Kabanata 6 "TILA" akda ni John Dexter Asedillo
KAALINSABAY NG ULAN AKING KALUNGKUTAN,
HILING KO LANG SANA AKO AY DAMAYAN- - -
NAIS KO'Y MAYAKAP KAHIT MINSAN MAN LANG;
AT MAHAGKAN KA NG WALANG ALINLANGAN...
SA BAWAT PAGPATAK NG ULAN SA LUPA,
'DI KO MAPIGILAN NA AKO'Y LUMUHA- - -
INIISIP KO LANG NA 'SANG GUNI-GUNI;
ANG NARARAMDAMAN NA IYONG BINAWI...
ANIYA'Y BUMUBUHOS ANG PAGDURUSA,
'PAG NAAALALA NA IKA'Y WALA NA- - -
AT KAHIT ILANG TAON PA ANG LUMIPAS;
IKAW LANG ANG IIBIGIN KO NG WAGAS...
AT SANA SA MULING PAGBUHOS NG ULAN,
ANG KALUNGKUTAN KO'Y LUNURING TULUYAN - --
MATAPOS ANG UNOS AY MASISILAYAN;
BAHAGHARING MAKULAY SA KALANGITAN...
TITILA ANG ULAN O HINDI TITILA;
PAGSINTA KO SAYO'Y HINDI MAWAWALA- - -
Katatapos lamang basahin ni Eloisa ang madamdaming tula na kalakip ng isang liham na natanggap niya mula sa opisina bagamat walang nakasulat kung kanino nagmula ay batid na niyang si Emmanuel at nagpadala nito sa tagpong iyon ay sandali siyang naging alipin ng nakaraan dahilan upang siya'y matulala na para bang may napakalalim na iniisip.Napawi lamang ang pagkakapako ng kanyang diwa ng may mga palad na tumakip sa kanyang nanlulumong mga mata...
"Surprise!...Honey..." sabay abot ng isanag boquet ng tulips flower.
"Starving? Come on Lets eat some Japanese dishes at Senju... I'll treat you "
"Thank you James but I'm still full almost half hour na lang din at sasalang na ako muli sa aking radio program..."
tipid at tila nanlalamig na sagot ng dalaga
"Honey,any problem??? hello ,we owned this company and I am your Boss don't forget it come on..."
muling pagyaya ng binata subalit 'di parin nagpatinag ang dalaga kaya't nagdesisyon na lamang siyang kumain mag-isa ayaw na niyang makipagtalo pa sa kanyang katipan dahil baka paglumaki pa ito ay mauwi pa sa kanilang bangayan.
Si James Williams ay ang anak ng may-ari ng pinagtratrabahuhang istasyon sa radyo ni Eloisa bagamat napakaraming magandang offer sa kanya sa labas ng bansa gayundin sa kumpanya ng kanyang magulang ay pinili niyang sundin pa rin kung ano ang mga simpleng bagay na nagpapasaya sa kanya.
Si James ang kasalukuyang kasintahan ng dalaga na ipinagkasundo lamang ng kanilang magulang dahil sa kapwa nasa mataas na antas ang kanilang buhay bagamat batid ng lahat na napakababaero nito ay pumayag parin sa kasunduan ang mga magulang ng dalaga sa kadahilanang malaki ang impluwensiya ng pamilya Williams sa industriya at isa sila sa mga investors ng kanilang kumpanya higit lalo na sa real estate na halos kalahating bilyon ang share ng mga magulang ng binata.
Red Letter... Red Letter... Red Letter..... dito sa Radioholic
ang radyong nakakaadik kasama ang nag-iisang anghel ng pag-ibig..."Lovely Heart"....
"Magandang hapon sa mga tagasubaybay ng numero unong programa sa radyo ang Red Letter ...May problema ka ba sa pag-ibig o gusto mo lang ibahagi ang makulay mong love story..? Tumawag lamang sa 563-2713 o sa 563-2002 o 'di kaya'y magtext lamang gamit ang inyong mga cellphone sa kahit anong network i-type lamang ang RED (space) your message at ipadala lamang ang inyong mga mensahe,kuwento o katanungang tungkol sa pag-ibig at i-send sa 2801..
Tawag na o magtext malay mo kuwentong pag-ibig mo na ang mabasa ko.. makakakuha ka pa ng libreng payo mula sa anghel ng pag-ibig
ako po si Lovely Heart ,ang babaeng anghel na nagmula sa langit;
may gandang kaakit-akit ... at eto ang RED Letter... RED Letter...."
"Nagbabalik na ang ating programa at ang first texter natin galing kay Mr.Yozo ng Marikina...
Dear Lovely Heart;
Itago ninyo na lamang ako sa alyas na Mr.Yozo mayroon po akong kasintahan subalit matagal na po akong hindi nakatatangap ng mensahe mula sa kanya...
Sinubukan ko siyang tawagan subalit mukhang nagpalit na siya ng numero at halos dalawang taon na kaming walang kmunikasyon sapagkat kahit sa mga social netwoking sites at e-mail ay hindi na siya sumasagot kung kaya't sumagi sa aking isipan na wala na akong kasiguraduhan kung mahal niya pa rin ako...
Ano pa ba ang dapat kong gawin..?
Lubos na gumagalang;
Mr.Yozo ng Marikina
"Hay Naku! Kuya nakakaloka ka ha ang swerte naman ng GF mo ang haba ng hair niya sobrang mahal na mahal mo.. pero ano two years na kuya 'di ba move on.. Hello! okay lang sana kung 2days, 2 weeks or 2 months na walang paramdam baka cool off lang ang peg niya o need some time or space??? Gumising ka na kuya kakaloka 2 years need space ??? sabihin mo sa girlfriend mo ha punta siya ng outer space dun sa may solar system ewan ko na lang kung magkulang pa at magreklamo siya sa space hahahaha charot lang . Pero eto 'yun eh hindi na ito tungkol sa kanya o tungkol sa inyong dalawa .. tungkol na ito sayo kailangan mo ring isipin ang sarili mo, bago ka magmahal ng ibang tao sana matutunan mo munang mahalin ang sarili mo tama???! kasi naman ang labo na ng relasyon ninyo kung meron pa nga ba dahil mukhang nakalimutan ka na niya. Sa relasyon kasi minsan nangyayari na isa lang ang nagmamahal at yung isa nagpapa-asa lang baka masaya silang nakakasakit sila ng tao o 'di kaya'y ginagamit ka lang aminin natin ang katotohanan na minsan may mga taong nagmamahal kuno pero ang totoo gusto lang nilang magbigay ng kabiguan sa iba..gumising ka na .. move on.. May mga taong nasa isang relasyon subalit dalawa lamang ang rason maaaring nagmamahal siya dahil kailangan ka niya o kailangan ka kaya ka minahal sa madaling salita may mga "USER" lang . Sorry for the word pero gusto ko lang sabihin na tama na ang pagpapakaTANGA mo sa kakaasa na babalikan ka pa niya ang tagal na nun kaya sigurado akong nakalimutan ka na niya. tanungin kita bakit ka nga ba nagmamahal? dahil kailangan ka niya o kailangan mo siya? o baka naman gusto mo lamang maranasan ang may karelasyon o dahil gusto mo lamang lumandi dahil natatakot kang maubusan??? ... Minsan hindi sapat ang basta magmahal ka lang lalo na kung hindi mo naman pala kayang patunayankung totoo at tapat ang nararamdaman mo. Kaylan nga ba masasabing totoong nagmamahal ka? Kapag ibinigay mo na ang lahat o kapag sa kabila na lahat na sinasaktan ka lang at niloloko ka ay patuloy ka pa ring naniniwalang may "True Love" . At kahit pilitin mong pigilan ang nararamdaman mo sa bandang huli ikaw pa rin ang higit na masasaktanpero sa kaso mo mas mabuti ng kalimutan at ibaon na ang mga ala-ala niya kailangan mo ng gumising sa katotohanan pero h'wag kang malulungkot kuyanapakaraming babae sa mundo mamili ka na lang haha! chos!..."
