing salita kay Tiffany ngunit 'di rin niya maitago ang labis na pag-aalala sa nalamang sitwasyon ng minamahal. Makalipas ang ilang sandaling pananahimik ay ibinigay na ng binata ang hudyat sa dalaga na pakasalan na ang katipan nito at nais niyang maramdaman ng dalaga ang tunay na kaligayahan sa piling ng sinisinta .Inilahad niya ang kanyang kamay sa dalaga ang hinawakan ang malalambot nitong mga palad at sinabing...
"ayoko ng itali ka pa sa ating relasyon, I'll set you free..
come on, get back to him... I wish you all the best ..."
nakangiting wika ng binata.
"thanks,you too.. get back to her and fight for your love she still loves you and I know that deep inside your heart still beats and longs for her.. it's never too late.. Eloisa is the one who can give fulfillment in your life and no one can replace her.. I know that right? I do believe that you and Eloisa is the one who created by God to live together.. forever ..."
Nagpaalam na nga ang binata at sinunod na ang dating kabiyak lulan ang kanyang Mercedes-Benz ay nagtungo siya sa Luneta upang balikan ang lugar kung saan sila unang pinagtagpo ni Eloisa.
Naupo siya sa isang sulok na nalililiman ng mayabong puno ...
kung saan sila unang nag-usap ,
kung saan sila naging magkasintahan- - -
Mag-aalas singko ng hapon subalit 'di niya pansin ang mabilis na pagtakbo ng oras sapagkat nakapukaw ang kanyang diwa sa pagbabalik tanaw ng mga nakaraan.Minsan pang lumapat ang kanyang mga daliri at kalabitin ang gitarang mula sa kanyang kababata na si Nathan ...at nagsimulang umawit...
"Kay layo mo sa akin
Tila isang bituin
Kay layo mo sakin
Kay hirap mong ibigin
lagi nalang ako
nangangarap ng gising
nakatulala’t malayo ang tingin
kinakausap ang mga bituin
sana ika'y makapiling
sa paghimbing at sa pag-gising
sana ako'y mahal na rin
ang aking hiling sa mga bituin
pakiusap ko ay dinggin
sana'y haplusin at tanggapin
ng puso mong ka'y hirap abutin.."
Hindi pa niya natatapos ang awitin ng may biglang tumapik sa kanyang mga balikat at tinakpan ang kanyang mga mata .Hinawakan niya ang malambot na mga kamay na nagtatakip sa kanyang paningin at unti - unti niya iyong inalis habang naririnig ang isang malambing na tinig...
---------------------------------------------------------------------