Yun lang ang maipapayo ko para sa ating unang texter ngayong hapon na si Mr.Yozo ng Marikina maraming salamat keep in touch .. Minsan masakit talagang umasa sa pagmamahal ng taong matagal ng nawalay sa'yo lalo na kung hindi mo alam kung kailan ba siya babalik o kung babalik pa ba siya...ito ang kantang para sa'yo..."
sabay salang ng isang madamdaming awitin na tagos sa puso ng mga tagapakinig
" Anong daling sabihin na
malilimutan din kita
Ngunit pano nga ba
mga ala-ala
ngayong wala ka na
magagawa mo ba kaya
muli sa aki'y magbalik
nang madama muli ang yakap mo't halik..."
Halos mabasag ang radyo ng padabog itong ibato ng binata matapos marinig ang mga sinambit ng dalaga 'di niya lubos akalain na mamumutawi ang mga salitang iyon sa mga labi ng sinisinta ang masakit pa'y payo ito ng dalaga para sa kanilang lumabong pagsasama na tila nalalapit na ngang matuldukan.Hindi man siya nagpakilala ay lubos na nagdurugo ang kanyang puso dahil sa tinuran ng dj sa radyo na walang iba kundi ang iniirog na si Eloisa.
Sa tindi ng nararamdamang himutok ng kanyang puso ay nilunod niya ito ng alak bagamat hindi sanay ay sinubukan niyang uminom ng alak sa pag aakalang mapapawi ito ang sakit na nararamdaman sa at sa unang pagkakataon ay nadampian ang kanyang mga labi ng nakalalasing na inumin hanggang tuluyan siyang anurin nito tungo sa mundo ng kawalan....
Pauwi na ang dalaga mula sa opisina ng may natanggap siyang mensahe
"Salamat sa payo mo Eloisa,sige kakalimutan na kita ... Salamat na lang sa mapanlinlang mong pagmamahal
at makasarili mong puso!..." nanginginig pa habang binabasa ng dalaga ang mensaheng natanggap
nagugulumihanan siyang tumakbo patungo sa kung saan man siya malayang makapagiisip .
Hanggang sa dinala siya ng sariling paa sa kahabaan ng sea side sa Roxas Boulevard nakatingin sa dagat na wari'y hinahanap ang pinakadulo ng daluyan ng tubig subalit ang totoo ay gumugulo sa kanyang kaisipan ang binatang minamahal si Emmanuel... Bago tuluyang lamunin ng dilim ang liwanag ay lumulan na siya sa isang taxi at nagpahatid sa kanilang tahanan agad niyang inapuhap ang kanyang laptop upang i-check ang kanyang e-mail kung may natanggap ba siyang m,ga mensahe mula sa binata subalit napag-alamanan niyang naka blocked user ito sa kanya.Hindi na niya inisip ang dahilan at kung sino ang nakialam sa kanyang e-mail at nagblock sa binata agad siyang gumawa ng panibagong account at nagpadala ng mga mensahe sa katipan.
Mag aalas-dyes na ng gabi ng nagdesisyon siyang makipagtagpo kay Nathan ang kababata nila ni Emmanuel sa SkyLounge Bar sa Bonifacio Global City (BGC) upang humingi ng payo at makausap ito ng personal.
Si Nathan noong kabataan nila ay kilalang kilala bilang matinik na babaero hanggang sa natuto itong magmahal ng totoo at mainlove kay Nerissa. Subalit naging mapaglaro ang kanilang tadhana oo nga't nagsasama sila sa katunayan sa dami na ng kanilang pagtatalik ay nagbunga ito at nagsilang si Nerissa ng isang malusog na lalaki at pinangalang Mark Nathaniel. Hanggang sa nagkaroon ng tsimis at bulng-bulungan na may kinakalantaryo pang ibang mga lalaki si Nerissa palibhasay napaka ganda nga nito , makinis at animoy diyosa kaya't sinumay sadyang maakit sa kanyang kahali-halinang alindog . Dumating ang isang tagpong hindi inaasahan ni Nathan ng siya mismo ang nakasaksi sa ginagawang pagtataksil sa kanya ng katipan ng makita niya itong walang saplot habang nakikipagromansa sa dyipney ng kanilang kapitbahay na drayber. Makailang beses niya itong tinanggap dala ng labis niyang pagmamahal subalit paulit-uit siyang pinagtaksilan at sa lahat ng sakit at pait ng kanyang pinagdaanan ay si Leandro lamang ang naging kaniyang tanging sandalan.Si Leandro tulad niya isang batang ama hiwalay sa asawa at nagtratrabaho bilang isang hosto sa isang gay bar sa Cubao upang mapunan ang pangagailangan ng kaniyang anak. Naging malapit ang dalawa dahilan upang mahulog ang loob nila sa isa't-isa sa madaling salita ay nagkaroon sila ng relasyon at hanggang ngayon ay nagsasama pa rin sila at kapwa nila mahal ang isa't isa.Bagamat alam nilang sa mata ng Diyos gayundin sa mga taong nakapaligid sa kanila na mali ang kanilang relasyon ay hindi sila natinag at wala siyang pinagsisisihan na naging isa siyang binabae sapagkat doon siya naging masaya na nagmamahal at minamahal. Siguro nga'y pagdating sa Pag-ibig hindi importante ang kasarian , kung tama ba o mali hanggat kapwa ninyo mahal ang isa't isa at wala kayong nasasaktan marahil iyon ang higit na mahalaga.
"Nathan, tulungan mo naman ako o, alam mo naman na ikaw lang ang lubos na nakakakilala at nakakaalam ng ugali ni Eman pakiusap mahal na mahal ko siya subalit alam mo naman ang dahilan kung bakit ko siya iniiwasan 'di ba???"
tila nagmamakaawa na panimula ng dalaga
"Tse! ikaw naman kasi nakakalurkey ka naman kasi neng ginusto mo yan 'di ba teh??? ikaw mismo ang naglagay ng sarili mo sa ganyang sitwasyon at saka pwede ba darling call me Nancy! oki???..."
"Okay sori, hindi lang talaga ako masanay na tawagin ka sa ganoong pangalan sige na Nancy o, nagmamakaawa ako sayo tulungan mo naman akong ayusin to please"...
"kalurkey ka naman teh 'di ba trabaho mo yan ang magbigay ng payo pagdating sa usaping pag-ibig hay naku ang galing mong magpayo sa ibang tao pero sarili mong lovelife 'di mo maayos ang ganda mo sana kung hindi ka lang naging shunga eh ,waley! kung hindi lang kita friend nakuh teh sinampal ko na ng bongang bonga yang peslak mo para magising ka na.."
"eto naman o, tutulungan mo ba ako o susumbatan hmmft...
please do me a favor baka sakaling makinig siya sa'yo kung ikaw ang magkukuwento sa kanya ng mga katotohanang nalalaman mo ikaw na sana ang magpaliwanag sa kanya ng sitwasyon ko .."
"Hay naku teh! malulurkey talaga ako sa'yo magkakawrinkle ang peslak ko sa kakaisip kung pa'nu kita matutulungan .Bakit ba naman kasi patuloy kang nagpapatali sa kagustuhan ng mga magulang mo , may sarili kang isip para gamitin at may sarili ka ring puso para sundin ito , hindi ka naman "comatose" o baldado at lalong hindi ka robot para maging sunud-sunuran na lang ... simple lang naman ang dapat mong gawin para matuldukan na yang miserable mong buhay aminin mo na sa mga magulang mo at kay James na si Eman ang totoong minamahal mo napaka arogante at makasarili naman nila kung hindi ka nila maintindihan .Tandaan mo ang mundo ay isang malaking Quiapo maraming snatcher maagawan ka! lumaban ka! chos! habang tumatagal ay parang itinataboy mo siyang palayo sa'yo at unti-unti na ring mawawala ang posibilidad na muli kayong magsama .Anong gusto mo kalimutan ka na niya at kumembular na lang siya sa iba? kalerkey ka ! shunga!..
tila nanunubat pang payo ni Nathan aka Nancy habang walang patid sa paghithit buga ng tangan niyang yosing pula.
"Nahihirapan na kasi ako ni hindi ako mapalagay sa kaiisip ng paraan kung paano ko ba lulutasan 'tong problema ko pakiramdam ko nga kaunting kaunti na lang eh sasabog na ako..."
malumbay na tugon ng dalaga matapos tanggapin ang tig-isang shot ng tequilla at margarita.
"Bakla ka kasi kainis ka alam mo yun? duwag kang harapin ang katotohanan na kailangan mo ng lumaya sa kulungan mo you need to be out of your box! at panu nga ba kita tutulungan aber! kung ayaw mo naman makinig sa mga payo ko? anung tingin mo naman sa akin si kupido eh wala naman problema sa relasyon ninyo parehas ninyong mahal ang isa't isa ang problema na sa'yo hindi mo siya kayang ipaglaban hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo wala naman akong magic para ayusin ang gusot na yan agad-agad ano ako fairy god mother mo hmmmft.. charot lang.. "
"Oo na sige na susubukan kong kausapin sina Papa pero ipagpapaliban ko muna ang pakikipagusap kay James hindi pa ako handa sa kung ano pa man ang magiging reaksyon noon dahil sigurado na akong magagalit siya iniisip ko pa nga lang ay kinakabahan na ako . Salamat friend at least kahit paano nagkaroon na ako ng lakas ng loob bukas na bukas ay magsisimula na akong ayusin toh..
"Good girl, yan ang gusto ko sa'yo eh yang fighting spirit mo ,go girl! itaas ang bandila hahaha o, tama na ang tungga ng alak para bukas pag nakaharap na kayo ni Eman kasing ganda pa rin kita oki?
"oki friend salamat ulit..."
muling nasilayan ang mga ngiti na matagal na nagkubli sa mga labi ng dalaga bago umuwi ay kinuha niya ang mikropono at nag iwan doon ng isang madamdaming awitin na tumatak sa ilan pang mga naroroon...
"Nasaan ka na
tunay bang mahal mo s'yang katulad ko..
na lagi ng nasasaktan
ang mabuti pa kaya
upang malunasan ang pagdurusa
ay limutin na kita
sakali ay humanap ng iba..."
Tirik na ang araw ng katanghalian iyon ay nakatulala pa rin si Eloisa nakatingin lamang siya sa isang sulok ng pamosong HEAT Restaurant sa Edsa Shangrila habang naglalakbang ang kanyang isipan at hinihintay ang kanyang inorder na pagkain.Natigilan siya sa pagiisip ng mapako ang kanyang paningin sa kanyang natanaw na pamilyar na mukha ng isang lalaki na akmang papasok sa loob ng resto at may kahawak kamay na maganda at seksing dalaga . Hindi siya maaaring magkamali kahit may ilang taon na silang hindi nagkikita ng binata ay tandang tanda pa rin niya ang napaka gwapo at maamong mukha ng minamahal gayundin ang mala-adonis at makisig nitong pangangatawan . Nasisiguro niyang iyon ay si Emmanuel at ang kasamang dalaga ay kilalang kilala niya dahil isang sikat na fashion designer at modelo si Tiffany Monreal .
"Shit! wrong timing naman at bakit kaya niya kasama ang modelong iyon? kailangan ko ng makaalis dito hindi kami pwedeng magkita sa ganitong sitwasyon .."
wika niya sa kanyang sarili at agad na nag atubiling lumabas doon subalit huli na ang lahat dahil nagkasalubungan pa sila sa pintuan.
"Hi !Eloisa , long time no see; how are you?..."
nakangiting bati ng binata.
"I'm fine, thank you but to be honest you catch me on a bad time
I really need to go I'm sorry..."
tugon ng dalaga habang nagmamadaling umalis at iniiwasang tumagal sa lugar na yaon na wari ba'y may iniiwasang mangyari.
"Babe, who is she??? do you know her???
tanong ni Tiffany sa binata
"Nothing , I mean a childhood friend???"
walang kasiguraduhang tugon ng binata
" I think she don't have an etiquette nor lack of good manners don't you think so?"
muling tanong ng dalaga na hindi nagustuhan ang ginawang pagiwas ni Eloisa
"please don't mind it maybe she was tired ok? lets eat and enjoy this day come on babe.."
Bagamat si Tiffany ang kaniyang kasama ay 'di parin mawala sa kanyang isipan ang muli nilang pagtatagpo nila ni Eloisa sa hindi inaasahang pagkakataon patuloy pa rin pa ulit-ulit iyong bumabalik sa kanyang isipan gaya ng katotohanang patuloy pa rin siyang bihag ng pag-ibig nito...
___________________________________________________________
Lunes, Enero 20, 2014
GUHIT NG BAHAGHARI Kabanata 5 "Binhi ng Pangarap" akda ni John Dexter Asedillo
Kabanata 5 "Binhi ng Pangarap" akda ni John Dexter Asedillo

Bumubukal sa dibdib ng lupa,
Masaganang uusbong- - -
Saglitang diligan mo ng luha;
Bagong binhi ay sasalubong..
Gagapang panandali,
Gagapang panandali,
Mamumukadkad sandali- - -
Tutubo sa dilim ng karimlan;
Pumapawi sa bawat pighati...
Tigang man ang lupa,
Lukuban ng salaghati- - -
Masdan mo bawat bakas;
At tayo'y sasalubong. . .
Kaya't sa pagdating ng bukas,
Sa binhi ay aani- - -
Kapwa nasa ikatlong antas na sina Emmanuel at Eloisa at dahil dito'y kapwa na sila abala sa pagtutok sa kanilang pag-aaral dahilan upang maging madalang na ang kanilang pagkikita gayunpamay nagagawa pa rin nilang magkamustahan sa e-mail o di kaya'y magkachat gamit ang kani-kanilang facebook account.Sadyang wala paring kupas ang kahusayan ni Emmanuel sa pag-aaral na kumukuha ng kursong Master of Arts in Creative Writing sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman kung saan nakakuha siya ng pinakamataas na marka sa UPCAT at naging Iskolar ng Bayan habang si Eloisa ay ipinagpatuloy ang nais niyang kurso na Bachelor of Arts in Communication Major in Broadcasting sa De La Salle University sa Taft avenue Manila .
Samantalang ang ina ni Emmanuel ay may nabili ng sariling puwesto sa pamilihan ng Marikina at kumikita na ng malaki ang kanyang tsinelasan at may malaking karatulang SOLEDAD's Footwear at kung dati ay tindera lamang siya, ngayon ay may sarili na siyang pagawaan at siya ang namamahala nito.Habang ang kanyang mga kapatid na sina Daryll,Laura at Kristina ay patuloy ng nakakapag-aral ng maayos at lubusan ng nakalimot sa pait ng nakaraan bukod dito'y may maayos na silang tahanan kung saan sila ay nakapamumuhay ng tahimik at masaya.
Sadyang kaybilis ng inog ng mundo at takbo ng oras .. kalahating buwan na lamang ay magtatapos na sina Emmanuel at Eloisa sa kolehiyo naging malalim pang dahilan iyon upang maging madalang ang kanilang pagtatagpo hanggang sa para bang nakalimutan na nilang magkamustahan kahit pa sa "social networking sites"...
GRADUATION DAY...
Magsimula ka, batiin ang kay gandang umaga
Ng may ngiti sa iyong mga mata
Sa pagkakaidli gumising na
Ang buhay ay masaya
Palalagpasin mo ba
Magsimula ka, tuparin ang pangarap mong tunay
Habang ang lakas iyo pang taglay
Sa paghihintay baka masanay
Sayang naman ang buhay mawawala ng saysay
Iisa lang ang buhay mo
Kumilos ka, gamitin mo
Kung may nais ang puso mo
Mangarap ka, abutin mo
Upang ito'y makamit mo
Magsikap ka, simulan mo
Matapos ang awiting pinangunahan ni Emmanuel ay sinimulan na niya ang kanyang talumpati ...
"Magandang araw sa ating lahat sa kapwa ko magsisipagtapos, sa aking mga propesor at sa lahat ng mga magulang na naririto lalong lalo na sa aking ina ito ang araw na hindi lamang para sa akin kung hindi para sa ating lahat at para sa mga tulad kong kabataan na patuloy na naglalakbay para sa pangarap . Hindi pa dito nagtatapos ang lahat sapagkat ito pa lamang ang pinakaaasam-asam nating simula patungo sa ating makulay na kinabukasan.Unang-una nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pang-araw-araw na buhay at biyaya na ipinagkaloob niya sa akin at gayundin ang pagbibigay niya sa akin ng isang Ina na luvos ang pagmamahal at sakripisyo para sa pamilya na naging puhunan ko para sa aking mga pangarap..."
bungad niyang bati na kasalukuyang nagtatapos bilang Cum Laude ng U.P Diliman . Napakarami pa niyang binanggit at pinasalamatan sa kanyang talumpati at umikot iyon sa walang patid niyang pasasalamat sa kanyang ina at kahit sandali'y hindi sumagi sa kanyang gunita ang katipan na si Eloisa na kasalukuyan ding nagtatapos sa De La Salle...marahil ay takot lamang siyang masaktan sa 'di pagpaparamdam ng kasintahan.Natapos ang madamdaming talumpati sa kanyang pagsasalaysay ng mga hirap at pagdurusang pinagdaanan at kung paano niya iyon nilampasan at gawing kasangkapan upang mapatatag ang sarili , magsumikap sa kanyang pag-aaral at maging puhunan iyon sa kanyang tagumpay sa kinabukasan...
Madilim pa ang paligid ng naalimpungatan si Alejandro at wari'y ginising siya ng kanyang mapaglarong isipan upang sa muli'y ilapat ang tintang itim sa puting papel at nagpatuloy sa kanyang nobela na sadyang nalalapit na ang kaabang-abang na katapusan...
________________________________________________________________

Huwebes, Enero 16, 2014
GUHIT NG BAHAGHARI Kabanata 4 "Hilagyo ng Pagkasi " akda ni John Dexter Asedillo
Kabanata 4 “ Hilagyo ng Pagkasi … ‘’
Wangis mo’y magarbong bulaklak sa hardin
Kaakit – akit at kay sarap sanguine
At kahit saan pa man kita ihambing
Sayo nakalaan aking paglalambing
Sa pabugso – bugso nitong aking puso
Walang kahulilip alay kong pagsuyo
Maging kahit ano ay aking gagawin
At kahit saan pa man ay lulusungin .
Mapatunayan lang na pagsinta’y tapat
Handa akong ibigay lahat ng sapat.
Ang mapagkandiling liwanag ng araw
Saksi sa pangakong ‘di ako bibitaw.
Hawakan mo lamang itong aking kamay.
Magpapatuloy sa ating paglalakbay .
Kinikilig na may halong kabang ibinasa ni Eloisa ang tulang iniakda ni Emmanuel para sa kanya.
Mahal din niya ang binata subalit may kung anong takot sa kanyang mga puso…
“Ang korny mo”.. Nakangiti sabi ng dalaga.
Sandaling katahimikan muna ang bumalot sa kanila at binasag ito ng binata ng simulang kalabitin ang kuwerdas sa hiniram na gitara sa kababatang si Nathan at nagsimula siyang umawit …
“basted na naman ang puso ko .
basted na naman ako sa iyo …
kung hindi kita mahal . mapipikon na ako ..
Ngunit ang puso'y seryoso sa'yo
at kahit basted na naman ako sa'yo
hindi magbabago ang pag-ibig ko
dahil mahal kita handa akong maghintay
maghintay ,pang habambuhay.."
"Hindi ko naman sinabing basted ka na mahal din kita Eman subalit hindi ko alam kung matatanggap ka ng aking pamilya... alam mo na naman 'di ba sana maintindihan mo"
malungkot na pagtatapat ng dalaga .
“Subalit kung papayag kang manatili muna itong lihim ay maari tayong maging magkasintahan alam mo namang mahal din kita .."
sabay haplos niya sa mukha ng binata habangnakasilong sila sa isang puno doon sa Quirino Grandstand .
“Sige … papayag ako dahil ayokong mawalay ka pa sa akin at dahil mahal na mahal kita ….
nakangiting tugon ng binata .
Lumakad sila patungo sa luneta upang muling masulyapan ang atraksyon doon na Musical Fountain
at doo’y nagkaroon ng sumpaan ang dalawang mag-irog.
“Ikaw at ako habambuhay …
Ang lahat sayo ay iaalay ..
Pagkat sa puso ko ngalan mo’ng
Eloisa…
Emmanuel ...
ang nakaukit
na kahit kailan hindi ko ipagpapalit
ang pag-ibig kong hanggang langit …"
Walang paglagyan ang umaapaw na kaligayahan sa kanilang mga pusong tumitibok at umiibig sa isa’t-isa…
Ilang sandaling tititigan na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata… Bago tuluyan ng naglapat ang kanilang mga labi… Halik na may halong sangkap ng tunay nap ag-ibig… Painit ng painit ang kanilang mga labi sa bawat dampi sa isa’t-isa na wari ba’y sabik na mahagkan ang minamahal… tamis ng kanilang unang halik. Kay lamig ng hangin sa kanilang paligid subalit ‘di nila ito alintana na kahit pa nga dumarami na ang mga tao sa Luneta at marami ng mata ang nakatingin sa kanila ay tila wan a silang pakialam sapagkat naghahari ang nagaalimpuyong bugso ng kanilang damdamin…
“Anita…. Anita… Nasaan ka na ba?...
Anita, andito na ako….” Paulit ulit na tawag ng binata.
"Bakit hindi ka nagtungo doon sa dalampasigan hindi ‘gat may usapan tayo… anu ga?
Nakalimutan mo ga?"….dugtong pa nito.
Dalawang araw na lamang kasi ang ipamamalagi niya sa lugar na iyon at dalawang araw na lamang din ang nalalabi upang tapusin niya ang nobela.
Buhat kasi ng magsimula siyang magtrabaho sa Heart to Heart Romances, isang kumpanya na naglalabas ng mga nobela ay hindi na tumaas pa ang kanyang posisyon biruin mo’y mahigit ng dalawang taon siyang contributor at umaasang magkakaroon ng sariling pangalan sa industruya ng pagsusulat.
Nagtungo siya sa palikuran ng tahanan ni Anita, ilang hakbang pa ang layo ay narinig na niya ang lagslas ng tubig mula sa poso. Nakita niya ang kahubdan ng kanyang iniirog maputi, kaakit-akit na alindog ang siyang pumukaw sa mga makasalanang mata ng binata na kung tatantuin ay siguradong puno ng pagnanasa.
“Hoy Alejandro… ang bastos mo ha….!
Hindi pa tayo kasal ok! ‘Wag mo akong silipan. Nakakainis ka!!!
Sigaw ng dalaga habang tinatakpan ng asul na tuwalya ang kaninang labas na nakatuwaan na animo’y masarap na pagkaing nakahain sa hapag at pwede ng lantakan.
"Bakit ka kasi diyan naligo eh. May banyo naman kayo sa loob?
tanong ng binata habang kunwaring nagtatakip ng mata gamit ang isang kamay ngunit palihim paring nakasilip sa dalaga.
“Mahina kasi ang buhos ng tubig sa gripo kaya naisipan kong dito na maligo….”
sagot ng dalaga habang nag-uumpisa ng humakbang patungo sa kanyang kuwarto.
Bago pa tuluyang maisarado ng dalaga ang pintuan ng kuwarto ay makapasok na ang binata dito at sinalubong siya ng mapangahas at may pananabik ng nag-aalab ng mga halik. Lalo pa itong nagging mainit at mapusok ng magsimula ng gumanti ng halik ang dalaga dahilan din upang matanggal ang saplot sa kanyang katawan….
"Mahal kita…."
" Mahal din kita… Mahal na mahal."
Nagsimula ng magtanggal ng saplot ang binata hanggang lumabas na ang kanyang maputi at makisig na pangangatawan… napako ang mata ng dalaga sa malagong buhok sa dibdib ng binata na nagpapatuloy hanggang sa itinatago nitong kaangkinan sa ibaba.
Pawang sabik na sabik na tinanggal ng dalaga ang natitira nitong saplot at kapwa sila tumungo sa mundo ng maalab na paniniig.
At sumasabay sa bawat indayog ang kapwa nila nag-iinit at pawisang mga katawan.
palakas ng malakas ang mga halinghing na wari'y isang musika na sila lamang ang nakakaalam ng liriko...
Pabilis ng pabilis ang bawat ritmo ng nagbabagang mga laman…
Ilang sandali pa ng narating na nila ang rurok ng kaligayahan.
At kapwa sila nahimbing na magkayakap…..
------------------------------------------------------------------

GUHIT NG BAHAGHARI Kabanata 3 "Dagok...Hadlang...Panaghoy" akda ni John Dexter Asedillo
Kabanata 3 “Dagok.. Hadlang.. Panaghoy”

Nakatingala ka sa silong ng langit,
"Ano Alejandro… hindi kita makitaan ng kahit katiting na ngiti sayong mga mukha..
Sumusuko kana ba sa trabaho mo?Limang araw na lamang ang natitira sayo subalit wala ka pa ding naipapakitang simula sa iyong nobela.Baka na man kailangan ko ng kumuha ng iba .. ??!"
Pag-uusig ni Mr.Fransico de Chavez isa sa mga head ng kumpanya ng pinagtra-trabahuhan nito.
"May limang araw pa ako alam kong kaya ko tong tapusin. Uuwi ako ng probinsya sa Batangas para magkaroon ako ng katahimikan …Hayaan niyo akong tapusin ito sa nakatakdang araw … pangako mabibigay ko ito at magagawa ng maayos.."
Sabay talikod ni Alejandro dali-daling sumakay ng taxi pauwi at nag gayak na ng kanyang bagahe..Tatlong oras lamang ay narating na niya ang kanyang probinsya sa Batangas.
Hindi pa lubusang nakakapahinga ay muli niyang ipinagpatuloy ang pagsusulat gamit ang tila mag susuka ng itim na tinta ng luma niyang Parker pen.
"Sumama ka samin Ginang …
Alam mo na ngang bawal magtinda dito eh.. Ang kulit ninyo hala sige tumayo kayo diyan .."
pagsisita ni P02. Gregorio Zamora angas ng isang pulis na humuli kay aling Soledad.
"A … pppa .. pasensya na po ngunit hindi ko po alam na bawal magtinda dito ..
Ito ang pangatlong beses ko nang pagtitinda ngunit kayo pa po lamang ang sumita sa akin…"
Malumanay at takot na takot na tugon ng ginang.
"Anong hindi ninyo alam ! Eh ang laki-laki ng karatulang yaan…! "
Sabay turo ng pulis sa isang malaking karatula mga isang hakbang at kalahati lamang ang layo mula sa puwesto ng ginang ..
NO VENDORS ALLOWED
( BAWAL MAGTINDA DITO )
Tila galit ng paliwanag ng armadong pulis.
"Pppero.. hindi po ako marunong magbasa ginoo…"
"Hala naku sa presinto ka na magpaliwanag , himpilin na ang mga panindang iyan, at dalhin sa presinto kuhanan muna ng litrato bilang ebidensya...Madali…!!"
"Parang awa niyo na ako lamang ang bumubuhay sa aking mga anak.. Parang awa ninyo na wag ninyo akong ikulong .."
Halos pasigaw at mangiyak – ngiyak na pagmamakaawa ng Ginang .
Ng malaman agad ito ni Emmanuel mula sa mga chismosang kapit bahay na sina Aling Rita, Aling Fely , Aling Petra at kung sino-sino pang mga ‘di magkamayaw sa pagpipiyesta ng chismis ay daglian ng nagtungo si Emmanuel sa presinto upang alamin ang nangyari .
Wala na siyang maisip na iba pang maaari pang lapitan halos isang buwan na rin silang magkakilala ni Eloisa batid na niyang mayaman ito at lahat sa may kapangyarihan at kilalang pamilya…
Hindi naman siya binigo at apat na oras pa lamang ang nakakaraan ng ipasok ang kanyang ina ay nagawan na agad ito ng paraan ni Eloisa . para mapawalang sala .
"O salamat iha .. mangiyak – ngiyak na wika ni Aling Soledad .
“Maraming salamat sa tulong mo Eloisa .. maasahan ka talaga hayaan mo kapag ikaw ang nangailangan andito lang din ako na palagi mong malalapitan….
Wika ng binatang si Emmanuel .
“Walang anuman iyon basta sa susunod mag-ingat na po kayo kasi baka hindi na tayo makalusot pag naulit pa ito…
tugon ni Eloisa .
"At saka ako na po ang bahala sa puwesto ninyo may ekstrang puwesto sa palengke ang dati naming katiwala na umuwi na ng probinsiya. Sigurado namang papaya siya kung sabihin kong gagamitin ko ako na ang bahalang magpaliwanag ..Ok.? Dagdag pa nito.
Bago magpaalam pauwi si Eloisa ay nangako si Emmanuel na makikipag kita ito bukas ng alas singko ng hapon sa Luneta.
Tok!Tok! Ilang katok na ang ginawa ng mag-ina subalit walang tumutugon
Sinubukan na itong puwersahing buksan ni Emmanuel .
Laking gulat ng mag-ina sa kanilang nasaksihan..
Ang kanyang dalawang anak na babae na sinaKristina at Laura ay kapwa hubad , nakaharap sa isang Laptop na may camera ganoon din ang kanyang asawa na hinahawakan ang maseselang bahagi ng walang kamuwang-muwang na bata at hindi lang iyon anduon din ang kanilang tiyuhin na si Mang Rodrigo na siyang nagdadala ng laptop kapag bumibisita doon. At madalas pa ngang ikuwento ni Kristina na binibigyan sila ng tiyuhin ng bente singko pesos.
Noong mga sandaling yaon ay muling nanariwa sa isipan ni Emmanuel ang bawat salitang binitawan noon ni Laura na para bang takot sa kanilang ama ngunit hindi nito matapos ang nais ipahiwatig na para bang nilalamon siya ng matinding kaba .
Binasag ni Aling Soledad ang sandaling katahimikan sa kanyang pagbato ng lumang thermos at kaserola sa kanyang asawa at bayaw.
“Mga hayop kayo! Paano ninyo nagawa yang sa mga anak ko mga walang hiya’’
Garalgal niyang boses habang walang tigil sa pagpukpok ng kaserola sa ulunan ng kanyang asawa at bayaw..
Tumakbong palayo noon si Emmanuel matapos bihisan ang dalawang kapatid at isinama ito sa tanggapan ng DSWD at dumulog upang humingi ng tulong para sa mga kapatid.
Kasama ang ilang mga pulis ay sumakay na silang mobil kasama and head ng DSWD na si Ginang Perlita Royo.
"Pakibilisan ng pagpapatakbo at baka makatakas pa ang mga salarin…"
Aniya ng ginang na nais ng mahuli ang gumawa ng karahasan sa mga kaawa-awang bata.
Makalipas ang sampung minuto ay narating na nila ang bahay at nadatnang duguan na si Aling Soledad agad namang dinampot ng mga pulis ang kanilang ama at tiyahin…
Patuloy pa ring umaagos ang mga luha mula sa mga mata ng mag-ina habang binabagtas ang lugar patungo sa ospital..
‘Wag kang bibitaw…
Wag kang bibitaw Ina……"
Patuloy na panaghoy ng binata.
Kinabukasan ay maagang nagising si Alejandro dahil sa patuloy na pagkatok ni
Aling Helen ang kanyang ina.
“Tok!Tok .. “Anak,.. gising na iho nagsisimula ng sumikat ang araw. Akala ko ba’y may lakad ka …
Siya nga pala iho dumating na sa kabilang nayon si Anita mula sa pagtatrabaho sa ibang bansa .
Madalas niya akong dalawin dahil kina kamusta ka niya ..
Kung minsan ngay nag-aabala pa siyang magdala ng matamis na mangga na labis ko namang naiibigan…"
“Sige Ma,.. aalis na muna ako .. baka dumaan din ako sa kanila para makapag-usap kami ."
Tugon ng binata..
“Kaylan ka pa dumating ?
bungad ng dalaga habang naglalakad sila sa gitna ng palayan at lumalanghap ng sariwang hangin.
“Kahapon lang …
Tipid na tugon ng binata .
“Kamusta ka na …? ang tagal kong walang balita sa iyo … madalas akong dumalaw sa bahay ng inyong ina."Ala! Eh , wala naman akong natanggap na sagot sa aking mga liham na pina padala sa iyo . Anu ga’t mula noong nagtungo sa ibang bansa ay di ako tumigil sa pagpapadala ng sulat sa iyo".
Nagtatampong winika ng dalaga..
“Nabanggit nga sa akin ni Ma..
Busy lang ako sa trabaho "
Matabang na tugon ng binata..
“Mahal mo pa rin ba ako?
Tanong ng dalaga.
“Mukhang hindi ko na kilala ang aking sarili
Sagot ng binata.
“Hindi kita lubos na maunawaan ..
Ismid ng dalaga.
“Gusto kong balikan ang mga masasaya nating mga ala-ala.
Nais kong magbalik ang dati nating pagtitingan na tila ba natabunan na ng nakaraan ."
Madamdaming sagot ng binata.
"Mahal pa din kita at handa akong ibalik kung ano man ang nawala sa atin at handa akong punan ang lahat ng mga pagkukulang ko …" Sabi ng dalaga…
Magtatakip silim ng hinatid na ni Alejandro si Anita . bago yaon ay muling nag dampi ang kanilang mga nag aalab at nagnanasang mga labi:
“Good night Anita … ‘’
“Good night Alejandro .. ‘’
Patay na ang gasera at nilukob na ng dilim ang kabuuan ng kanilang tahanan subalit patuloy paring nag-iisip at buhay ang diwa ng binata…
Muli niyang binuksan ang gasera upang magbigay liwanag at muling ipinagpatuloy ang kanyang akda…
_____________________________________________________

Nag-aabang kung sayo'y may lalapit- - -
Walang makarinig;sigaw ng damdamin;
Binalot ng dilim sa dakong karimlan.
Kumakatok ang kaba,takot at sindak,
Sa pusong tigatig at wari'y nawarak- - -
Kung nalupig na ang sulo ng liwanag;
Saan kakapit kung ika'y nabagabag.
Buhay masalimuot tila bangungot,
Tigang sa paghintay;tanong walang sagot- - -
Kumakapa sa akap ng sigalot;
Gumapang paluhod sa lupang malumot.
Kapag nilukob ng dilim ang liwanag,
May araw pa kayang sa ati'y sisikat?
Sumulyap kang muli sa mundong sirkulo;
Bago humarap sa panibagong siglo.

GUHIT NG BAHAGHARI Kabanata 2 "Tagpuan" akda ni John Dexter Asedillo

Kabanata 2 “Ang Tagpuan”
“Ito ang 90.9 Ang Radyo Mo…. Radioholics… I-check mo yan….At ito ang paborito ng bayan.
Welcome sa programa ng nag-iisang diwata sa Radyo…. Ako po si Lady Nympha
Ang mahiwagang dilag na sa inyo’y bibihag….
Aniya ng isang DJ sa radio.
Buhat sa malawak na bulwagan ng pamilya de Vera ay matatanaw ang dalagang si Eloisa na nakikinig sa paborito niyang programa sa radyo habang nag-iisip sa kung ano ang kukunin niyang kurso sa kolehiyo. Nagtatalo kasi ang kanyang isip sapagkat ang nais ng kanyang mama ay kumuha siya ng Business Management upang siya na ang nagpapatakbo ng isa sa kanilang kumpanya. Ngunit nais niyang tuparin ang pangarap niyang maging Radio Broadcaster or DJ sa Radyo kagaya ng idolo niyang si Lady Nympha.
"Iha napag-isipan mo na ba ang inaalok namin sayo ng Papa mo na mag-aaral ka ng Business Management sa New York para maasikaso na natin ang mga papeles mo?"
Wika ni Mrs. De Vera sa kanyang anak na si Eloisa.
"Ma…. Alam mo naman kung ano ang pangarap ko di ba? At sa tingin ko hindi na magbabago ang desisyon ko… Wala naman sigurong masama kung susundin ko ang desisyon ko ang talagang ninanais ko ang dinidikta ng puso ko…?Sana maintindihan mo ma… na iyon ang makakapagpasiya sa akin at naniniwala akong makakamtam koi yon…"
malumanay niyang tugon.
"Mukhang alam ko na ang pinagtatalunan ninyo Honey, hayaan mo munang makapag isip-isip ang anak natin ayoko rin naman siyang piloting gawin ang mga bagay na ayaw niya at lalong wala akong balak na ikulong siya sa isang sitwasyon na alam kong hindi siya magiging masaya…."
Panimulang sabi ni Mr. Alfredo de Vera ang daddy ni Eloisa.
"Pero… Pero siya lang ang anak natin di ba? Siya lang ang may kakayahan at karapatan magpatakbo ng iba pa nating negosyo sigurado akong masasanay din siya…."
Wala pa ring tigil sa pagtatalo ang mag-asawa habang si Eloisa ay unti-unti nang humahakbang palayo sa kanilang bulwagang pabilis ng pabilis ang bawat paghakbang at ‘di niya alintana kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa. Hanggang sa ang mga mumunting luha’y tuluyang pumatak mula sa dulo ng kanyang mga mata.
Pabilis pa siya ng pabilis sa pagtakbo hanggang sa…..
"Miss sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo…."
panimula ng binata habang sinisimot ang mga natapon niyang paninda ng ‘di sinasadyang mabunggo ito ng dalaga na kanina lang ay walang tigil sa mabilis na pagtakbo.
"PPPasensiya ka na… hin di di di…. ‘di ko sinasadya."
Utal-utal at garalgal na tugon ng dalaga.
"Hay, naku! Miss buti na lang at walang nasira sa mga paninda ko… kung hindi ay…."
Hindi na niya naituloy ang nais pa niyang sabihin ng mga sandaling iyon kasi’y nagkasalubong ang kanilang mga mata sa unang pagkakataon na wari ba’y nangungusap.
Matapos ang mahaba habang minuto nilang pagtitinginan ay nagkaroon sila ng lakas ng loob para magkakilanlan. Doon nakita ng binata ang namumugtong mga mata ng dalaga.
Ilang sandali pa ay tila nagkapalagayan na sila ng loob at wari’y walang pakialam pa bilis ng takbo ng oras at tuluyan ng nilamon ng dilim ang kabuuan ng Luneta at biglang nagliwanag dahil sa pagbubukas ng mga makukulay na pailaw na nakapalibot sa lugar. Unti-unti na ring dumaragsa ang mga taong nais na doo’y magpalipas oras o ‘di kaya’y tumambay ang iba nama’y gaya nilang nais lang ng isang lugar kung saan sila malayang makapag-isip. Karamihan naman ay mga mag sing-irog na sinasamantala ang magandang lugar upang makatipid sa kanilang pagliligawan o pagdadate.
Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi parin sila matinag sa pagkukuwentuhan.
Pasado ala sais ng buksan na ang pinaka atraksyon sa kabuuan ng Luneta ang makulay at kaakit-akit at nakakawiling Musical Fountain at susundan pa ng Fireworks.
Aliw na aliw ang dalawa sa panonood ng kahit noon pa lamang unang nagkita at ‘di pa lubos na magkakilala’y tila nakapagpalagayan na ng loob.
Lalong nagkasundo ang dalawa ng kapwa sila sumabay sa awitin na pinatutugtog na maririnig sa bawat sulok ng Luneta….
“’Di ba ikaw nga yung prinsesa at ako ang iyong hari…..
Ako yung prinsesang sagip mong palagi….
Ngunit ngayo’y marami ng nagbago’t nangyari…..
Ngunit ang pagtingin ay gaya pa rin ng
da-ra-ra-rat-da dati..."
…..Bukas ulit ha…. Dito na ang ating tagpuan alas singko ng hapon aasahan kita…..
beep… beep… beep…
Sunod sunod ang malakas na busina ang gumimbala sa isipan ni Alejandro habang naglalakad sa gitna ng kahabaan ng Taft Avenue.
Paano ba naman eh nagsusulat ba sa gitna ng kalsada .
“ Ano ba magpapakamatay ka ba ? Tumabi ka nga! wika ng isang motorista .
Noon niyang napagtanto ng nasa gitna na nga siya ng daanan ng sasakyan sa Taft Avenue sa may Buendia .
Ilang araw na lamang kasi ay tapos na ang palugid sa kanya para tapusin ang nobelang sinusulat niya.
At ako … patuloy pa ring nagsusulat na para bang may sariling buhay at kaisipan ang aking bolpen katulong ang mga nimpas at pantas sa mundo ng imahinasyon….
______________________________________________________
Miyerkules, Enero 15, 2014
GUHIT NG BAHAGHARI Kabanata 7 "Bunga ng Kahapon" akda ni John Dexter Asedillo
Kabanata 7 "Bunga ng Kahapon"
"GUHIT NG BAHAGHARI"
KABANATA 7 "Bunga ng Kahapon"
"Ang bawat patak ng dugo ko at pawis,
matinding pagtiis sinapit kong hapis---
s'yang naging puhunan upang aking kamtan,
tinatamasa ko ngayong kayamanan..."
At sa bawat pagtanim ng munting binhi
Pagdaka'y bungkalin masaganang ani---
Kotse ... malaking bahay ...
litson, fried chicken at iba
pang katakam-katam
at masarap na
pagkain,
relo, sapatos, mga magagarang
damit at kung anu-ano pa.
Iyan ang mga bagay na dati'y hanggang
pangarap at panaginip lamang. Kayang hawakan, makita, magamit, matikman at
maranasan ng binatang si Emmanuel. Ngunit ngayon ay higit pa sa inaasam ang
kaniyang tinatamasa.
May sarili na siyang bahay sa GoodRich
Village sa Marikina, isang one bedroom unit sa Avida Towers Centera sa
Mandaluyong. Bukod dito'y naipagpatayo na rin niya ng sariling bahay ang
kaniyang ina kasama ang iba pa niyang mga kapatid, balak pa nga niyang kumuha
ng isang yunit sa Alveo. Kung dati rati'y kariton ang kaniyang itinuturing na
sasakyan na itinutulak niya lulan ang kaniyang mga paninda kasama ang bote't
dyaryo . Ngayon ay mamamangha ka at mapupukaw ang iyong paningin sa dalawang
magagara niyang sasakyan, ang Chevrolet limousine car at Mercedez=Benz.
Kumpletong gamit sa bahay, masasarap at saganang pagkain sa hapag, mga magagara
at mamamahaling kasuotan na ang ilan ay likha pa ng mga sikat na fashion
designer, kumpletong muwebles at gamit pantahanan. Ang lahat ng iya'y unti-unti
niyang naipundar sa walang patid niyang pagpupursigi sa buhay.
Dugo, pawis, pagbabanat ng buto at
pangarap ang kaniyang naging puhunan upang ang lahat ng iyon ay kaniyang
makamit. Bagamat naging matagumpay at maliwanag, ang kaniyang buhay ay
unti-unti nmang nagbago at nagdilim ang kaniyang buhay pag-ibig.
Kung dati sa Luneta lamang siya
nakakapunta hindi para lang mamasyal kundi para din magtinda. Subalit ngayon ay
halos nalibot na niya ang Pilipinas at kung minsan pa nga ay lumalabas pa siya
ng bansa. Nkatungo na siya sa Europa, Inglatera, Amerika at sa ilang bahagi ng
Africa upang dumalo ng pagtitipon, seminar o kung minsa'y magbakasyon at
maglaan ng oras para sa sarili.
Ang lahat ng iyon ay katas ng
kaniyang tagumpay bilang isang mahusat
na manunulat, mga nobelang pumatok, mga librong naging best seller, mga sikat
na awiting siya ang kompositor at mga inabangang teleserye at pelikulang siya
ang sumulat ng kuwento.. Ang dating simpleng pangarap ay hindi lamang niya
naabot kundi lumampas pa at narating ang rurok ng tagumpay.
Nakalimutan na rin ng binata ang pait ng
nakaraan subalit hindi ang mga ala-alang nagpatibay sa kaniya para patuloy
lumaban gayundin ang mga masasayang ala-ala sa Luneta kasama ang nag-iisang
tinatangi ng kaniyang puso. Subalit ngayo'y inilaan na niya ang kaniyang puso
sa iba na tulad ni Eloisa na inalay na ang pag-ibig kay James. Pilit man niyang
ilihim ang katotohanan ay alam niyang 'di matatangging labis pa rin siyang
nasasaktan at umaasa na magbabalik pa ang kaniyang sinisinta at tutuparin ang pangako
sa bawat isa. Hindi man niya batid kung kailan at kung saan datapwat nasasaktan
at nagugulumihanan ay may ngiti pa ring nagkukubli sa kaniyang puso at isipan.
May kung anung ala-ala ang nanariwa at
gumagambala sa isipan ni Alejandro habang siya ay nagsusulat ng kaniyang
nobela. Mga ala-ala ni Anita mula noong sila ay mga bata pa lamang. Subalit sa
kaniyang imahinasyon ay hindi lamang sila ni Anita ang naroroon sa may
dalampasigan. Natanawan niya ang isang
babaeng nagkukunli lamng sa isang malaking bato, nagtama ang kanilang mga mata
at nagulantang siya ng napagtantong kamukhang-kamukha ito ni Anita. Inisip na
lamang niya na marahil dala lamang ito ng matinding gutom kaya't kung ano-ano
na lamang ang pumapasok sa kaniyang isipan. Nag atubili siyang kumain ng
malutong na tinapay at sinabayan ng paghigop ng mainit kape upang gisingin ang
kaniyang tila natutulog na diwa.
Makalipas ang ilang sandali ay muli
niyang itinuon ang sarili sa pagpapatuloy nng kaniyang akda....
--------------------------------------------------------------------
Lunes, Enero 13, 2014
GUHIT NG BAHAGHARI Kabanata 1 "Mumunting Pangarap" akda ni John Dexter Asedillo

"Ang pagpintakasi't pagkasing 'di mapapawi;
katulad ng mga kulay sa GUHIT NG BAHAGHARI..."
Kabanata 1 "Munting Pangarap..."
Lumusong ako sa malalim na tubig,
Upang sisirin ang tunay na pag-ibig- - -
Umakyat ako sa matarik na bundok;
Talikdan ang takot at bawat himutok...
Saliw at indayog ng tubig sa batis,
Gabay sa pagsinta kong walang kaparis- - -
Upang sisirin ang tunay na pag-ibig- - -
Umakyat ako sa matarik na bundok;
Talikdan ang takot at bawat himutok...
Saliw at indayog ng tubig sa batis,
Gabay sa pagsinta kong walang kaparis- - -
"Batugan...kumilos ka na ! Lalamya lamya ka na naman... Aba eh mag a-alas singko na ng umaga. Inuuna mo pa 'yang pagsulat mo ng mga walang kuwenta mong tula na sarili mo lang naman ang tagahanga at ikaw lang ang nakakabasa. Bakit kasi hindi mo pa tigilan ang kaka-asa mo na magiging manunulat ka, hindi ka naman magaling! hindi mo iyan ikakayaman! Mabuti pa ay magtungo ka na kina Mang Rodolfo nang makakuha ka na ng diyaryo at ilako mo na ng makaubos ka ng paninda. Siyanga pala bago ka umalis ay iwanan mo ako ng sampung istik ng pulang marlboro samahan mo rin ng limang menthol kendi tapos ay mangutang ka kina Aling Rosing ng tatlong boteng Redhorse at sampung pisong mani yung may sili. Sige na humulong ka na at tanghali na. Bumangon ka na!" sigaw ni Mang Antonio sabay sipa kay Emmanuel panganay niyang anak .
"Opo. Sige na eto na nga o, babangon na nga po.." sagot ng anak saka naghihilamos, nagpalit na ng damit at sinunod ang utos ng ama at nagsimula ng magtinda. "O, diyaryo kayo diyan ! diyaryo, yosi,kendi. Bili na kayo..." sigaw ng binatilyo habang binabagtas ang kahabaan ng Taft Avenue na tila nakikipagpatintero at habulan sa mga dyipney, bus at kung ano-ano pang mga pampubliko at pribadong sasakyan. "Isang BOMBA,..Marlboro lights at saka Maxx yung red ha? pogi.." wika ng isang dyipney drayber. "Salamat po Manong Drayber disi-nuwebe po lahat. "
"Sige ,O!eto na ang bayad ko..."
"Sige ,O!eto na ang bayad ko..."
"Salamat po ulit..."
Bago mag alas sais trenta ng umaga ay naubos na ang kanyang paninda. Nagmadali siyang umuwi upang makapagbihis na ng uniporme at makapasok na sa eskuwelahan. Habang binabagtas niya ang maburak at masikip na daan patungo sa looban ay nakasalubong niya ang kanyang tatlong mga nakababatang kapatid na sina
Darryl,Kristina at Laura na puro nasa elementarya.
"Kuya Eman...Kuya Eman.... pahingi kami
ng baon ." sabay-sabay na sigaw ng tatlo.
"O,eto ang kinse 'di bale tig lilimang
piso kayo. Papasok na ba kayo? Eh, nag-almusal na ba kayo?" tanong ni Emmanuel.
"Hindi pa nga kuya eh.. wala daw kasing
pera si ama." sagot ni Kristina.
"Kuya...Kuya si tatay pinalo kami sa puwet. Naghihingi lang naman kami pera e. Huhu sakit pa nga ng pwet ko" mangiyak-ngiyak at uutal-utal na sumbong nina Darryl at Laura.
"Okay sige ...
pagpasensiyahan ninyo na lamang si tatay lasing lang naman iyon. Heto na ang
sais at bumili na kayo ng pandesal doon kina Aling Lolita. Tig-dadalawa
kayo para kahit paano eh may laman 'yang tiyan ninyo. Ingat kayo
pagpasok." paalam ni Emmanuel sa mga nakababatang kapatid.
Dali-dali na niyang tinungo ang kanilang barung-barong. Buhat pa
lamang sa labas ay alam na niyang lango na naman sa alak ang kanyang ama dahil sa lakas ng sigawan na mula sa loob at walang tigil nakalampagan at batuhan ng pinggan.
"Ano ka ba naman kasi Solidad, sinabi ko
na kasing pahintuin mo na lang sa pag-aaral "yang si Eman para
magdirediretso ng pagtratrabaho bilang carwashboy doon kina Mang
Igno. Aba eh s'yento singkwenta din ang sahod nun arawan at malaking tulong na rin
yun kaysa nag-aaral pa eh. Bukod sa gastos pa, wala namang kuwenta ang
ambisyon ng anak mo..." higaw ni Mang Antonio.
"Hayaan mo nang tapusin niya ang
sekundarya, tutal naman ay nasa ika-apat na siyang antas bukod doo'y ilang buwan
na lamang ay magtatapos na siya malaki din ang posibilidad na maging
balediktoryan si Eman at maging iskolar sa kolehiyo mataas ang pangarap
ng anak natin at naniniwala akong matutupad iyon 'wag mo sanang
hadlangan.." sagot ni Solidad sa kanyang asawa.
Subalit patuloy pa rin sila sa pagtatalo dahil sa walang tigit na
pagkontra ng kanyang ama nagbingi-bingihan na nga lamang siya at dire-diretsong
nagtungo sa silid upang makapagbihis 'di na niya namalayang tumutulo na pala
ang kaniyang maga luha na pinunasan na lamang niya ng hinubad na damit bago
tumakbo ng mabilis patungo sa may kalayuang eskuwelahan ...
umaasang maaayos pa rin ang lahat at masisilayan rin ang liwanag
na magsisilbing gabay tungo sa kanyang
mga mumunting pangarap..........
_____________________________________________________________